Kabayani Klab

Kabayani Klab Kabayani Klab - Tanza National Trade School Main

TERROR TRENDS ng KABAYANI KLABHindi lang multo ang nakakatakotโ€ฆMinsan, โ€˜yung alaala rin ng mga iniwan. ๐Ÿฅ€Ngayong Nobyembr...
31/10/2025

TERROR TRENDS ng KABAYANI KLAB

Hindi lang multo ang nakakatakotโ€ฆ
Minsan, โ€˜yung alaala rin ng mga iniwan. ๐Ÿฅ€
Ngayong Nobyembre, sabay-sabay nating harapin ang mga bangungotโ€”
mga kwentong di natapos, mga takot na di pa rin lubos.

Sa dilim, may mga lihim.
At sa gitna ng kilabot, baka doon mo rin matagpuan ang katotohanan. ๐Ÿ˜ถโ€๐ŸŒซ๏ธ

๐Ÿ’€ ๐†๐ž๐ญ ๐ซ๐ž๐š๐๐ฒ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐“๐ž๐ซ๐ซ๐จ๐ซ ๐“๐ซ๐ž๐ง๐๐ฌ 2025 ๐Ÿ‘ป
The ๐Š๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐Š๐ฅ๐š๐› proudly presents this yearโ€™s most thrilling event, ๐“๐ž๐ซ๐ซ๐จ๐ซ ๐“๐ซ๐ž๐ง๐๐ฌ 2025 โ€“ a Halloween Costume Contest where the creativity, imagination, and originality of Tanza National Trade School students take the spotlight!

Students from all grade levels are invited to join. Choose a representative from your section to wear or cosplay something spooky and Halloween-themed. ๐Ÿง›โ€โ™‚๏ธ๐Ÿ•ธ๏ธ The winner will be determined by the number of heart reacts on their photos, posted right here on our page.

โœจ ๐“๐ก๐ž ๐ญ๐ฐ๐ข๐ฌ๐ญ? ๐“๐ก๐ž ๐œ๐จ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐›๐ž ๐ฆ๐š๐๐ž ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐ซ๐ž๐œ๐ฒ๐œ๐ฅ๐ž๐ ๐ฆ๐š๐ญ๐ž๐ซ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ! โœจ

If you have any questions, feel free to contact:
๐Ÿ‘ค Princess Margaret Halili President
๐Ÿ‘ค Mrs. Maria Veronica Silos, Kabayani Klab Adviser

๐’๐จ, ??๐ก??๐ญ ๐š๐ซ๐ž ๐ฒ??๐ฎ ๐ฐ๐š๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ????๐ซ? ๐‹๐ž๐ญ'๐ฌ ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐ข๐ญ ๐š ๐›๐จ๐จ-๐ญ๐ข๐Ÿ๐ฎ๐ฅ ๐š๐ง๐ ๐›๐จ๐ง๐ž-๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ! ๐ŸŽƒ๐Ÿ’€

15/10/2025

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿณ๐Ÿณ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—œ ๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—”๐—ง๐—ข ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—”

Noong Oktubre 15, 1948, ipinanganak si Renato C. Corona na nagsilbi bilang Punong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman.

Si Renato Tereso Antonio Coronado Corona ay anak ng abogadong si Juan M. Corona at ni Eugenia Coronado. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts noong 1970 sa Pamantasang Ateneo de Manila kung saan siya nag-aral ng elementarya at sekundarya. Dito rin siya nagtapos ng Bachelor of Laws at nakamit ang ika-25 pwesto sa bar exam noong 1974. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng abogasya sa Harvard Law School at sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Bukod sa pagiging abogado, naging miyembro siya ng gabinete nina Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo. Nagsilbi rin siyang propesor sa Ateneo Law School. Itinalaga siya ni Arroyo bilang Katuwang na Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman noong 2002. Noong Mayo 17, 2010, nanumpa siya sa Malacaรฑang bilang Punong Mahistrado kasunod ng pagretiro ni Reynato Puno.

Sa loob ng kaniyang termino, muling nabigyang-tuon ang kaso ng Hacienda Luisita. Ayon sa landmark decision ng Korte Suprema ay dapat nang ipamahagi ng Hacienda Luisita Inc. ang lupain sa 6,296 na farmer-beneficiary, na nakasaad din sa kautusan ng Presidential Agrarian Reform Council.

