The Excalibur - Golden Olympus Colleges

The Excalibur - Golden Olympus Colleges The Official Student Publication of Golden Olympus Colleges

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ป ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ธThere is something about Spider-Man that makes people look up.Maybe itโ€™s because he...
06/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ป ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ธ

There is something about Spider-Man that makes people look up.

Maybe itโ€™s because he always comes when someone needs help. Maybe itโ€™s because he never stops smiling, even when the city gives him every reason not to. Or maybe itโ€™s because, somehow, we all wish someone like him existed when life gets too heavy.

But hereโ€™s the thing.

Spider-Man has never just been about Spider-Man.

Behind every web, every rescue, every headline that says โ€œFriendly Neighborhood Hero Saves the Day,โ€ is Peter Parkerโ€”a kid who has spent most of his life losing more than he ever gets to keep.

He lost Uncle Ben before he was old enough to understand that grief doesnโ€™t disappear. He watched friendships fall apart. He buried people he loved. And in the recent movies, perhaps the cruelest thing happened without a single punch being thrown.

Everyone forgot him.

Imagine walking past the people youโ€™d give your life for, only to realize they no longer remember your laugh. Your name. Your existence. Imagine carrying years of memories that belong to no one but yourself.

Peter Parker had every reason to become angry.

Every reason to become bitter.

Every reason to stop caring.

Insteadโ€ฆ

He put the mask back on.

Not because anyone thanked him.

Not because anyone remembered him.

But because somewhere deep inside, Peter understood something most of us spend our whole lives trying to learn:

Kindness isnโ€™t something you earn after life becomes easy. Itโ€™s something you choose, especially when life isnโ€™t.

Thatโ€™s why Spider-Man has never been defined by his powers.

Anyone bitten by a radioactive spider would have powers.

Not everyone would still choose to save the man who yelled at them yesterday.

Not everyone would stop to help a stranger while carrying a heart thatโ€™s breaking.

Not everyone would keep believing in people after the world has given them every reason not to.

Peter does.

Every single time.

And maybe thatโ€™s why the words โ€œAnyone can wear the maskโ€ have never been about becoming Spider-Man.

Because the mask was never meant to hide your face.

It was meant to reveal your character.

You donโ€™t need webs to be Spider-Man.

You just need to be the person who stays after everyone else leaves.

The friend who checks in first.

The stranger who holds the door.

The classmate who notices the quiet kid sitting alone.

The person who chooses patience over pride, forgiveness over revenge, and compassion over convenience.

The world has enough people waiting for someone else to be the hero.

Peter Parker reminds us that heroism has never started with superpowers.

It starts with choosing to be kind when kindness costs something.

Maybe youโ€™ll never swing between buildings.

Maybe youโ€™ll never save New York.

Maybe no one will ever know your name.

Peter knows what that feels like.

Yet he still wakes up every morning believing that one small act of kindness can change someoneโ€™s day.

Maybe thatโ€™s why he isnโ€™t just a superhero.

Heโ€™s a reminder.

That the strongest people are not the ones who never break.

Theyโ€™re the ones who breakโ€ฆ

and still choose to be gentle.

Because in the end, the greatest thing Peter Parker ever proved wasnโ€™t that he could carry cars, stop trains, or fight villains.

After losing almost everything, he never lost himself.

And maybe thatโ€™s why Peter Parker has always been more inspiring than Spider-Man.

The suit was never what made him a hero.

His heart did.

And maybe thatโ€™s the real mask.

One that every one of us can choose to wear.

โœ๏ธ: Luis Capulong
๐Ÿ–ผ๏ธ: Jacob Valdez

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผMay isang batang mahigpit na kumakapit sa kamay ng kanyang...
05/08/2026

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ

May isang batang mahigpit na kumakapit sa kamay ng kanyang lola habang tinuturuan siyang bigkasin ang unang "po" at "opo." Sa isang sulok ng tahanan, may inang inaawitan ang kanyang sanggol ng isang lumang kundiman. Sa gitna ng kalye, may mga taong walang pag-aalinlangang nagtutulungan upang buhatin ang bahay ng kapitbahay matapos hagupitin ng bagyo. Hindi man nila namamalayan, iisa ang kanilang isinasabuhay. Ang pagiging Pilipino.

