05/06/2026
๐ก๐๐ช๐ฆ ๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | Sa nalalapit na pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027 sa darating na Hunyo 8, haharapin ng milyun-milyong mag-aaral at g**o mula sa mga pampublikong paaralan ang malawakang pagbabago sa sistema ng edukasyon. Bitbit ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang serye ng mga radikal na reporma at polisiya na naglalayong solusyunan ang matagal nang kinakaharap na โlearning crisisโ sa bansa.
Bilang isang pampublikong institusyon, paano nga ba maapektuhan ang Quezon Science High School (QSHS), at ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng mga Quesayanos?
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด โ๐ง๐ต๐ฟ๐ฒ๐ฒ-๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บโ
Sa kauna-unahang pagkakataon, mawawala na ang tradisyunal na first hanggang fourth grading period na kinasanayan sa mga pampublikong paaralan sa elementarya hanggang senior high school. Ito ay matapos opisyal na aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 22 ang paglipat mula sa dating apat na markahan (quarterly) patungo sa Three-Term School Calendar o tatlong termino na lamang kada taon ng pagtuturo. Layunin ng pagbabagong ito na solusyunan ang madalas na pagka-kaantala ng klase dulot ng mga suspensyon dahil sa masamang panahon, kalamidad, at mga aktibidad na co-curricular at extracurricular.
Para sa Taong Panuruan 2026โ2027, itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kabuuang 201 araw ng pasok na magsisimula sa Hunyo 8, 2026 at magtatapos sa Abril 8, 2027. Alinsunod sa ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ฌ๐ฌ๐ต, ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ang bawat termino ay hahatiin sa tatlong โdistinct blocksโ upang mas maging malinaw at organisado ang mga layunin sa pagkatuto:
1. ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ฐ๐ธ: Eksklusibo lamang ito sa unang linggo ng Term 1. Sa bahaging ito, wala munang pormal na talakayan o klase; sa halip, nakalaan ang oras sa mga oryentasyon, diagnostic assessments, at pag-screen sa kalusugan upang maihanda ang mental at emosyonal na kalagayan ng mga mag-aaral.
2. ๐๐ป๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐น๐ผ๐ฐ๐ธ: Ito ang pinakamahabang bahagi ng bawat termino na tatagal ng 61 hanggang 62 araw. Nakatuon lamang ito sa tuluy-tuloy na pagtuturo at pagkatuto na may kaunting abala. Dito rin isasagawa ang mga gawaing pang-akademiko tulad ng mga summative tests at performance tasks, pati na rin ang mga sesyon ng ARAL Program (remediation) pagkatapos ng opisyal na oras ng klase.
3. ๐๐ป๐ฑ-๐ผ๐ณ-๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ ๐๐น๐ผ๐ฐ๐ธ: Nakatalaga naman ang huling 8 hanggang 10 araw ng bawat termino para sa mga gawaing administratibo tulad ng pagkuwenta ng grado, pag-check ng mga school forms, at pagdaraos ng Parent-Teacher Conferences (distribusyon ng card). Dito rin sa blocks na ito pinahihintulutan ang pagsasagawa ng mga gawaing ko-kurikular, pagsasanay ng mga g**o (INSET), at ang pagpapatupad ng Wellness Break para sa kapakanan ng mga mag-aaral at g**o.
Ang opisyal na iskedyul ng bawat termino para sa School Year 2026-2027 ay ang mga sumusunod:
๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ญ: Hunyo 8 hanggang Setyembre 15
๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ฎ: Setyembre 16 hanggang Disyembre 18
๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ฏ: Enero 4 hanggang Abril 8
Bagaman ipatutupad ito sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa, mananatili muna itong opsyonal para sa mga pribadong institusyon.
๐ก๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ฆ ๐๐๐ฟ๐ถ๐ธ๐๐น๐๐บ
Alinsunod sa ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ฌ๐ญ๐ณ, ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, opisyal na ring isasakatuparan ang Strengthened Senior High School (SSHS) Curriculum sa kapwa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Sa ilalim ng bagong kautusang ito, tuluyan nang binuwag ang dating apat na tracks (Academic, Technical-Vocational Livelihood, Sports, at Arts and Design) at ibinaba na lamang ito sa dalawa: ang Academic Track at Technical-Professional (Tech-Pro) Track.
Mula sa dating 15 core subjects, binawasan na lamang ito hanggang lima para sa mga incoming Grade 11 ngayong taon:
1. Effective Communication / Mabisang Komunikasyon
2. Life Skills
3. General Mathematics
4. General Science
5. Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino
Dahil hindi kabilang ang QSHS sa 900 na paaralang sumailalim sa pilot-testing noong nakaraang taon, tanging ang mga mag-aaral sa Grade 11 ang sasaklawin ng bagong kurikulum, habang mananatili naman sa lumang sistema ang mga papasok sa Grade 12. Gayunman, nakatakda na ang ganap na implementasyon ng Strengthened Senior High School Curriculum para sa lahat ng mag-aaral sa darating na School Year 2027โ2028.
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_009r.pdf
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_017r.pdf
via, Gabriel Banagan