Bagaman nakatakdang magtagal ang kaniyang pamumuno hanggang 2018, si Corona ay na-impeach noong Disyembre 12, 2011 batay sa mga akusasyon ng bias kay dating pangulong Arroyo at pagtaliwas sa Saligang Batas. Idineklara siyang guilty noong May 29, 2012. Siya ay pinalitan ni Maria Lourdes Sereno noong Agosto 25 noong taon ding iyon.

Pumanaw si Corona sa edad na 67 noong Abril 29, 2016 sa Pasig City matapos atakihin sa puso.

Mga Sanggunian:

โ€œAteneo Law Journal Alumni.โ€ walang petsa. Ateneo Law Journal. Nakita noong Oktubre 14, 2024 sa https://alj.conceptmachine.net/alumni?newsOrder=.

โ€œChief Justice Renato C. Corona.โ€ walang petsa. Supreme Court E-Library. Nakita noong Oktubre 14, 2024 sa https://elibrary.judiciary.gov.ph/supremecourtjustices/chiefjustice/133.

โ€œChief Justice Sereno Sworn In.โ€ 2012. Rappler, Agosto 25, 2012. https://www.rappler.com/philippines/special-coverage/11154-chief-justice-sereno-takes-her-oath/.

โ€œCorona Found Guilty, Removed from Office.โ€ Rappler, Mayo 29, 2012. https://www.rappler.com/philippines/special-coverage/6099-corona-found-guilty/.

Dedace, Sophia. 2011. โ€œStocks or Land? SC Calls for New Luisita Referendum.โ€ GMA News Online, Hulyo 5, 2011. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/225323/stocks-or-land-sc-calls-for-new-luisita-referendum/story/.

Flores, Wilson. 2011. โ€œ25 Most Influential Leaders in Philippine Politics | Philstar.com.โ€ Philippine Star, Hulyo 24, 2011. https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2011/07/24/709031/25-most-influential-leaders-philippine-politics.

โ€œHON. JUSTICE RENATO C. CORONA.โ€ walang petsa. Senate Electoral Tribunal. Nakita noong Oktubre 14, 2024 sa https://www.set.gov.ph/member-justices/1312/hon-justice-renato-c-corona/.

Kabiling, Genalyn at Jeamma Sabate. 2011. โ€œCorona Assumes as Chief Justice.โ€ Manila Bulletin, Mayo 17, 2011. https://web.archive.org/web/20100522031747/http://www.mb.com.ph/node/257841/corona-a.

โ€œPhilippines Chief Justice Impeached by Congress.โ€ 2011. BBC News, Disyembre 12, 2011. https://www.bbc.com/news/world-asia-16144786.

Quismundo, Tarra. 2016. โ€œFormer SC Chief Justice Corona Dies; He Was 67.โ€ INQUIRER.net, Abril 30, 2016. https://newsinfo.inquirer.net/782462/former-sc-chief-justice-corona-dies-he-was-67.

โ€œSC Orders Distribution of Hacienda.โ€ 2011. Official Gazette of the Republic of the Philippines, Nobyembre 20, 2011. https://www.officialgazette.gov.ph/2011/11/20/sc-orders-distribution-of-hacienda/.
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
๐Ÿ– I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
๐Ÿ‘‰ Bisitahin ang www.psaysay.org
๐Ÿค™ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]

15/10/2025

The oldest living Filipino man, Don Lauro Bilaos of Malilipot, Albay, is celebrating his 109th birthday this year, a truly remarkable milestone that stands as a testament to a life filled with wisdom, resilience, and faith.

Born more than a century ago, Don Lauro has witnessed the transformation of the Philippines through generations, from the colonial era, through wars and revolutions, to the modern digital age of today. His long life serves as a living reminder of our nationโ€™s enduring spirit and strength.

Family, friends, and members of the local community in Albay honor him not only for his longevity but also for the legacy of kindness, humility, and hard work that he continues to embody.

Happy 109th Birthday, Don Lauro Bilaos!
May your life continue to inspire many Filipinos to live with gratitude, perseverance, and love.

