Project Lawa at Binhi of Barangay Manaquem

Directions

Project Lawa at Binhi of Barangay Manaquem about community gardening

08/10/2026

Bakit ba ako narito sa PLAB?
Ano ang layunin nito bilang Isang benipisyaryo?
LAWA-ito ay tubig na nagbibigay ng Buhay.
BINHI- munting butil na may dalang pag-asa sa bawat isa.

Bilang isang benipisyaryo,
Hindi lang taga tanggap ng tulong.
Kami'y taga tanim, taga alaga ng bawat butil.
At taga-ani ng sariling pag-asa.
Dapat may malasakit sa kalikasang napabayaan.

Para saan at para kanino ba ito?

Para sa mga pamilyang nangangailangan,
Sa hapag na kailangang may maihain.
Para sa mga magsasaka at mangingisda,
Na nangangarap na dagdag kabuhayan.

Gula'y, isda at prutas
Hindi lamang ani,
Kundi pagkain, kita at pag-asa ng bawa't Isang benipisyaryo.
Pero higit sa lahat,
May Isang yaman tayong dapat ingatan Ang ating kalikasan.

Dahil Ang lupa ay hindi lang tinataniman
Ang tubig ay hindi lang ginagamit,
At Ang binhi ay Hindi lang itatanim.
Lahat ng ito'y Buhay na pinagkatiwala sa atin ng puong maykapal.

Kaya bakit ba ako naririto?
Hindi lang para magtrabaho at tumulong.
Kundi para maging bahagi ng Isang layunin.
Maghasik ng binhi,
Mag-ingat ng tubig,
Magbigay ng kabuhayan
At magbalik Buhay sa ating kalikasan.

Sapagka't Ang LAWA ay Hindi lang tubig,
At Ang BINHI ay Hindi lamang butil.
LAWA ay Buhay
ANI ay biyaya
Ang lahat ng ito ay nagmula sa ating puong maykapal na ating dapat pagyamanin at ingatan.

Kaya sa bawa't Ani ito ay biyaya na ating matatanggap ay ating ibahagi sa lahat at ipagpasalamat sa nasa itaas na nagbigay ng pagpapala.

At sa mga kama'y ng mga taong may malasaki't sa munting binhi ay maaring maging masaganang ani para sa lahat.

Salamat sa malasakit at pagmamahal sa kalikasan mga ka PLAB.๐ŸŒฑ๐Ÿ€๐ŸŒณ๐Ÿž๏ธ๐ŸŸ

Harvest TimeSalamat po sa mga bumili ng mga gulay namin PLab Lawa at Binhi ng Brgy Manaquem Camiling Tarlac
05/10/2026

Harvest Time
Salamat po sa mga bumili ng mga gulay namin
PLab Lawa at Binhi ng Brgy Manaquem Camiling Tarlac

Harvest time PLAB Lawa at Binhi ng Brgy Manaquem Camiling Tarlac
28/09/2026

Harvest time
PLAB Lawa at Binhi ng Brgy Manaquem Camiling Tarlac

Meeting PLAB Project Lawa at Binhi Sept 27 2026
26/09/2026

Meeting
PLAB Project Lawa at Binhi
Sept 27 2026

Site  Maintaining PLAB Brgy Manaquem Camiling Tarlac Project LAwa at Binhi
23/09/2026

Site Maintaining
PLAB Brgy Manaquem Camiling Tarlac
Project LAwa at Binhi

Address

Barangay Manaquem Camiling Tarlac
Tarlac
2306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Lawa at Binhi of Barangay Manaquem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share