29/05/2025
"Project I Can 12th Outreach Program:
"SALAT sa KARUNUNGAN"
Ano ba ang Kanyang Pagkatao?
Salat na Isipan Kumakalam sa Karunungan
Ang malaman Ang kahinaan
Sandata ay Kaalaman sa Mundong Ginagalawan
Magandang araw sa inyo mga kapatid nais po namin ipabatid sa inyo na naisagawa po natin ng maayos at matagumpay ang SALAT sa KARUNUNGAN Outreach Program nitong May 17-18, 2025 para sa mga kapatid natin sa Sitio Madaraque Barangay Umiray General Nakar, Quezon Province.
Sa kabila ng haba at nagbabantang panahon dala ay ulan Kay lakas. Ininda't pumalaot sa karagatan na Kay alon at sa kainitan ni inang araw ay sumuong sa ilog gamit Ang bangkang walang katig. Inulan man ay pinilit din ng mga kapatid nating dumagat na makarating upang salubungin Tayo ng may ngiti at nanabik sa mga handog na regalong pinaaabot ng mga may ginuntuang puso Mula sa mga butihing sponsors. Mula sa mga individual, mapamaliit or Malaki mang orginasyon na galing sa ibat ibang Lugar na umabot pa sa ibang Bansa.
Ang "PROJECT I CAN" (PIC) Family po ay lubos na nagpapasalamat sa mga "BLESSING SHARERS" at "VOLUNTEERS" na hindi nagdalawang isip na maglaan ng ORAS, PAGSISIKAP at BIYAYANG ginugol nila para matagumpay po nating maisagawa Ang ika-labing dalawang (12) Outreach Program ng PIC Family. At higit sa lahat, maraming salamat po sa mapagpalang tagapaglikha, salamat sa pagbibigay lakas at gabay para maipagpatuloy namin ang mga gawain at adbokasiyang ng Aming grupo.
Kami Po ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod:
Sa mga ANONYMOUS BLESSING SHARERS from:
Quezon Province
Batangas
Manila
Laguna
Bicol
USA
Dubai
Germany
Wave Customs Brokerage from Tayabas City, Quezon Provice
Sir Aaron Durante from Tayabas City, Quezon Provice
Sir Lemuel Pineda from Tayabas City, Quezon Provice
Ma'am Jonella Tutor from Tayabas City, Quezon Provice
And on behalf of Nanay Nini Andrada Sacro Kasama ng kanyang organisasyon at mga donors ng Climb Against Cancer Pilipinas (CAC).
Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi po natin naisakatuparan ang proyektong ito at dahil sa mga biyaya niyong pinagkaloob marami po kayong natulungan at napangiting bata at matanda.
Sana po ay maging inspirasyon kayo sa ating kapwa at huwag po kayong magsawang magbahagi ng mga biyaya. Aasahan po namin ulit ang inyong suporta sa susunod pang mga Outreach Program ng Project I Can. Muli kami po ay lubos na nagpapasalamat.
Because if I CAN, YOU CAN, WE CAN!!!