ASHI Grand Alumni Association

ASHI Grand Alumni Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ASHI Grand Alumni Association, Non-Governmental Organization (NGO), Sahud-Ulan, Tanza.

sinimulan na po natin ngayon ang construction ng pathway sa likurang bahagi ng school.
15/07/2024

sinimulan na po natin ngayon ang construction ng pathway sa likurang bahagi ng school.

14/07/2024

Sa lahat ng ASHI Alumni.

Ang Brigada Eskwela 2024 ay gaganapin ngayong Hulyo 22-27, 2024. Hinihiling po sa atin na makpag-ambag ng anumang makakayanang tulong para matagumpay na mairaos ito. Ito man po ay pinansyal, materyal, lakas-paggawa at panahon, o sa anumang makakayang iboluntaryo sa alinmang araw sa panahon ng Brigada Eskwela.

Maari nyo pong ang mga kaya nyong mai-commit na tulong para sa ating eskwelahan sa pamamagitan ng ating bagong halal na alumni officers sa pamumuno ni Pres. Ranulfo Cesa.

Ang Brigada Eskwela 2024 ay pangunguluhan ni Mrs. Renalita Tapawan.


Gagamitin po natin ang pondong nalikom sa nakaraang Grand Alumni Homecoming noong February 25, 2024 sa pagsesemento ng p...
03/07/2024

Gagamitin po natin ang pondong nalikom sa nakaraang Grand Alumni Homecoming noong February 25, 2024 sa pagsesemento ng pathwalk na may habang 35-40meters. Wala pong problema kung laging maaraw at mainit ang panahon, ang challenge sa mga estudyante at mga g**o ay sa panahon ng tag-ulan. Nagiging maputik po ang daan lalo na sa bandang gitna. Ang klase po ng lupa ay malambot at malagkit na magpapalubog at kakapit sa sapatos ng kung sinuman ang aapak dito.

Para sa atin na pamilyar sa bahaging ito ng eskwelahan noong open field pa ito kung saan tinatakbo natin kung may P.E. o di kaya ay nagsasagwa ng drills sa C.A.T., mas gusto natin magyapak kaysa may suot na sapatos.

Target po natin ito matapos bago magsimula ang klase para sa magamit na ng mga estudyante at ating mga g**o.

Adopt-A-School Project: LRT Room Repair StatusNauna na pong napagkasunduan na ang pondong nalikom sa Grand Alumni Homeco...
03/07/2024

Adopt-A-School Project: LRT Room Repair Status

Nauna na pong napagkasunduan na ang pondong nalikom sa Grand Alumni Homecoming noong 2017 sa ilalim ng ASHI Alumni Ass'n. 2.0 ay ilalaan sa repairs ng 4 na rooms sa 2nd flr ng LRT bldg. para magamit sa darating na pasukan.

Sa ilang inspection na isinagawa, nakita natin ang posibilidad ng presensiya ng anay sa kisame ng bldg. Na-dismantle na po noong Lunes ang kisame at tama po ang hinala ng team pero mas malala pa po sa inaasahan ang kondisyon.

Sa proseso ng pagbabaklas ng kisame noong Lunes, nakita at nilinis ang termite mound at dinaanan ng anay. Nang mag-inspect po kahapon, nakita na bumalik lang ito. Ang rekomedasyon ay i-exterminate muna ang anay bago magsimula ng repairs. Sa maliit na budget na meron po tayo, baka kulangin pa ito sa extermination service pa lang.

Nag-recommend po ang team sa leadership ng school, sa ating principal-Ma'am Narciso at admin.officer-Ma'am Narcise, na hindi na ituloy ang repairs dahil sa structural integrity ng bubong ng LRT building due to the fact ng termite infestation na kanila pong sinang-ayunan para sa safety ng lahat.

Kaya po may natitira pa pong 70k sa budget para sa project implementation ng proceeds ng Grand Alumni Homecoming noong 2017. Rest Assured po na gagamitin ito sa project na beneficial sa nakararami.

Sa kabilang banda, ang proceeds po ng Grand Alumni Homecoming nitong February 25, 2024 ay ilalaan sa pagkukumpleto ng pathwalk sa bandang likuran ng eskwelahan. Target po na ito ay matapos bago ang pagsisimula ng klase ngayong buwan.

11/12/2023

To All Alumni Officers and Coordinators. We solicit your attendance in the upcoming meeting for the Grand Alumni Homecoming on December 16, 2pm in the school campus.

15/11/2023

Motorcade Rewind...

As we prepare towards our Grand Homecoming in February 25, 2024, let's stay engaged not only with matters concerning our...
13/11/2023

As we prepare towards our Grand Homecoming in February 25, 2024, let's stay engaged not only with matters concerning our Alma Mater, our fellow alumni, but the whole ASHI community as well.

Address

Sahud-Ulan
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ASHI Grand Alumni Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share