22/08/2026
**ABOGADO, GULAY AT NATIVE CHICKEN ANG NATANGGAP NA BAYAD MATAPOS MAPAWALANG-SALA ANG TATLONG MAGSASAKA**
Umani ng papuri mula sa mga netizens ang isang abogado sa Cebu na si **Atty. Juril Broka Patiรฑo** matapos niyang kusang tumulong nang libre sa tatlong magsasakang nahaharap sa kaso.
Sina Mang Genaro Pepito, Mang Bernabe Pasay, at Michael Pepito ay nasampahan umano ng trespassing at nakulong nang apat na araw. Ayon sa kuwento, nagtatrabaho at nagtatanim lamang sila sa lupang ipinagamit sa kanila ng isang taong nagpakilalang may-ari nito. Kalaunan, lumabas na iba pala ang tunay na nagmamay-ari ng lupa.
Nang malaman ni Atty. Patiรฑo ang kanilang kalagayan, nagprisinta siyang maging abogado ng tatlo nang walang hinihinging bayad.
Ayon sa abogado, naawa siya sa sitwasyon ng mga magsasaka kaya kusang-loob niyang ibinigay ang kanyang serbisyo nang libre.
Sa huli, napawalang-sala ang tatlo. Dahil wala silang malaking halaga na maibibigay bilang pasasalamat, dinalhan na lamang nila ang abogado ng kanilang mga ani at isang native chicken.
Para kay Atty. Patiรฑo, higit pa sa anumang bayad ang saya na naidulot ng pagkakataong makatulong sa mga taong nangangailangan.
Isang simpleng kuwento na nagpapaalala na hindi lahat ng serbisyo ay nasusukat sa peraโminsan, ang pinakamahalagang kabayaran ay ang taos-pusong pasasalamat ng mga taong natulungan