15/10/2025

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿญ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—”๐—ช๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š "๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ, ๐— ๐—ฌ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ"

Noong Oktubre 13, 1904, isinulat ni Prescott Ford Jernegan ang himnong "Philippines, My Philippines." Ito ang naging batayan ng awiting makabayan na "Pilipinas Kong Mahal."

Una itong lumabas sa magasing The Philippine Teacher noong Marso 15, 1905. May pamagat itong "My Native Land" at iniayos upang awitin sa himig ng "Maryland, My Maryland" na kilala ng marami bilang himig ng "O Christmas Tree."

Ilang taon matapos ilimbag ang awit, ipinagbawal ang lantarang paggamit ng mga sagisag ng Himagsikang Pilipino sa bisa ng Batas Blg. 1696 (Agosto 23, 1907). Dahil dito, nagsilbing katumbas ng himnong panteritoryo ang "Philippines, My Philippines." Bandang 1928 nang malikha malapatan ito ng bagong himig ni Francisco Santiago at sinasabing noong 1931, isinalin ito sa Tagalog ni Ildefonso Santos. Ang likha nilang dalawa ay ang pormang popular ngayon.

Makulay ang buhay ni Jernegan na autor ng orihinal na himno. Ipinanganak siya sa Edgartown, Massachusetts, Estados Unidos noong Disyembre 17, 1866. Inordenahan siya bilang ministrong Baptist noong 1889 ngunit iniwan ang pagpapastor noong 1896. Pumasok siya pagnenegosyo ngunit nasangkot sa isang scam noong 1898 na kaniyang tinakasan. Matapos lumibot sa iba't ibang bahagi ng Europa at Estados Unidos, tumungo siya sa Pilipinas noong 1901. Nagturo siya sa Philippine Normal School (isa nang pamantasan ngayon) at naging bahagi ng Kawanihan ng Edukasyon hanggang 1910. Sumulat rin siya ng maraming aklat tungkol sa kasaysayan at heograpiya ng bansa. Sa kalaunan, naging punongg**o sa Hawaii hanggang magretiro noong 1924. Pumanaw siya sa Texas noong Pebero 23, 1942.

Mga Sanggunian:

"Act No. 1696, Agosto 23, 1907." 2019. Supreme Court E-Library. https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/28/17436.

Carpenter, Frank G. 1926. Through the Philippines and Hawaii. Garden City and New York: Doubleday, Page & Company.

Duggan, Stephen. 1943. A professor at large. New York: The Macmillan Company.

General Catalogue. 1912. Newton Centre, Massachusetts: The Newton Theological Institution.

Historical Catalogue of Brown University 1764-1914. 1914. Providence, Rhode Island: Brown University.

Jernegan, Prescott Ford. 1905. "My Native Land." The Philippine Teacher 1(4): 13.

National Historical Commission of the Philippines. 1914. "Pilipinas Kong Mahal." Facebook, Enero 29, 2014. https://www.facebook.com/share/v/1BBGDL3szj/.

Railton, Arthur R. 1986. "Jared Jernegan's Second Family: Helen, Laura and the Boys." The Dukes County Intelligencer 28(2): 51-91.

Walsh, Thomas P. 2013. Tin Pan Alley and the Philippines: American Songs of War and Love, 1898-1946, A Resource Guide. Lanham, Maryland: Scarecrow Press, Inc.

Mga Larawan: Lubec Historical Society | University of Michigan
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
๐Ÿ– I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
๐Ÿ‘‰ Bisitahin ang www.psaysay.org
๐Ÿค™ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]

15/10/2025
15/10/2025

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ ๐—ฃ๐—”๐——๐—ฅ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—ข๐—ก๐—”๐—ฅ๐——๐—ข ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—–๐—”๐——๐—ข

Noong Oktubre 14, 2020, pumanaw ang iskolar na si Padre Leonardo N. Mercado, SVD sa Lungsod Quezon. Napabantog siya dahil sa mga saliksik tungkol sa pilosopiyang Pilipino.

Ipinanganak siya sa Lungsod Cebu noong Marso 16, 1935. Doon din siya nag-aral ng elementarya at sekundarya at saka lumipat sa Maynila. Nag-aral siya ng mechanical engineering sa Mapua Institute of Technology (Mapua University ngayon) bago pumasok sa Christ the King Seminary noong 1954. Ganap siyang inordenahan bilang pari sa Roma, Italya noong 1964.

