19/07/2026
❤️ Sama-sama sa Paglilingkod, Sama-sama sa Pagbabahagi ng Pag-asa ❤️
Muli na naman po tayong nagkaisa upang maghatid ng ngiti at pag-asa sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Medical Mission, Dental Mission, Libreng Gupit, pamamahagi ng School Supplies, at Potable Drinking Water Station para sa mga mag-aaral ng Matatalaib Bato Elementary School.
Sa bawat serbisyong ating naibabahagi, lalo nating napapatunayan na hindi nauubos ang kabutihan ng puso ng mga Pilipino. Kapag nagsama-sama ang mga taong may malasakit, mas marami tayong buhay na naaabot at nabibigyan ng pag-asa.
Taos-puso po naming pinasasalamatan ang aming mga partner at sponsors na naging bahagi ng misyong ito:
* Sogo Cares, sa pangunguna ni Ms. Kim Caculitan
* Philippine Dental Association (PDA), sa pangunguna ni Dr. Wrenz Arrianne Quillao- Dombriguez, Vice President and Members.
* DSJ Waterboy Enterprise headed by Mr De Jesus
* MDPP Chicken and Frozen Meat, sa pangunguna ni Ms. Mirinda Peralta
* NGH Frozen Meat, sa pangunguna ni Mr. Nicholas Halili
* 1 Tarlac Maharlikans pangunguna ni Mr. AJ Cayabyab and Members
* EMSA Gun Club Inc., sa pangunguna ni Mr. Hubert Lim
* Kalingang Dwine Foundation
* Cayco Med & General Merchandise pangunguna ni Ms. Joyce Corpuz
* Bert Barbershop for men and woman sa pangunguna ni Robert Romero
* QD Dental Clinic sa pangunguna ni Mr. Norman Dombriguez, Jr.
* Villarta Dental Clinic, Sa pangunguna ni Dr. James Villarta
*Lugay Dental Clinic, sa pangunguna ni Dr. Mary Jemylee Ann Lugay
*Mr. Cedrick Saguyod
*United Brotherhood of Tarlac, Sa pangunguna ni Bro John Ivan Dela Peña
Maraming salamat din po sa lahat ng ating mga volunteers na naglaan ng kanilang oras, pagod, at dedikasyon upang maging matagumpay ang ating programa. Ang inyong malasakit at walang sawang pagtulong ay tunay na naging inspirasyon sa ating lahat. Maraming salamat po sa inyong suporta at serbisyo sa komunidad. Mabuhay po kayong lahat!
Hanggang sa muli, sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod at pagmamalasakit sa ating kapwa.
Maraming salamat at more power sa ating lahat! 💙🇵🇭