Hindi lamang sa mga aklat matatagpuan ang ating pagkakakilanlan. Nasa bawat kuwentong ipinapasa sa hapag-kainan at sa bawat pusong handang magsakripisyo para sa pamilya. Ito ang kulturang hindi kailangang ipaliwanag, sapagkat ito mismo ang ating kinamulatan.

Matagal nang kinikilala ang Pilipino sa diwa ng bayanihan. Sa panahon ng kalamidad o pangamba, laging may kamay na handang umalalay. Walang hinihintay na kapalit, walang hinihinging pagkilala. Sa puso ng bawat Pilipino, ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat.

Ngunit hindi lamang kabutihan ang ating maipagmamalaki. Sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo, patuloy na ipinakikita ng Pilipino ang husay sa sining, agham, palakasan, edukasyon, at iba pang larangan. Ang bawat medalya, bawat obra, bawat tuklas, at bawat tagumpay ay nagpapatunay na ang talento ng Pilipino ay walang hangganan kapag pinagyaman ng sipag at determinasyon.

Sa ubod ng lahat ng ito ay nananahan ang wikang Filipino. Unang namumutawi sa bibig kapag nagpapahayag ng pagmamahal, humihingi ng tawad, at nagsasabing may pag-asa pa. Sa bawat bigkas, binubuhay nito ang kasaysayan, pinagyayaman ang kultura, at pinagdurugtong ang magkakaibang rehiyon ng bansa. Habang pinangangalagaan natin ang bawat salitang Filipino, lalo ring tumitibay ang ating pagkakakilanlan bilang iisang sambayanan.

Sa panahon ng mabilis na pagbabago at malawak na impluwensiya ng daigdig, nananatiling matatag ang wikang Filipino bilang tahanan ng ating alaala at pagkakakilanlan. Maaaring matuto tayo ng maraming wika, ngunit ang wikang humubog sa ating pagkatao ang patuloy na magpapaalala kung saan tayo nagsimula.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, higit pa sa isang selebrasyon ang ating ginugunita. Ito ay pagpupugay sa mga salitang nagbuklod sa ating bayan, sa kulturang humubog sa ating pagkatao, at sa mga pagpapahalagang patuloy nating isinasabuhay.

Buhay ang kasaysayan sa bawat salitang Filipino na ating binibigkas. At sa bawat pusong patuloy na nagmamahal sa sariling bayan, nananatiling matatag ang diwang Pilipino, ngayon at magpakailanman.

โœ๏ธ: Nicole G. Amper
๐Ÿ–ผ๏ธ: Lexus Valencia

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎPalaging nasa huli ang pagsisisi.Kapag wala na ang pagkakataon, saka lamang natin nat...
31/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ

Palaging nasa huli ang pagsisisi.
Kapag wala na ang pagkakataon, saka lamang natin natututunang pahalagahan ang mga bagay na noon ay akala natin ay palaging naroon.

Kung mamatay man ako bukas, ano kaya ang una kong hahanapin?

Marahil, uunahin akong yakapin ng pagsisisiโ€”mga "sana," mga "kung," at mga pagkakataong hinayaang matangay ng oras.

Ngunit kung ang nalalabi kong hininga ay gugugulin ko lamang sa paglingon, hindi ba't isa na namang pagkakamali ang hayaang mamatay ang kasalukuyan habang ipinagluluksa ang kahapon?

Ano nga ba ang tunay na kinatatakutan ng tao?
Na maubos ang buhay sa paghahabol sa taong hindi kailanman lumingon?
O ang mamulat nang huli na ang mga taong tahimik na nagmahal ay matagal nang naging alaala?

Takot ba tayong hindi marating ang pangarap na minsang naging langit ng ating mga mata?
O takot lamang tayong mabuhay na hindi kailanman naging tayo?

