29/05/2025
Red Cross 143 HEALTH ALERT: Pangalagaan ang sarili! Umiwas sa Mpox!
Ang Mpox ay sakit na nakakahawa dulot ng monkeypox virus. Ang mga taong may Mpox ay nagkakaron ng masakit at namumulang pantal (rashes na maihahalintulad sa bulutong tubig), namamagang kulani, at lagnat. Maaaring maipasa ang mpox kapag nahawakan ng matagal, nahalikan, o nakipagtalik sa taong may mpox, maari rin makuha ang mpox mula sa mga hayop na mayroon nito at sa mga ginamit na kagamitan katulad ng kumot, damit, pinagkainan ng taong may mpox. Kaya importante na gumamit ng mask sa matataong lugar, palagiang maghugas ng kamay at umiwas sa matataong lugar. Paalalahanan ang mga kapamilya, kamag anak, kabarangay na magpa check up agad kapag nakaka ranas ng mga sintomas upang mabigyan ng lunas at hindi makapang hawa.