Lumina Quezon Phase 2 Homeowners Association, Inc.

Directions

Lumina Quezon Phase 2 Homeowners Association, Inc. Opisyal na Page ng Lumina Quezon Phase 2 HOA, Inc. Para sa anunsyo, updates, at mga gawain ng komunid

π— π—”π—šπ—”π—‘π——π—”π—‘π—š π—šπ—”π—•π—œ 𝗣𝗒Bilang paghahanda para sa mas maayos at ligtas na pagpasok ng mga bisita sa ating subdivision, kami po ...
21/08/2026

π— π—”π—šπ—”π—‘π——π—”π—‘π—š π—šπ—”π—•π—œ 𝗣𝗒

Bilang paghahanda para sa mas maayos at ligtas na pagpasok ng mga bisita sa ating subdivision, kami po ay nangangalap ng updated contact numbers ng ating mga homeowners.

May nakatalagang cellphone sa Guard House na gagamitin para sa pakikipag-ugnayan at pagko-coordinate sa mga homeowners. Ito rin po ay regular na lalagyan ng load upang maging available sa oras ng pangangailangan.

Ang lahat ng bisita o taong papasok na pupunta sa isang homeowner ay kailangang makipag-coordinate muna sa guard. Kailangang makumpirma ng homeowner na sila ay may inaasahang bisita bago ito papasukin.

Kung walang confirmation mula sa homeowner, hindi muna papayagang makapasok ang bisita hanggang sa makumpirma mismo ng homeowner ang kanilang pagbisita.

π—₯𝗲𝗺𝗢𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗽𝗼 π—¨π—Ήπ—Άπ˜

𝗑𝗒 π—¦π—§π—œπ—–π—žπ—˜π—₯ 𝗑𝗒 π—˜π—‘π—§π—₯𝗬!!

Available pARIN po ang sticker. Maaari po kayong kumuha sa ating Treasurer.

Paalala po sa lahat ng homeowners na siguraduhing may sticker ang inyong sasakyan bago pumasok sa subdivision.

Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalaga upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at maayos na visitor monitoring sa ating subdivision.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Para po sa mga nagtatanong kung saan maaaring magbayad ng kanilang monthly dues, pasuyo po na makapagbayad na lamang po ...
14/08/2026

Para po sa mga nagtatanong kung saan maaaring magbayad ng kanilang monthly dues, pasuyo po na makapagbayad na lamang po tayo sa lalong madaling panahon.

Bukas po ang ating schedule ng pagpapasweldo sa mga maintenance at security guards, kaya mahalaga po ang inyong timely na pagbabayad upang may sapat tayong pondo para sa kanilang sahod.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa. Malaking tulong po ang inyong prompt na pagbabayad para sa tuloy-tuloy na operasyon at serbisyo ng ating HOA. πŸ™

FYI po, mga ka-homeowners! πŸ“’Ipinapaalam po namin na sa Agosto 20, 2026 (Miyerkules), 9:00 AM–1:00 PM, gagamitin ang atin...
11/08/2026

FYI po, mga ka-homeowners! πŸ“’

Ipinapaalam po namin na sa Agosto 20, 2026 (Miyerkules), 9:00 AM–1:00 PM, gagamitin ang ating HOA Court para sa Ligtas-Tigdas Contra Tigdas at Rubella Program ng Barangay Isabang.

πŸ‘Ά Inaanyayahan po ang mga magulang/guardian na may mga anak na edad 0–59 buwan na dalhin ang kanilang mga anak upang makalahok sa nasabing programa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa at suporta. Para po ito sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak. ❀️

πŸ“’ ANNOUNCEMENTGARBAGE COLLECTION SCHEDULEMagandang araw po, mga ka-Homeowners!Narito po ang araw ng koleksyon ng basura:...
03/08/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT
GARBAGE COLLECTION SCHEDULE
Magandang araw po, mga ka-Homeowners!
Narito po ang araw ng koleksyon ng basura:

🟒 NABUBULOK (Biodegradable)
Lunes β€’ Miyerkules β€’ Biyernes

πŸ”΅ DI-NABUBULOK (Non-Biodegradable)

Martes β€’ Huwebes

⚠️ MAHALAGANG PAALALA
Mahigpit pong ipinagbabawal ang paghahalo ng nabubulok at di-nabubulok na basura.
Ang mga basurang hindi maayos ang pagkaka-segregate ay HINDI PO KO-COLLECTAHIN,

Maligayang Kaarawan, Ma'am Maria Tess ! πŸŽ‰πŸŽ‚Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, lakas, at kasi...
02/08/2026

Maligayang Kaarawan,

Ma'am Maria Tess ! πŸŽ‰πŸŽ‚

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, lakas, at kasiyahan. Hangad namin ang mas marami pang tagumpay at inspirasyon habang patuloy ninyong ginagampanan ang inyong mahalagang tungkulin bilang Secretary ng Lumina Quezon Phase 2 HOA.

Maligayang Kaarawan po! πŸ’πŸŽˆ
Mula sa Lumina Quezon Phase 2 HOA Family.

Congratulations to our New Animal Control Officers!Bilang Pangulo ng aming Homeowners Association, nais kong ipaabot ang...
29/07/2026

Congratulations to our New Animal Control Officers!

Bilang Pangulo ng aming Homeowners Association, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating mga kinatawan na matagumpay na nakibahagi sa Animal Control Training.

Maraming salamat sa pagkakataong maipabilang ang aming Homeowners Association sa makabuluhang programang ito. Ipinagmamalaki namin ang aming mga participants mula sa Lumina Subdivision, lalo na ang aming masipag na maintenance personnel, na buong pusong naglaan ng oras upang matuto at mas mapahusay ang kanilang kaalaman at kakayahan sa paglilingkod sa ating komunidad.

Nawa'y maging daan ang pagsasanay na ito upang higit pang mapalakas ang kaligtasan, kaayusan, at responsableng pangangalaga sa ating subdivision. Muli, congratulations sa ating mga bagong Animal Control Officers at maraming salamat sa inyong dedikasyon sa paglilingkod!

Magandang araw mga ka Homeowners Para po sa kaalaman ng lahat!!Mainit man po ang naging talakayan kahapon, nanindigan po...
23/07/2026

Magandang araw mga ka Homeowners
Para po sa kaalaman ng lahat!!

Mainit man po ang naging talakayan kahapon, nanindigan po tayo para sa kapakanan ng ating mga homeowners. Bilang inyong Pangulo, kasama ang ilan nating mga homeowners na dumalo, hindi po tayo pumayag na isantabi ang ating mga karapatan at mga ipinangako sa atin.
Sa huli, nanaig po ang ating panig at kinilala ang ating mga lehitimong hinaing. Isa itong mahalagang hakbang upang matiyak na maipapatupad ang mga ipinangakong amenities at iba pang obligasyon ng developer sa ating komunidad.
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng naglaan ng oras at sumama sa amin sa DHSUD upang ipaglaban ang ating mga karapatan. Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating pagkakaisa at patuloy na pakikiisa para sa ikabubuti ng ating subdivision.

Address

Lumina Quezon Phase 2 Brgy. Isabang
Tayabas
4327

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lumina Quezon Phase 2 Homeowners Association, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share