Napakabilis lumipas ng buhay.
Hindi nito hinihingi ang ating pahintulot.
Hindi nito tinatanong kung handa na ba tayo.
Darating ang bukasโ€”o baka hindi na.
Kaya bakit natin ipinagpapalit ang mga araw sa mga buhay na hindi naman atin?
Bakit tayo nagtitiis sa mundong hindi na natin kinikilalang tahanan?

Napakaraming kulay ang buhay.
Hindi lamang iisa ang daan.
Hindi lamang iisa ang pangarap.
Hindi lamang iisa ang simula.

Kaya kung mamamatay man ako bukas, nais kong ang huling pintig ng aking puso ay hindi umaalingawngaw sa salitang "sana."

Nais kong umalis na walang mga pirasong naiwan sa gitna ng paglalakbay, walang mga pangarap na kinulong ng takot, at walang mga salitang namatay sa aking lalamunan.

Hindi lahat ng kamatayan ay nagsisimula sa huling hininga. May mga taong matagal nang namamatay sa bawat pangarap na hindi nila tinupad, sa bawat bersiyon ng sarili nilang pinili nilang hindi maging.

At kapag dumating ang wakas, hindi ang pagkawala ng hininga ang pinakamabigat dalhin, kundi ang bigat ng mga pangarap na hindi isinugal, mga salitang hindi nasambit, at isang buhay na hinayaang matapos bago pa man tunay na nagsimula.

Napakahirap magsisi.
Para kang nilalamon ng sarili mong mga "sana," paulit-ulit na ibinabalik sa mga sandaling hindi mo na kailanman mababago. Bawat alaala ay tila sugat na hindi na naghihilom, sapagkat ang panahon ay marunong lamang lumipasโ€”hindi bumalik.

Ngunit para saan pa ang paulit-ulit na paglingon sa tapos na?

Para saan pa ang pagkalunod sa mga "kung" at "sana" kung wala na silang kapangyarihang baguhin ang nakaraan?
Para saan pa ang pangarap na buong buhay lamang nanatiling buhay sa ating isipan, ngunit hindi kailanman nabigyan ng pagkakataong maging realidad?
Walang saysay, hindi ba?

Ang bawat segundo, bawat minuto, bawat oras ay unti-unting nawawala habang tayo'y nag-aatubiling mabuhay.
Kaya habang nasa ating mga kamay pa ang kasalukuyan, marahil iyon ang dapat nating pahalagahan.

Sapagkat hindi natin alam kung kailan ito babawiin ng kapalaran.

Bukas ba?
Mamaya?
O sa susunod na pintig ng ating puso?

โœ๏ธ: Andromeda
๐Ÿ–ผ๏ธ: Bobert

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ | ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ: ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ?Hindi lahat ng ipinapangakong progreso ay tunay na kaunlaran. Hin...
28/07/2026

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ | ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ: ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ?

Hindi lahat ng ipinapangakong progreso ay tunay na kaunlaran. Hindi lahat ng proyektong ibinabandera bilang โ€œkaunlaranโ€ ay tunay na nagsisilbi sa bayan.

Ang Pilipinas ay naghahanda ngayon upang pumasok sa mas malinaw na kasunduan sa ilalim ng Pax Silicaโ€” isang pandaigdigang alyansa na pinamumunuan ng Estados Unidos upang palakasin ang mga suplay ng artificial intelligence (AI), semiconductors, at mga kritikal na mineral. Sa Pilipinas, plano itong itayo bilang isang malaking AI-industrial hub sa New Clark City, Tarlac.

Sa unang tingin, napakabangong pakinggan ng pangakong ito. Sa mga opisyal na naratibo, ang Pax Silica ay ipinipinta bilang proyektong maghahatid ng trabaho, pamumuhunan, at inobasyon. Ngunit ang malaking pangakong ito ay siya ring may kaakibat na malalaking tanong at panganib.

Pinakamalaking maaapektuhan ng proyektong ito ang mga magsasaka, katutubong komunidad, at mga residenteng naninirahan sa mga lugar na sakop ng planong 4,000-acre Economic Security Zone sa New Clark City, Tarlac. Hindi lamang ito isang karaniwang establisimyento, kundi isang malawakang sentrong pang-industriya na nagbabanta sa lupain at kabuhayan ng ating mga magsasaka at katutubong komunidad.

