21/05/2026
πβ¨ Muling binuhay ng Teatro at Galaw ng Tayabas ang makulay na kultura at sining ng ating bayan sa kanilang masigla at kahanga-hangang pagtatanghal sa harap ng Casa Comunidad de Tayabas kaninang alas-9 ng umaga.
Bilang bahagi ng Culinary Heritage Tour of Quezon ng Philippine Tour Operators Association, buong puso naming sinalubong ang pagdating ng ating mga bisita sa pamamagitan ng makukulay na galaw, musika, at tradisyong tunay na ipinagmamalaki ng mga Tayabasin.
Isang mainit na pagtanggap na puno ng sigla, kultura, at pagmamahal sa ating mayamang pamana! β¨π€