Dumalo siya sa isang renewal course sa Nemi, Italya noong 1970, kung saan tinalakay ang ugnayan ng wika at pag-iisip. Saka niya napagtanto na kung ang mga Hudyo, Griyego, Indiano, Tsino, Tibetano at Hapon ay may sariling paraan ng pag-iisip, mayroon din ang mga Pilipino. Pumasok siya sa araling doktorado sa University of San Carlos sa Cebu ngunit makalipas ang isang semester ay lumipat sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila at nagsanay sa ilalim ni Prop. Emerita Quito. Dinepensahan niya ang kaniyang disertasyong Elements of Filipino Philosophy noong 1973 at nang sumunod na taon ay inilimbag ito.

Sinundan ito ng Applied Filipino Philosophy (1977), Elements of Filipino Ethics (1979), Legal Philosophy: Western, Eastern, & Filipino (1984), The Filipino Mind: Philippine Philosophical Studies II (1994), Filipino Thought (2000), Essays on Filipino Philosophy (2005), at Explorations on Filipino Philosophy (2009). Sumulat din siya tungkol sa karanasang relihiyoso ng mga Pilipino katulad ng aklat na Christ in the Philippines (1982) at pagiging editor sa aklat na Filipino Religious Psychology (1977).

Nagsilbi siya bilang formator at propesor sa Christ the King Seminary sa Lungsod Quezon habang nagtuturo rin bilang propesor sa UST. Sa ganitong paraan, pinalaganap niya ang ideya na kailangang isulat ang pilosopiyang Pilipino mula sa pananaw ng karaniwang tao na isinasaalang-alang ang wika at karanasan nila.

Mga Sanggunian:

De Leon, Emmanuel C. 2018. "Leonardo N. Mercado (1935--): Eksplorasyon sa mga Sangkap ng Pilosopiyang Filipino Lampas sa Tradisyonal na Uri ng Pamimilosopiya sa Pilipinas." Malay 30(2): 58-80.

Garnace, Edgardo B. 2021. "Leonardo N. Mercado, Filipino Philosopher (1935-2020)." Online Dictionary of Intercultural Philosophy. https://www.odiphilosophy.com/mercado.

SVD Philippine Central Province. 2020. "Fr. Leonardo Nieva Mercado SVD." Facebook, Oktubre 15, 2020. https://www.facebook.com/share/p/14KFaxTmfx8/.

UST Department of Philosophy. 2020. "In Memory of r. Leonardo N. Mercado, SVD, Ph.D. 1935-2020." Facebook, Oktubre 15, 2020. https://www.facebook.com/share/p/1FQhLpDj48/.
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
๐Ÿ– I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
๐Ÿ‘‰ Bisitahin ang www.psaysay.org
๐Ÿค™ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]

๐Ÿ“šMaligayang Araw ng mga G**o! โœจMula sa Kabayani Klab, isang malaking saludo sa ating mga dakilang g**o na walang sawang ...
01/10/2025

๐Ÿ“šMaligayang Araw ng mga G**o! โœจ

Mula sa Kabayani Klab, isang malaking saludo sa ating mga dakilang g**o na walang sawang nagtuturo kahit minsan kamiโ€™y antukin, makulit, o abala sa kung anu-anong kaartehan. ๐Ÿ˜…

Salamat po sa pasensya ninyo kapag paulit-ulit kaming nagtatanong
(kahit minsan obvious na ang sagot ๐Ÿคญ), at sa walang katapusang pag gabay hindi lang sa klase, kundi sa buhay. ๐Ÿ™Œ

Kayo po ang tunay na bayani hindi lang sa chalk at lesson plan, kundi sa paghubog ng aming pagkatao at kinabukasan.

Mabuhay kayo, aming mga g**o! ๐Ÿ’
Maligayang Teacherโ€™s Day mula sa Kabayani Klab โค๏ธ

**o

24/09/2025

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿฏ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—œ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ญ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐——๐—ข ๐——๐—˜ ๐—ง๐—”๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—”

Noong Setyembre 23, 1892, binaril si Paz Pardo de Tavera at ang kanyang inang si Juliana Gorricho ng kanyang asawang si Juan Luna dulot ng matinding selos. Nasawi siya ilang araw matapos ang komplikasyon ng kanyang mga sugat.