Kung ganito ang presyo ng progreso, nararapat lamang na itanong: kanino nga ba ang tunay na pakinabangโ€”sa bayan ba, o sa mga dayuhan? Kung ang sarili nating mamamayan ang magbabayad ng kapalit, maituturing pa bang tunay na kaunlaran ang kanilang ipinapangako?

Bukod pa dito, hindi lamang lupa at kabuhayan ang nailalagay sa panganib, kundi maging ang kalikasan. Nangangailangan ang mga pasilidad ng proyektong ito ng malaking suplay ng tubig at kuryente, na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa ating kalikasan at sa mga komunidad na umaasa dito.

Maraming mamamayan ang nagpahayag ng kanilang pangamba, ngunit tila hindi ito sapat upang mapakinggan ng mga nasa kapangyarihan. Ang tunay na pamumuno ay hindi lamang paggawa ng mga desisyon, kundi ang pakikinig sa mga taong direktang maaapektuhan ng mga ito.

Kung isasantabi ang boses ng mga magsasaka at mga residente kapalit ng malalaking proyekto, para kanino nga ba ang ipinagmamalaking kaunlaran? Ang progreso ay nagiging makabuluhan lamang kung walang naiiwan at walang isinasakripisyong mamamayan.

Hindi masama ang progreso. Ang tunay na mali ay ang isugal ang ating bayan, kalikasan, at kinabukasan para sa isang proyektong walang kasiguraduhang tayo ang unang makikinabang. Ang tunay na kaunlaran ay dapat isinasaalang-alang ang kapakanan ng tao, kalikasan, at sambayanan.

Bilang mga Pilipino, tungkulin nating maging mapanuri at tiyaking ang bawat proyektong isinusulong ay naglilingkod, hindi sa interes ng mga dayuhan, kundi lagiโ€™t lagi, sa kapakanan ng bayan. Sa likod ng bawat pangakong progreso ay nararapat lamang na itanong: kaunlaran para kanino?

โœ๏ธ: Nina Carillo
๐Ÿ–ผ๏ธ: Jacob Valdez

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜No one applauds the student who fought a battle before the first bell rang.No one writes headlines for...
27/07/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜

No one applauds the student who fought a battle before the first bell rang.

No one writes headlines for the one who walks into the classroom carrying a backpack, unfinished sleep, and a heart twice as heavy.

Because the world remembers victories. It rarely remembers the mornings you almost stayed in bed, the tears you swallowed, or the fear you hid before saying,

"Present, Ma'am. Present, Sir."

A blank sheet of paper can become the loudest kind of fear. A ticking clock can sound like a thousand voices asking,

"What if you're not enough?"

Yet you write anyway.

Not because you're certain, but because hope has always had messy handwriting.

You erase. You answer. You begin again.

Without realizing it, every mistake and every quiet act of trying is shaping the person you are becoming.

Education is more than classrooms, deadlines, and examinations.

It teaches you to carry disappointment, to keep showing up, to believe in yourself even when the road becomes harder.

Those are the lessons no examination can measure and no report card can ever grade.

So if today your progress feels invisible, remember this:

The tallest trees were never admired while they were growing.

They grew their roots in silence before the world looked up and called them magnificent.

Tomorrow, when your name is called and the world asks,

"Are you here?"

Answerโ€”

"Present."

โœ๏ธ: Miley De Guzman
๐Ÿ–ผ๏ธ: Karl Garcia

As we prepare for tomorrow's Second Summative Examination, The Excalibur would like to remind every Olympian that your worth is never defined by a single score or a single day. Keep believing in yourself, trust your preparation, and do your best.

You've got this, Olympians. ๐Ÿ’™๐Ÿ“š

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ถ๐—ป ๐—™๐—ผ๐—ฐ๐˜‚๐˜€: ๐—š๐—ข๐—– ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ข๐˜‚๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฑ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐—ฎ๐—ดTo welcome and honor the image of Our Lady of Manaoag, selected s...
27/07/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ถ๐—ป ๐—™๐—ผ๐—ฐ๐˜‚๐˜€: ๐—š๐—ข๐—– ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ข๐˜‚๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฑ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐—ฎ๐—ด

To welcome and honor the image of Our Lady of Manaoag, selected students of Golden Olympus Colleges gathered at the Chapel Area on Monday afternoon, July 27, waving white and blue flags as they participated in the welcoming ceremony.

