21/09/2026
LA CONSOLACION COLLEGE-TANAUAN, NAGHATID NG PAGMAMALASAKIT SA MGA PAMILYANG DARAseÑO
Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay Darasa sa pangunguna ni Punong Barangay Gregorio Llanto sa La Consolacion College-Tanauan sa isinagawang Outreach Program para sa ilang piling beneficiaries mula sa Barangay Darasa.
Ang simpleng handog na ito ay naging makabuluhang paraan upang maipadama ang pagmamalasakit, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng karagdagang suporta.
Lubos nating pinahahalagahan ang mga institusyong patuloy na nakikiisa sa barangay sa pagsusulong ng mga programang may tunay na malasakit at nagbibigay ng pag-asa sa ating mga kabarangay.
Maraming salamat, La Consolacion College-Tanauan, sa inyong kabutihang-loob at patuloy na pakikiisa sa komunidad.
Sama-sama sa pagbuo ng mas maalaga, makatao, at nagkakaisang Barangay Darasa!