Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc.

Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. The official FB page of Carissa Homes Phase 6 Homeowners Association



Maligayang Kaarawan Konsi AOG Aldrin Onsana Garcia at salamat sa pagganap ng iyong mapagpalang araw at community service...
02/08/2026

Maligayang Kaarawan Konsi AOG Aldrin Onsana Garcia at salamat sa pagganap ng iyong mapagpalang araw at community service sa aming lugar ng Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc.
Pagpalain ka pa ng ating Amang Lumikha.

Muli ang aming tuos pusong pasasalamat sa iyo konsi AOG, napakasimple at napakabuti mo po. Salamat din po konsi Noriel Baldonado at sa mga HOA Officers at Committees Ronnie Escamilla Ronee Vargas Myra Yangoring Anjhoe Anipse Ga-mamud Jo Anne Francis Dheeraj Dixit Jayne Abordo Fajardo Sec Erick Danico Villacruz VP Joe Campos Topher Daniel Daniella Victoria

Maraming Salamat po Barangay Punta Uno Chairwoman Aida Sumilong at Administrator Norman Nario sa pinagkaloob mo na unifo...
17/07/2026

Maraming Salamat po Barangay Punta Uno Chairwoman Aida Sumilong at Administrator Norman Nario sa pinagkaloob mo na uniforms para sa Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. HOA Officers.

Mabuhay po kayo 🥰🥰

The 1st Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. ZUMBA-SAAN FESTIVAL sponsored by our honorable Mayor SM Matro Bro...
24/06/2026

The 1st Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. ZUMBA-SAAN FESTIVAL sponsored by our honorable Mayor SM Matro Bros. spearheaded by Konsi Noriel Baldonado and the Phase 6 HOA Officers and Committees Jo Anne Francis Anjhoe Anipse Ga-mamud Myra Yangoring Ronnie Escamilla Salvador Permejo Erick Danico Villacruz Leo Bernalte Franz Cisco

Thanks to Barangay Punta Uno Chairwoman Aida Sumilong Konsi Totie Clamosa, Konsi Namey Clamosa Konsi Romeo Arahan, Hepe Roberto Sumilong Nario Jr., Admin Norman Nario for gracing the event..

Thanks also to Tanza BFP, GBLII Guardians, Bgy Punta Uno BPSO..

PAUNAWA SA TRAFFIC SCHEME​Para sa mga residente ng Carissa Homes Phase 6, ipinapaalam po ang pansamantalang traffic sche...
23/06/2026

PAUNAWA SA TRAFFIC SCHEME

​Para sa mga residente ng Carissa Homes Phase 6, ipinapaalam po ang pansamantalang traffic scheme para sa gaganaping "Carissa Homes Phase 6 ZUMBA-SAAN 2026" sa harap ng Phase 6 Covered Court ngayong June 24, 2026 (7 AM - 9 AM).

​Gabay sa Trapiko:
​Papasok ng Phase 7 / Papalabas:
​Mula sa main road, kumaliwa sa tapat ng Joey Lou Store at kumanan papunta ng Konsi Bobby Store pabalik sa main road.
​Maaari ring dumirecho sa BCNG Hardware.

​Mula sa Phase 7:
​Maaaring lumiko pakanan sa BCNG Hardware, o kaya ay pakanan sa Konsi Bobby Store, kaliwa sa Blk 43, at pakaliwa papunta ng Joey Lou Store.

​Ang daloy ng trapiko ay gagabayan ng ating mga Brgy. Tanod ng Punta 1 at ng GBLII Guardians Team. Inaasahan po ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat!

Processing and Encoding of Mayor Matro Bros. Educational Assistance by Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. Tr...
18/06/2026

Processing and Encoding of Mayor Matro Bros. Educational Assistance by Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. Treasurer and the Thursday Group Committee.
Thank you hardworking ladies and a gentleman.. 🥰🥰

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: MGA KA-BARANGAYat KA-ASENSO!Magandang araw, Barangay Punta Uno! Inaanyayahan po ang lahat na dumal...
17/06/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: MGA KA-BARANGAYat KA-ASENSO!
Magandang araw, Barangay Punta Uno!

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo at makibahagi sa BARANGAY BAROTILYO hatid sa atin ng Puregold!