The spiritual visitation was organized by Radio Maria Philippines, allowing students and school personnel to pray, reflect, and seek the intercession of Our Lady of Manaoag.

The event commenced with an introduction by the host, Ms. Chan Ponce Santos, followed by a flower offering participated in by the selected students.

A missionary from Radio Maria Philippines then delivered a reflection, emphasizing the importance of prayer, charity, and generosity in living a life of faith.

The visitation concluded with the offering of thanksgiving envelopes and Rosary intentions, allowing students and members of the school community to offer their personal prayers and intentions.

Written by: Nina Carillo
Photos by: Lexus Valencia & Nicole Amper
Layout by: Lexus Valencia

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐˜€ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿณ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐Ÿด ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ต๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€Grade 7 and 8 students parti...
21/07/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐˜€ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐Ÿณ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐Ÿด ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ต๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€

Grade 7 and 8 students participated in the Nutrition Month celebration on July 20, featuring activities that promoted health awareness and teamwork. The event highlighted the importance of proper nutrition through engaging student-centered activities.

The celebration featured the Human Spelling Challenge and Go, Grow, and Glow Activity, where learners showcased their knowledge and cooperation. The activities provided students with an enjoyable way to learn about healthy eating habits.

The event concluded with students gaining a better understanding of nutrition and its role in maintaining a healthy lifestyle. The celebration reflected the schoolโ€™s continuous effort to promote wellness among learners.

Written by: Nicole G. Amper
Photos & Layout by: Luis Capulong

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐—น๐˜† ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—น๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ข๐—ฎ๐˜๐—ต ๐——๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†The newly elected student leaders were off...
20/07/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ก๐—ฒ๐˜„๐—น๐˜† ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—น๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ข๐—ฎ๐˜๐—ต ๐——๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†

The newly elected student leaders were officially sworn into office during the school's flag ceremony held on July 20, marking the formal start of their leadership for the academic year.

The oath-taking ceremony included the officers of the Student Government (SG), as well as the presidents and vice presidents of the school's organizations and clubs. Also inducted were the section mayors and vice mayors, who will represent their respective classes and serve as student leaders throughout the school year.

School administrators, faculty members, and students witnessed the ceremony as the newly elected officers pledged to uphold their responsibilities with integrity and commitment to serving the student body.

With the oath now taken and leadership officially entrusted, the school community looks forward to a year of active service and student-led initiatives aimed at fostering unity and excellence.

Written by: Nicole G. Amper
Photos by: Matthew Bondoc
Layout by: Lexus Valencia

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ ๐—ช๐—ต๐—ผ ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒIs it a blessing,or is it a curse,to carry a heartthat refuses to love lightly?She bui...
20/07/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ ๐—ช๐—ต๐—ผ ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ

Is it a blessing,
or is it a curse,
to carry a heart
that refuses to love lightly?

She built her walls,
not because the world
was unworthy of kindness,
but because she understood
how costly her own could become.

Those who wished to enter
had to wait.
Had to prove
their footsteps would not disappear
with the changing seasons.

And for a while,
it seemed
someone stayed.
Long enough
for silence to become comfort,
for caution to become faith,
for locked doors
to remember how to open.

Perhaps
that was where the mistake beganโ€”
mistaking arrival
for permanence.

She knew
love had never been
a feeling alone.
It was a decision
made over and over,
especially
on the days
when affection grew faint.

She understood
that love carried both
warmth
and ruin.

Still,
she chose it.
Not because she believed
it was safe,
but because she believed
some things
were worth the risk.

Yet some fires
do not leave warmth behind.
Some simply consume
until there is nothing left
but the memory
of what once burned.

She believed
that to love is to burn.

So she let herself burn,
never imagining
that the fire would not leave her glowingโ€”
but turn her into ashes.

