Central Luzon Empowered Associations, Ready for Development

Central Luzon Empowered Associations, Ready for Development Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Central Luzon Empowered Associations, Ready for Development, Community Organization, Brgy San Miguel, Tarlac City, Tarlac.

Organic Farming Project ng Municipal Agriculture Office ng Iba, Zambales at CLEARED-Amungan Chapter.Sa pangangasiwa ng P...
12/02/2025

Organic Farming Project ng Municipal Agriculture Office ng Iba, Zambales at CLEARED-Amungan Chapter.

Sa pangangasiwa ng Poverty Reduction livelihood and Employment Cluster sa pumumuno ni Asec James Layug, PRLEC Chairperson noong Pebrero 11, 2025, nagsagawa ng pinagsamang briefing at site inspection ang Department of Agriculture (DA) Region III na kinatawanan ni Ms. Guia D. Reyes, OIC-Chief PAS, ATI RTC III kasama ang mga kasapi ng CLEARED na pinamumunuan ni Mrs. Jullie Anne Castillio, Chairman.

Kasama rin sa mga dumalo sina Mr. Jayson B. Nidua, DMO II-Livestock, ATI RTC III at Mrs. Lorrie Jane Navarro, MAO Focal Person-Iba, Zambales.

Ang briefing at site inspection ay isinagawa para sa mga miyembro ng CLEARED Olpoy-Amungan Chapter na nakatuon sa proyektong Organic Squash Production sa Sitio Olpoy, Brgy. Amungan, Iba, Zambales.

Layunin ng aktibidad na ito na suportahan ang pag-unlad ng organikong pagsasaka sa komunidad at tiyakin ang tagumpay ng proyektong squash production. Nagbigay ng teknikal na suporta at gabay ang mga kinatawan ng DA upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng proyekto.

Seminar para sa mga Bagong Kasapi ng CLEARED Coop, Isinagawa!Matagumpay na isinagawa ang Pre-Membership Education Semina...
11/02/2025

Seminar para sa mga Bagong Kasapi ng CLEARED Coop, Isinagawa!

Matagumpay na isinagawa ang Pre-Membership Education Seminar (PMES) noong Pebrero 9, 2025, sa Sitio Olpoy, Iba, Zambales. Dinaluhan ito ng 50 miyembro ng CLEARED Agricultural Cooperative, na aktibong nakibahagi sa mga talakayan at aktibidad na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa kooperatiba.

Kabilang sa mga naging panauhing pandangal at tagapagsalita sina Ms. Jiezel C. Valdez, Tagapangulo ng Kooperatiba; Mr. Albert M. Aquino Jr., Provincial Cooperative Development Officer; at Ms. Lorie Jean A. Navarro, Municipal Cooperative Focal, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng kooperatiba.

Ang CLEARED Agricultural Cooperative ay patuloy na nagsisilbing katuwang sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kasapi ng Central Luzon Empowered Association Ready for Development, sa layuning mapalakas ang kabuhayan at pag-unlad ng mga komunidad sa rehiyon.

Matagumpay na idinaos ang Pre-Membership Education Seminar na dinaluhan ng 44 na kalahok noong ika 15 January 2025 sa RB...
17/01/2025

Matagumpay na idinaos ang Pre-Membership Education Seminar na dinaluhan ng 44 na kalahok noong ika 15 January 2025 sa RB Building, Rizal St., Pob East, Sta. Ignacia, Tarlac na pinangunahan ng CDA Tarlac.

Ang CLEARED agricultural cooperative ang siyang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga kasapi ng Central Luzon Empowered Association Ready for Development.

Si kasamang Jai, Head organizer at kasamang Shane, Head ng Education and Training ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok tungo sa pag-unlad.

Matagumpay ang pagtitipon ng Central Luzon Empowered Associations, REady for Development (CLEARED) noong ika-8 ng Disyem...
12/12/2024

Matagumpay ang pagtitipon ng Central Luzon Empowered Associations, REady for Development (CLEARED) noong ika-8 ng Disyembre, 2024 sa Sitio Olpoy, Brgy. Amungan, Zambales, na dinaluhan ng mahigit 150 na mga katutubo at magsasaka mula sa Sitio Olpoy at Sitio Kawayan Kiling.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang Municipal Agriculture Office (MAO) and Municipal Cooperative Development Authority (CDA) sa pangunguna ni Mr. Joey F. Alvior, Municipal Agriculture Officer ng Iba, Zambales, at ang opisyales ng Barangay Amungan sa pamumuno ni Hon. Walter Olipane, Committee in Agriculture.

