02/05/2025
Bismillahi rahmani raheem.
Mula nang akoy nagsumite ng aking Certificate of Candidacy, dama ko ang inyong suporta at pagmamahal โ ngunit higit pa roon, dama ko rin ang bigat ng tiwala at lalim ng pag-asa na ipinagkatiwala ninyo sa akin.
Hindi ko man kayo mapasalamatan isa-isa, taos-puso kong pinapahalagahan ang bawat panalangin, mensahe at suporta โ sapagkat ito ang nagsisilbing lakas ko sa pagpapatuloy ng isang na tunay na para sa pagbabago.
Lumaki ako na ang aking inspirasyon ay mga kwento ng ating mga mujahideen at mujahidaat โ kwento ng kanilang katatagan, pag-asa, at paninindigan. Ito ay patuloy na nagpapaalala sa atin na ang pag-asa ay kailanman hindi naglalaho.
Ngunit alam kong marami pa tayong kailangang gawin.
๐ผ๐ฉ ๐๐๐ฉ๐ค ๐ ๐ค ๐ฃ๐๐๐จ ๐๐๐ก๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐.
Bitbit ko ang karanasan ko sa paggawa ng batas sa Bangsamoro Parliament, at sa pagpapatupad ng programa sa Bangsamoro Youth Commission โ karanasang nagturo sa akin kung paano gawing konkreto at epektibo ang serbisyo sa bawat Bangsamoro.
Tumatakbo ako bilang ๐๐ข๐๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ng Lanao del Sur upang maglingkod nang may ๐ก๐๐ฎ๐ช๐ฃ๐๐ฃ, mamuno nang may ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ, at maging ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ng bawat Meranaw na nangangarap ng mas maaliwalas na kinabukasan.
Allahumma inni as'alukal-huda wat-tuga wal-'afafa wal-ghina.
Nawa'y pagkalooban tayo ng Allah (SWT) ng karunungan, katapatan, at tibay ng loob upang sama-sama nating itaguyod ang isang bagong Lanao del Sur โ malinis, maunlad, ligtas, at tunay na pinagpapala.