10/09/2026
PABATID SA LAHAT NG MANLALARO
Marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit mas mahigpit tayo ngayon sa mga kinakailangan para sa liga.
Sa mga nakaraang taon, ang pagsusumite lamang ng opisyal na lineup ang karaniwang hinihingi. Ngunit dahil nakaranas din tayo ng ilang aberya, lalo na sa pagpapatunay kung ang isang manlalaro ay tunay na residente ng ating barangay, napagpasyahan nating higpitan at ayusin ang proseso ngayong taon.
Ginagawa natin ito upang matiyak na ang lahat ng manlalarong sasali ay tunay na residente ng Barangay Dutung-A-Matas. Hindi ito para pahirapan ang mga manlalaro, kundi para maging patas at maayos ang ating liga at maiwasan ang mga problema habang nagpapatuloy ang mga laro.
Mahalaga rin ito bilang paghahanda sa mga manlalaro. Kung sakaling magkaroon ng pagkakataong kumatawan sa ating barangay sa Palarong Pambayan, kinakailangan din ang mga kaukulang dokumento at katibayan ng paninirahan. Mas mabuti na ngayon pa lamang ay nasasanay na tayo sa tamang proseso.
Hinihiling din namin ang inyong pakikiisa at pagdalo sa mga pagpupulong. Dito natin pag-uusapan nang maayos ang mga alituntunin, kinakailangan, iskedyul, mga katanungan, at iba pang concerns tungkol sa liga. Mas makabubuti na personal nating napag-uusapan ang mga ito upang malinaw sa lahat at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Nauunawaan namin na maaaring biglaan ang mga pagbabagong ito, ngunit umaasa kami sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan. Ginagawa natin ang mga ito para maging patas, maayos, at organisado ang liga para sa lahat.
KATIBAYAN NG PANINIRAHAN
Midget Division
Maaaring magsumite ng alinman sa mga sumusunod:
โข Photocopy ng valid ID ng magulang na may address sa Barangay Dutung-A-Matas
โข Photocopy ng valid ID ng manlalaro na may address sa Barangay Dutung-A-Matas
โข Photocopy ng PSA Birth Certificate ng manlalaro na may address sa Barangay Dutung-A-Matas
Junior Division

Senior Division
Maaaring magsumite ng alinman sa mga sumusunod:
โข Photocopy ng valid ID ng asawa o kinakasama na may address sa Barangay Dutung-A-Matas
โข Photocopy ng valid ID ng manlalaro na may address sa Barangay Dutung-A-Matas
โข Photocopy ng PSA Birth Certificate ng manlalaro na may address sa Barangay Dutung-A-Matas