13/04/2026
Sa likod ng bawat biyahe ay hindi lamang paghahatid ng mga pasahero ang tungkulin ng ating mga tsuper, kundi ang pagdadala rin ng mabibigat na responsibilidad at sakripisyo para sa kanilang pamilya at kabuhayan. Araw-araw nilang hinaharap ang hamon ng kakulangan, pagod, at panganib sa kalsada, kaya’t nararapat lamang na sila ay ating mapansin at matulungan sa abot ng ating makakaya.
Kaugnay nito, ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ay naglulunsad ng isang inisyatiba upang makapagbigay tulong sa ating mga tsuper. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon. Maaaring magbigay ng cash donation sa GCash account (09949791068 – Maribel M.) pagkatapos magsend ng inyong donasyon mayaring magsend ng screenshot bilang “transparency” sa aming page Supreme Secondary Learner Government o kaya naman ay in-kind donations tulad ng delata, bigas, tubig, at packed meals.
Ang pagtanggap ng mga donasyon ay gaganapin sa April 14–15, mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM sa TNCHS SSLG Office. Sa bawat munting ambag, tayo ay nagiging bahagi ng pag-angat ng kanilang kalagayan at pagbibigay ng pag-asa sa kanilang patuloy na paglalakbay.
Sama-sama nating patunayan na ang malasakit ng kabataan ay may kakayahang magdala ng pagbabago—sapagkat sa pagtulong sa kanila, tayo rin ay nagiging katuwang sa paghubog ng isang mas makatao at mapagmalasakit na lipunan.