16/08/2026
๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ โ๐ป
Idinaos kahapon, Agosto 15, 2026, ang ikatlo at onsite session ng Ipanalokal Cavite - Youth Leadership and Governance Training na may temang โEmpowering Future SK Leaders for Transformative Leadership and Governanceโ sa Function Hall ng New Provincial Capitol, Trece Martires City, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Nagsimula ang programa sa isang panalangin at pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Sinundan ito ng pambungad na mensahe mula sa Presidente ng Cavite SK Federation at ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan na si Hon. Chelsea Sarno. Pagkatapos ay nagkaroon ng ice breaker at expectation settings kung saan nagkaroon ng pagkakataong magkakilala ang higit sa 100 lider-kabataan na nagmula sa ibaโt ibang sulok ng Cavite.
Para sa unang session, ang naging resource speaker ay si Hon. Carl Andaya, SK Chairperson ng Brgy. Narra II sa Silang, at tinalakay niya ang โCampaign Calendar and Election Timelineโ kung saan mas natutunan naming mga delegado ang mga estratehiya para sa kampanya. Inilahad niya ang ibaโt ibang awtorisadong yugto o phases ng kampanyaโpre-campaign period, campaign, ora de peligro, Election Day, counting of votes, at canvassing.
Sa ikalawang session, tinalakay ni Ms. Lorraine Encarnacion ang โCommunity Mapping and Network Buildingโ kung saan napag-alaman namin ang ibaโt ibang estratehiya sa pagkuha ng demograpiko, profile ng botante, at mga organisasyon at institusyon sa barangay. Natutunan ko na ang community mapping ay magagamit upang mahubog ang mensaheng nais kong iparating, pagtukoy ng mga prayoridad, at pagmonitor sa galaw ng kalaban.
Sa ikatlong session, tinalakay ni Mr. Nestie Villaviray ang โPlatform Development Problem-Solution Analysisโ, kung saan natutunan namin kung paano gumawa ng isang tunay o genuine na plataporma. Nagkaroon kami ng workshop at mentoring pagkatapos ng session na ito. Nabigyan kami ng 1 oras at 30 minuto upang maghanda ng aming plataporma na mayroong tiyak na paksa.
Napunta sa aming grupo ang paksang โHealthโ. Nagpokus ang aming grupo sa mental health at teenage pregnancy na nararanasan ng mga kabataang Caviteรฑo. Nagkaroon din kami ng Miting de Avance Simulation kung saan nagsalita kami isa-isa at nahasa ang aming pagsasalita sa publiko.
Natapos ang session sa panapos na pananalita ni Mr. Jay-R B. Rodil, Head ng Office of the Provincial Youth Development Officer, at sa paggagawad ng mga sertipiko.
Maraming salamat po sa pagkakataong itoโsa mga organizer, resource speakers, at kapwa participants. Tunay na marami akong natutunan upang mas maging handa sa tunay na laban. ๐ซถ๐ป