Napag-usapan sa nasabing meeting ang pormal na pagtatayo ng CLEARED-Amungan People’s Organization at ang registration nito sa Iba Municipal Agricultural Office, maging ang paglahok ng mga dumalo sa CLEARED Multi-purpose Cooperative na rehistrado na sa Cooperative Development Authority.

Nagtapos ang pulong sa commitment at pakikiisa ng CLEARED Amungan People’s Organization sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang barangay.

06/12/2024

Taos-puso ang pakikiramay ng Central Luzon Empowered Associations, REady for Development (CLEARED) sa pamilyang naulila ni Susan Ritual. Isang munting tulong ang kanilang inihandog upang maibsan ang kalungkutan at pagdadalamhati ng nasabing pamilya.

Ang Central Luzon Empowered Associations REady for Development (CLEARED) ay nakikiramay sa Pamilyang Ritual sa pagkamata...
02/12/2024

Ang Central Luzon Empowered Associations REady for Development (CLEARED) ay nakikiramay sa Pamilyang Ritual sa pagkamatay ni Susan Ritual na kilala rin sa pangalang Bona.

Matatandaan natin na siya ay nasawi sa engkwentro sa pagitan ng NPA at mga sundalo ng 80IB sa Sitio Gitna, Brgy Llavac, Real, Quezon noong Disyembre 02, 2024.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pakikipagtulungan ng CLEARED sa pamahalaan ng Aurora at Laguna, 703rd Bde, 202nd Brigade, at Famy PNP upang matiwasay na maasikaso ang mga labi ni Susan patungo sa kanilang tahanan sa Dingalan, Aurora.

Masisiguro ng CLEARED na gagabayan at sasamahan ang pamilyang Ritual upang tuluyan ng maiuwi ang labi ni Susan at makamtan ang payapang pagluksa ng mga naiwang kapamilya at mga mahal sa buhay.

Ang Central Luzon Empowered Associations REady for Development o CLEARED ay nakilahok at nakisaya sa isinagawang Indigen...
28/11/2024

Ang Central Luzon Empowered Associations REady for Development o CLEARED ay nakilahok at nakisaya sa isinagawang Indigenous Tribal Games sa Sta. Fe, San Marcelino, Zambales, noong Nobyembre 26, 2024.

Ang Indigenous Tribal Games ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Zambales, Philippine Army, at ibang ahensya ng gobyerno. Layunin ng pagtitipon ang patuloy na pagsasabuhay ng mga kakayahan, liksi, at galing ng mga katutubo sa paraan ng masayang paligsahan sa pagitan ng iba’t ibang tribo ng Indigenous People ng Gitnang Luzon.

Patuloy ang CLEARED-Sektor Katutubo sa pagsulong ng kapakanan at karapatan ng mga IP bilang kalahok sa pagtataguyod ng katahimikan at pag-unlad sa Gitnang Luzon.

29/09/2024
Ika-lima na General Assembly isinagawa Central Luzon Empowered Associations, REady for Development (CLEARED) na idinaos ...
20/08/2024

Ika-lima na General Assembly isinagawa Central Luzon Empowered Associations, REady for Development (CLEARED) na idinaos sa Pag-asa Gym, Barangay F.E. Marcos, San Jose City, Nueva Ecija, ngayong Agosto 20, 2024, na dinaluhan ng 166 na miyembro galing sa iba’t-ibang sektor.

Karamihan ng dumalo sa nasabing General Assembly, ay galing sa sektor ng kababaihan at magsasaka. Ang asembliya ay nagbigay-daan upang talakayin ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng mga miyembro sa kasalukuyan.

Ang CLEARED ay isang non-government organization na inorganisa ng mga dating kasapi ng New People's Army na nagbalik-loob at nakikilahok sa whole-of-nation, na bayanihan para masiguro ang maginhawang pamumuhay ng mga nabibilang sa vulnerable sectors.

Mabuhay ang CLEARED! Mabuhay ang Pilipinas!

NGAYON: Ika-lima na Pangkalahatang Asembliya ng iba't ibang Sektor ng Central Luzon Empowered Associations, Ready for De...
20/08/2024

NGAYON: Ika-lima na Pangkalahatang Asembliya ng iba't ibang Sektor ng Central Luzon Empowered Associations, Ready for Development (CLEARED) sa Pag-asa Gym, Brgy F.E Marcos, San Jose City, Nueva Ecija.

Address

Brgy San Miguel, Tarlac City
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Central Luzon Empowered Associations, Ready for Development posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share