You knew
every locked door
she had finally unlatched.
You knew
how long it took
for her heart
to believe again.
Yet the echo of your footsteps
became another thing
she had to survive.

Why does it feel
like a thousand knives
have found a home
inside her chest?

Now,
there stands a girl
who no longer feels anything.

The girl who once smiled
at the mere thought of love,
whose kindness overflowed,
whose heart welcomed everyoneโ€”

doesn't smile anymore.

She once believed
love should never be measured,
because the way you love
reveals who you are.

Now she whispers
something different.

If she ever loves again,
she will love with limits.

Not because she has less love to give,
but because she finally learned
that even the biggest hearts
can bleed dry.

And perhaps...
Love should never feel
like one beautiful fairytale
followed by
a thousand nightmares.

Because if loving someone
feels more like dying
than living...
Is love still worth choosing?

โœ๏ธ: Andromeda
๐Ÿ–ผ๏ธ: Jacob Valdez

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—  | ๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ปHanggang kailan ba tayo magbubulag-bulagan sa mga basurang unti-unting buma...
18/07/2026

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—  | ๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป

Hanggang kailan ba tayo magbubulag-bulagan sa mga basurang unti-unting bumabaon hindi lamang sa ating lupa, kundi pati na rin sa ating konsensiya?

Pinag-uusapan ngayon ang umanoโ€™y dumpsite sa Zambales na nakaapekto sa isang komunidad ng mga Aeta. Ayon sa mga balita, napuno ng tambak na basura ang lugar na minsang naging tahanan ng luntiang kagubatan at pinagkukunan ng malinis na tubig. Isang katotohanan na hindi natin maitatanggi na ang maling pamamahala sa mga basura ay may malaking epekto sa ating kalikasan at maging sa mga mamamayan.
โ€Ž
โ€ŽNakakalungkot isipin na may mga taong hinaharap ang polusyon, amoy, at ibang pangambang dulot ng mga basurang ito habang ang iba ay nagtatapon lamang ng basura rito. Hindi dapat isakripisyo ang komunidad at kalikasan para lamang sa kagustuhang umunlad.
โ€Ž
โ€ŽKung talagang may pakialam ang mga namumuno at umiiral ang batas para sa pangangalaga ng ating kalikasan, nararapat lamang na magsagawa ng patas at masusing imbestigasyon. Dahil hindi sapat ang mga pahayag, kailangan ng aksyon. Ang pananagutan ay hindi dapat nasusukat at nakadepende sa ingay ng mga tao sa iba't ibang social media, dapat nakabase sa bigat ng ebidensiya at hangarin ng katarungan.
โ€Ž
โ€ŽAt kung sa tingin ninyo ay gobyerno lamang ang may tungkulin, nagkakamali kayo. Bilang mamamayan, dapat ay may pananagutan din tayo sa mga basurang ating nililikha. Madalas sinasabi ng mga tao na "Isa lang naman ang itatapon ko. Maliit lang ito", isipin natin na kapag pinagsama-sama ang mga maliliit na kapabayaan ng mga tao ay magbubunga ito ng malaking suliranin.
โ€Ž
โ€ŽAng isyu ng Zambales ngayon ay hindi na lamang tungkol sa basura. Ito ay repleksyon kung paano natin alagaan at pahalagahan ang ating kalikasan at kapwa. Kung patuloy nating iisipin na ang basura ay problema lamang ng iba, darating ang araw na wala na tayong ligtas na lugar na matatakbuhan sa oras na kailangan natin ito. Kapag pinili pa rin nating manahimik habang nasisira na ang ating kalikasan at nilalabag na ang karapatan ng tao, nagiging bahagi na rin tayo ng problema.
โ€Ž
โ€ŽSa huli, hindi lamang natin basta hinahanap kung sino ang may kasalanan. Ngunit mas mahalagang alamin kung hanggang kailan natin hahayaang matabunan ng basura ang ating pananagutan.

โœ๏ธ: Dianne Rose David
๐Ÿ–ผ๏ธ: Lexus Valencia

Address

San Vicente, Tarlac City
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Excalibur - Golden Olympus Colleges posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share