Isinilang si Maria de la Paz Pardo de Tavera y Gorricho sa Pilipinas noong 1862 ngunit namalagi na sa Paris, France sa kanyang kadalagahan. Nabibilang siya sa marangyang angkan ng Pardo de Tavera na may lahing Espanyol-Portuges kung saan ang kanyang mga kaanak, lalo na ang kapatid na si Trinidad Pardo de Tavera, ay naging mga aktibong kasangkot ng Kilusang Propaganda sa Europa at Pilipinas.

Nagsilbing panuluyan ng mga Pilipinong ilustrado ang kanilang tahanan sa Paris. Nakilala ni Pardo de Tavera ang bantog na pintor na si Juan Luna dahil kaibigan nito ang kanyang mga kapatid na sina Trinidad at Felix. Ikinasal ang magkasintahan noong Disyembre 1886. Masaya ang kanilang mga unang taon ng pagsasama, at lumibot pa sa Europa kabilang ang Venice at Rome hanggang sa nagpasya silang mamalagi sa Paris. Nagkaroon sila ng dalawang anak: sina Andres (na naging bantog na arkitekto) at si Maria de la Paz (na namatay noong sanggol pa lamang).

Sa mga lumipas na taon, lumabas ang pagiging mainitin ng ulo ni Luna sa kanyang asawa. Noong Hulyo 1892, naikuwento ni Pardo de Tavera sa kanyang asawa ang pagbisita niya kasama ang anak na si Andres sa isang resort sa Mont-Dorc, France kung saan nakilala niya ang isang doktor na si Monsieur Dussaq. Agad na ikinaselos ni Luna ang pagkuwento kay Dussaq at inakusahan ang kanyang asawa ng pangangaliwa.

Pagdating ng Setyembre 1892, sinasaktan na ni Luna ang kanyang asawa at tinututukan na ng baril. Hinihimok na ng pamilya ni Pardo de Tavera na makipagdiborsyo na sa kanyang asawa, ngunit hindi pumayag ang pintor. Sa halip ay niyaya niya si Dussaq na makipagduwelo. Mariing itinanggi ni Dussaq ang kanyang pagiging kalaguyo umano ni Pardo de Tavera ngunit ayon sa historyador na si Ambeth Ocampo, mayroong ebidensya na naging magkalaguyo nga sina Pardo de Tavera at Dussaq.

Nais nang iwanan ni Paz ang kanyang asawa dahil sa paulit-ulit na pananakit nito sa kanya. Samantalang lalong umigting ang p**t ni Luna sa kanyang asawa sa pag-aakalang nagsisinungaling ito sa kanya tungkol sa pangangaliwa. Habang pauwi sila ng kanyang ina sa kaniyang bahay, pinaputukan sila ni Luna ng kanyang rebolber. Kumaripas sila ng takbo papasok ng bahay at nagtago sa loob ng palikuran. Nagtangkang tumulong ang kapatid niyang si Felix ngunit nabaril siya sa dibdib. Matapos pilit na buksan ni Luna ang pinto, pinaputukan niya sa ulo si Doรฑa Juliana na agad niyang ikinamatay. Binaril din si Paz sa ulo ngunit ilang araw pang nakaligtas bago masawi kalaunan. Ayon sa mga talaang sibil sa Paris noong 1892, namatay si Pardo de Tavera noong Oktubre 6, 1892. Nakaligtas naman sa pamamaril si Felix.

Nilitis si Luna sa korte ng Paris sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay. Sa kasamaang palad, noong Pebrero 8, 1893, inabswelto siya ng korte sa lahat ng kaso dahil nagkaroon daw si Luna ng sandaling pagkabaliw dulot ng matinding galit at selos. Itinuturing ito bilang isang kaso ng "crime of passion."

Mga Sanggunian:

Da Silva, Carlos E. 2007. Juan Luna y Novicio: First Internationally Known Filipino Painter. Maynila: National Historical Institute.

Latino, R. C. 2023. "Juna Luna: A painting rediscovered and murders recalled." Vera Files, Setyembre 27, 2023. https://verafiles.org/articles/juan-luna-a-painting-rediscovered-and-murders-recalled.

