09/08/2026
WALANG PASOK (FACE-TO-FACE) SA LAHAT NG ANTAS BUKAS, AGOSTO 10, 2026
Mga mahal kong kababayan,
Batay sa pinakahuling weather advisories ng PAGASA, aktuwal na monitoring sa ating lungsod, at sa masusing assessment at pormal na rekomendasyon ng ating CDRRMO, pinal na ang aking desisyon na suspendihin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, bukas, araw ng Lunes, Agosto 10, 2026.
Nananatili sa 50β100 mm ang rainfall outlook sa Batangas, habang may umiiral ding General Flood Advisory hinggil sa posibleng pagtaas ng tubig sa mga ilog at mabababang lugar.
Ang mga paaralan ay lilipat muna sa modular o online learning modality. Patuloy nating babantayan ang lagay ng panahon at agad tayong magbibigay ng karagdagang abiso kung kinakailangan.
Kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at pamilyang TanaueΓ±o ang una nating konsiderasyon. Mag-ingat po tayong lahat.