📅 DETALYE NG ACITIVITY:

Kailan: Hunyo 20, 2026 (Sabado)
Oras: 8:00 AM hanggang 5:00 PM
Saan: Carissa Phase 6 Covered Court

Paalala: Upang mapanatili ang kaayusan, iminumungkahi na pumunta nang maaga at dalhin ang inyong pamilya at kapitbahay. Magkita-kita po tayo doon!

🛒 🛒🛒🛒

🔥 HANDA NA BA KAYO PARA SA PINAKAMAINIT NA BAKBAKAN SA PHASE 6?! 🔥Mga Ka-Phase 6, huwag na huwag nang magpahuli! Sama-sa...
17/06/2026

🔥 HANDA NA BA KAYO PARA SA PINAKAMAINIT NA BAKBAKAN SA PHASE 6?! 🔥

Mga Ka-Phase 6, huwag na huwag nang magpahuli! Sama-sama nating saksihan ang pagtatapos ng ating 2026 Basketball League ngayong darating na Linggo, June 21, 2026.

Sino ang tatanghaling kampeon? Alamin natin kung sino ang magpapakitang-gilas sa court! 🏀🏆

Narito ang ating Championship Schedule:

📍 INTER-PAPA DIVISION | 5:00 PM
BCNG Hardware vs. Lanie's Store
⚜️ Awarding Ceremony - Inter-Papa

📍 CLUB 40 DIVISION | 6:15 PM
CXG Elite vs. Team GOAT
⚜️ Awarding Ceremony - Club 40

📍 OPEN DIVISION | 7:30 PM
CXG Elite vs. Team Bolleros
⚜️ Awarding Ceremony - Open Division

Sabay-sabay nating palakpakan ang ating mga bida at bigyang-pugay ang ating mga kampeon!

Kitakits sa court! Dalhin ang inyong mga pamilya, barkada, at todo-suporta para sa inyong mga paboritong koponan! 📣💪

15/06/2026
Personal po namin naiparating sa ating butihing Mayor ang ating hinaing sa Primewater pagkatapos namin iabot ang ating P...
15/06/2026

Personal po namin naiparating sa ating butihing Mayor ang ating hinaing sa Primewater pagkatapos namin iabot ang ating Petition Letter sa kanyang opisina. Hinihikayat na din po namin ang ibang subdivision sa pakikipag-ugnayan ni konsi Noriel Baldonado sa lahat ng HOA Presidents upang magsagawa din po ng signature campaign. 🙏🙏🙏

📣📣😁ANUNSYO PARA SA MGA RESIDENTE NG CARISSA HOMES PHASE 6MAHAL NATING MGA KA PHASE 6,Sawa na ba kayo sa hindi magandang ...
15/06/2026

📣📣😁ANUNSYO PARA SA MGA RESIDENTE NG CARISSA HOMES PHASE 6
MAHAL NATING MGA KA PHASE 6,

Sawa na ba kayo sa hindi magandang serbisyo ng Prime Water? Ang paiba-ibang pressure ng tubig, madalas na kawalan ng supply, at iba pang aberya ay lubhang nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Hindi na natin ito maaaring palampasin. Upang pormal na mailapit ang ating hinaing at hingan ng aksyon ang kinauukulan, tayo ay magsasagawa ng isang PETISYON na idudulog natin kay:

HON. MAYOR ARCHANGELO "SM" MATRO
Municipal Mayor ng Tanza

ADMIN. LUISITO DELA CRUZ
Municipal Administrator

✍️ PAANO MAKAKABAHAGI?
Hinihikayat namin ang lahat ng mga residente na lumagda sa ating petisyon. Ang inyong pirma ay mahalaga upang ipakita ang ating pagkakaisa at upang mabigyan ng kaukulang pansin ng ating Lokal na Pamahalaan ang problema sa ating tubig.

BAKIT NATIN ITO GINAGAWA?
Ang tubig ay isang pangunahing pangangailangan. Karapatan nating makatanggap ng maayos, malinis, at sapat na serbisyo mula sa water provider. Sa pamamagitan ng ating sama-samang boses, umaasa tayong mas mapapabilis ang solusyon para sa ating komunidad.

Huwag magsawalang-kibo. Ipakita natin ang lakas ng pagkakaisa ng Carissa Homes Phase 6!

Sama-sama tayong kumilos para sa mas maayos na serbisyo!

Maraming salamat po sa inyong suporta at kooperasyon.

Address

Carissa Main Drive
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Phase Six Carissa Homeowners Association, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share