Limos, Mario Alvaro. 2019. "The Darker Life of Juan Luna: A Tale of Jealousy and Murder." Esquire Magazine, Hunyo 18, 2019. https://www.esquiremag.ph/long-reads/features/life-of-juan-luna-a00293-20190618-lfrm

McCoy, Alfred W. Ed. 2009. "Ilustrado Legacy: The Pardo de Taveras of Manila." Sa An Anarchy of Families: State and Family in the Philippines. Madison, WI: The University of Wisconsin Press.

Ocampo, Ambeth R. 2012. "Love that kills." Inquirer.net, Pebrero 14, 2012. https://opinion.inquirer.net/23057/love-that-kills

__. 2020. "Juan Luna's crime of passion." Inquirer.net, Oktubre 16, 2020. https://www.google.com/amp/s/opinion.inquirer.net/134495/juan-lunas-crime-of-passion/amp

Officier de l'etat civil. 1892. Registres de l'etat civil. Item 3, page 3. https://www.familysearch.org/ark:/61903/3:1:3QHV-L3V3-11RN?i=215&cat=753536&lang=en.
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
๐Ÿ– I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
๐Ÿ‘‰ Bisitahin ang www.psaysay.org
๐Ÿค™ Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]

"Maligayang kaarawan, KABAYANI! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ Nawaโ€™y maging puno ng saya, tawanan, at blessings ang espesyal mong araw. Salamat sa...
22/09/2025

"Maligayang kaarawan, KABAYANI! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ Nawaโ€™y maging puno ng saya, tawanan, at blessings ang espesyal mong araw. Salamat sa pagiging parte ng ating Kabayani Klabโ€”ipagpatuloy natin ang samahan at pagkakaisa. Enjoy your day, bayani!" โœจ๐Ÿ’™

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Happy Family Day! ๐Ÿ’–Ngayong espesyal na araw, alalahanin natin na ang pamilya ang ating unang tahanan at pinagmum...
22/09/2025

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Happy Family Day! ๐Ÿ’–
Ngayong espesyal na araw, alalahanin natin na ang pamilya ang ating unang tahanan at pinagmumulan ng lakas at pagmamahal. ๐Ÿกโœจ

Ang Kabayani Klab ay kaisa sa masayang pagdiriwang ng Family Dinner na naglalayong patibayin ang samahan, pagkakaisa, at pagmamahalan ng bawat pamilya. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapagtibay ang ating ugnayan bilang isang malaking pamilya ng mga kabayani.

๐Ÿ“ธ Share naman kayo ng picture kasama ang inyong pamilya dito sa comment section!
Sama-sama nating ipakita ang saya at pagmamahalan ng bawat pamilya. ๐Ÿ’•

Maligayang Kaarawan, Princess Kate Baita ๐ŸŽ‰Nawaโ€™y maging makabuluhan at masaya ang iyong espesyal na araw. Maraming salam...
21/09/2025

Maligayang Kaarawan, Princess Kate Baita ๐ŸŽ‰
Nawaโ€™y maging makabuluhan at masaya ang iyong espesyal na araw. Maraming salamat sa iyong sipag, dedikasyon, at malasakit bilang bahagi ng Kabayani Klab. Hiling namin ang patuloy mong tagumpay, mabuting kalusugan, at higit pang inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagiging huwarang kabataan.

Muli, isang masiglang pagbati mula sa iyong mga kapwa bayani! ๐Ÿ’™โœจ

21/09/2025

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿญ ๐—œ๐—ฆ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐——๐—”๐—ฌ

Kasabay ng paggunita ng buong bansa sa anibersaryo ng batas militar na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong September 21, 1972 at kabi-kabilang protesta laban sa katiwalian sa gobyerno, atin ding inaalala ang September 21 bilang .

Noong 2017 nang ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa bisa ng Proclamation No. 319, ang September 21 bilang National Day of Protest. Ginawa ito bilang pakikiisa ng estado sa mga panawagan ng mga mamamayan kaugnay sa kalabisan at kakulangan ng pamahalaan at pambansang hangarin ng mga mamamayan upang itindig ang isang pamahalaang may integridad, kahusayan, at may pananagutan.

Nakikiisa ang Trivia and Facts Philippines sa malawakang panawagan para sa isang malinis at tapat na gobyerno.

Address

Tanza National Trade School
Tanza
4108

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabayani Klab posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share