23/11/2025
Dumalo ang Calantas Children's Association sa isang makabuluhang pagdiriwang kung saan mas lalo nating napalawak ang kaalaman at kahandaan ng kabataan pagdating sa tamang pagtugon sa mga emergency. Sa pamamagitan ng Basic Life Support and First Aid Training, natutunan ng mga Calantasin ang mahahalagang teknik tulad ng CPR at iba pang pangunang lunas na maaaring makatulong sa pagligtas ng buhay.
Lubos ang aming pasasalamat sa ating naging guest speaker na si Mr. Jad Dionisio, RN, sa malinaw, makabuluhan, at praktikal na pagbabahagi ng kaalaman.
Salamat sa lahat ng Kabataang Calantasin na dumalo at nakiisa. Dahil sa inyo, mas nagiging handa, may alam, at mas responsable ang ating komunidad.
Kabataang Calantasin: Kaalaman Para sa Kaligtasan!
&FAT2025