Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc

Directions

Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc "Welcome to LUMINA Homeowners Association! 🌟 Your community, your pride. Together, let's build a brighter and safer LUMINA.


"

17/09/2026

Hello everyone...eto po ang New Schedule po natin ng Pre Natal at Immunization..

🦟⚠️OFFICIAL HEALTH ADVISORY MULA SA LUMINA TANZA PHASE-1 HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.Magandang Araw mga Ka-Lumina!Panahon...
17/09/2026

🦟⚠️OFFICIAL HEALTH ADVISORY MULA SA LUMINA TANZA PHASE-1 HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.

Magandang Araw mga Ka-Lumina!

Panahon na naman po ng DENGUE! Kaya dapat alam natin kung anong lamok ang delikado.

Tingnan po ang larawan para malaman ang pagkakaiba:

👉 KARANIWANG LAMOK (Culex)
- Kulay kayumanggi o abo
- Aktibo sa gabi
- Dumadami sa marumi o nakatigil na tubig
- Hindi lahat ay may dalang dengue

👉 LAMOK NA MAY DENGUE (Aedes aegypti)
- Maitim na may puting guhit sa paa at katawan
- Nasa loob at paligid lang ng bahay
- Nangingitlog sa maliliit na lalagyan na may tubig (takip, timba, gulong, paso)
- Kumakagat sa MADALING-ARAW at BAGO MAGTAKIPSILIM
- Nagpapasa ng DENGUE, ZIKA at CHIKUNGUNYA

ANO ANG DAPAT GAWIN NATIN SA LUMINA PH 1?

4S KONTRA DENGUE:
ALISIN, TAKPAN AT LINISIN ANG MGA LALAGYANG MAY NAKATIGIL NA TUBIG!
LINISIN AT KUSKUSIN KAHIT ISANG BESES BAWAT LINGGO!

✅ Itaob ang timba, bote, gulong
✅ Takpan ang drum at container
✅ Linisin ang kanal at alulod
✅ Palitan ang tubig sa flower vase linggo-linggo

Isang kagat lang, delikado na! Kaya maglinis na tayo sa ating bakuran!

Kung may lagnat ng 2 araw, ipacheck-up agad!

Para sa Ligtas at Malinis na Lumina PH 1!

Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc
Blk 20 Lot 7

Magandang Araw mga Ka-Lumina! 🏍️✨OFFICIAL HOA ADVISORY - NEW STICKER OCT 2027TARA NA PO! KUHA NA NG NEW STICKER FOR OCT ...
16/09/2026

Magandang Araw mga Ka-Lumina! 🏍️✨

OFFICIAL HOA ADVISORY - NEW STICKER OCT 2027

TARA NA PO! KUHA NA NG NEW STICKER FOR OCT 2027!

Mula sa Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc

Kagaya ng nasa larawan, tuloy-tuloy po ang paglalagay ng bagong sticker (Oct 2027). Mas pinaaga po natin para sa mga ayaw makipagsabayan sa dagsa ng tao at para mahaba ang oras ninyo para makapag-ayos.

⚠️ PAALALA SA LAHAT:

1. OLD STICKER VALIDITY:
Valid pa rin po ang lumang sticker hanggang OCT 31, 2026.
Pagsapit po ng NOV 1, 2026, babaklasin na po ito ng ating Civilian Guard at HOA Officer sa gate at automatic INVALID na po.

Iwas abala sa gate - mag-renew na po habang maaga at hindi pa mahaba ang pila!

2. HOA OFFICE CLOSED:
Sa darating na SUNDAY, SEPT 20, 2026, SARADO po muna ang HOA Office dahil may mahalagang lakad ang mga officers.

Balik schedule na po tayo by next week: Tuesday / Sunday, 9AM - 5PM.
Sarado po tuwing Monday at Holiday.

Punta lang po sa HOA Office Blk 20 Lot 7 para mag-avail.

Maraming salamat po sa kooperasyon!

MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA LAHAT NG RESIDENTE - PAKIBASA PO! 📢OFFICIAL HOA ADVISORY - NEW VEHICLE STICKER FOR OCT 2027Ma...
15/09/2026

MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA LAHAT NG RESIDENTE - PAKIBASA PO! 📢

OFFICIAL HOA ADVISORY - NEW VEHICLE STICKER FOR OCT 2027

Magandang Araw Ka-Lumina!

Tuloy-tuloy pa rin po ang paglalagay ng BAGONG STICKER PARA SA OCT 2027

Mas maaga po natin itong inilabas para mas mahaba ang oras at mabigyan ng mahabang timeline ang lahat ng residente para makapag-ayos.

⚠️ MGA PAALALA:

1. VALIDITY NG LUMANG STICKER:
Hanggang OCTOBER 31, 2026 na lamang po ang lumang sticker.
Pagsapit po ng NOV 1, 2026 - AUTOMATIC na po itong HINDI NA VALID at babaklasin na po ng ating Civilian Guard o Officers sa gate.

Kaya wag na po nating hintayin na maabala pa sa gate, mag-renew na po agad!

2. HOA OFFICE SCHEDULE:
Sa mga residente ng Lumina PH 1, pansamantala po munang SARADO sa SUNDAY, SEPT 20, 2026 ang HOA OFFICE dahil sa importanteng lakad ng mga officers.

By next week, balik na po ulit ang schedule:
TUESDAY To SUNDAY - 9:00 AM TO 5:00 PM
SARADO tuwing MONDAY at HOLIDAY.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon!

Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc
Blk 20 Lot 7

15/09/2026
15/09/2026
15/09/2026

⚠️ EMERGENCY MAINTENANCE ADVISORY

AirFIBER will conduct emergency solar system maintenance today at 1:00 PM, with an estimated duration of 15–30 minutes.

A brief internet interruption may occur during this period.

We apologize for the inconvenience and thank you for your patience and understanding. 💙

🌙 KITA NYO BA YAN KA-LUMINA? GANITO NA KALIWANAG ANG DADAANAN MO SA GABI! 🌙Mula sa Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Assoc...
14/09/2026

🌙 KITA NYO BA YAN KA-LUMINA? GANITO NA KALIWANAG ANG DADAANAN MO SA GABI! 🌙

Mula sa Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc

Unti-unti na pong lumiliwanag at gumaganda ang ating komunidad!

Sa larawan, makikita ang isa sa mga bagong ayos na street lights dito sa Phase 1. Maliwanag, malinaw, at magandang pagmasdan - mas ligtas na para sa lahat ng umuuwi sa gabi.

Ito po ay resulta ng pag-request ng ating Lumina PH 1 HOA sa MERALCO na palitan at ayusin ang mga dilaw, malabo at punding ilaw.

Maliwanag na kalsada = Ligtas na komunidad!
- Iwas disgrasya
- Iwas krimen
- Panatag ang bawat pamilyang umuuwi

MARAMING SALAMAT PO SA MERALCO at sa ating masisipag na HOA Officers at Civilian Guards na nag-monitor sa proyektong ito! 🙏

Tuloy-tuloy ang Liwanag, Tuloy-tuloy ang Serbisyo!

14/09/2026

LUMINA PH 1 HOA OFFICERS HOA TANOD, CIVILIAN GUARD

Address

LUMINA HOMES TANZA PHASE 1 BRGY BAGTAS
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lumina Tanza Phase 1 Homeowners Association Inc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share