Darasa Barangay Health Station

Darasa Barangay Health Station Health service for the community

14/09/2026
11/09/2026

Magandang hapon po, upang mabigyang daan po ang ating Kapistahan, mula Lunes po , Sept 14 hanggang Myeekules, Sept 16 ay sarado po ang Barangay Hall Office at ang 2 center natin. Liban po dito, ang opisina ng Brgy Tanod ay mananatiling bukas. Narito po ang mga schedule of events ng ating Barangay

πŸŽ‰πŸŽŠ DARASA, HANDA NA BA KAYO?! πŸŽŠπŸŽ‰

Mas saya, mas kulay sa KAPISTAHAN NG BARANGAY DARASA! πŸ₯³πŸ’ƒπŸŽΆ

Ihanda na ang buong pamilya at barkada dahil siguradong punΓ΄ ng saya, talento, tradisyon, at pagkakaisa ang ating mga espesyal na aktibidad! β€οΈπŸ’™

πŸͺ SEPTEMBER 13 | 2:00 PM
πŸƒβ€β™‚οΈ PALARONG PINOY & SARANGGOLA CONTEST
πŸ“ Soledad Park Subdivision

πŸŽ‰ SEPTEMBER 14 | 1:00 PM
πŸ₯πŸ’ƒ DARASA GRAND PARADE
πŸ“ JP Laurel Highway, along Barangay Darasa

🎢 SEPTEMBER 14 | 7:00 PM
🎀 SERENATA
πŸ“ Soledad Park Subdivision

πŸ‘‘βœ¨ SEPTEMBER 15 | 7:00 PM
πŸ’ƒ REYNA NG DARASA 2026
πŸ“ BLMCS Gymnasium

TARA NA, DARASA! Itaas ang bandila at sabay-sabay nating ipakita ang ating saya at pagmamalaki!

Makilahok, makisaya, at sama-sama nating gawing mas makulay, mas masaya, at mas makabuluhan ang ating kapistahan!

πŸŽ‰ ISANG DARASA, ISANG PAMILYA, ISANG MASAYANG PISTA! πŸŽ‰

Happy Fiesta, Barangay Darasa!
Mabuhay ang Darasa!

πŸ›‘οΈ LIGTAS TIGDAS πŸ›‘οΈMeasles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MRSIA-VAS)πŸ“… Ngayon...
10/08/2026

πŸ›‘οΈ LIGTAS TIGDAS πŸ›‘οΈ
Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MRSIA-VAS)
πŸ“… Ngayong araw, August 11, 2026
πŸ•— Mula 9:00 AM hanggang 2:00 PM (WALTERMART)
Mula 8:00AM hanggang 12 NOON (COURT)
πŸ“’ PAALALA SA ATING MGA MAGULANG AT GUARDIANS πŸ“’
πŸ‘Ά Para po sa mga batang 6 hanggang 59 buwan ang edad
πŸ“ CLUSTER 1, 8 at 9
Mula sa Faith hanggang Samer Trading, sa kanto ng San Sebastian hanggang Iglesia ni Kristo, kasama ang St. Joseph 1.
➑️ Bakunahan: WALTERMART
πŸ“ BUKLURAN 2
➑️ Bakunahan: Basketball Court, katabi ng Center
βœ… LIBRE at LIGTAS na bakuna laban sa Tigdas at Rubella
βœ… Dalhin ang vaccination card ng inyong baby
βœ… Bahagi ito ng programa ng Department of Health upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna
Sama-sama nating protektahan ang ating mga chikiting! πŸ’ͺ
Maraming salamat po. πŸ™

August 6, 2026ThursdayNagdeklara po ang ating Punong Lungsod na "WALA PASOK" ang lahat ng tanggapan ng Pamahalaan at lah...
05/08/2026

August 6, 2026
Thursday

Nagdeklara po ang ating Punong Lungsod na "WALA PASOK" ang lahat ng tanggapan ng Pamahalaan at lahat ng antas sa eskwelahan

Mag-ingat po tayong lahat

Mag iingat po tayong lahat

31/07/2026
31/07/2026

PABATID SA PUBLIKO | Pansamantalang Pagsasara ng Darasa Health Center

Ipinagbibigay alam po ng Pamunuan Ng Darasa, ang pansamantalang pagsasara ng Darasa Health Center na matatagpuan sa Barangay Road, Darasa, Tanauan City (katabi Ng Darasa Basketball Court) simula August 3, 2026 (Monday) Hanggang August 7,2026(Friday)

Ang mga serbisyong ginagawa sa ating main center, katulad Ng bakuna Ng mga bata, konsultasyon, paghingi Ng gamot at iba pang serbisyo ay gagawin muna pansamantala sa RAMONITA HEALTH CENTER na matatagpuan sa Ramonita Subdivision, Darasa, Tanauan City.

Ang pansamantalang pagsasara ay sa kadahilanang may isasaayos na pasilidad sa ating main center.

Maraming salamat po sa inyong pang unawa at pakikiisa.

18/07/2026
30/06/2026

πŸ“’ ANUNSYO | PAG-UUPDATE NG FAMILY PROFILING SA BARANGAY DARASA

Ang Sangguniang Barangay Darasa, sa pamamagitan ng ating mga Barangay Health Workers (BHWs), ay magsasagawa ng pag-uupdate ng Family Profiling ng lahat ng pamilya sa ating barangay.
Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa at magbigay ng tama, kumpleto, at updated na impormasyon tungkol sa kanilang pamilya. Ang mga datos na ito ay mahalaga upang:

βœ… Mas mapabuti ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng barangay;
βœ… Matiyak na ang mga benepisyong pangkalusugan at iba pang serbisyo ay naibibigay sa mga karapat-dapat na residente;
βœ… Magkaroon ng maayos at napapanahong talaan ng bawat pamilya sa Barangay Darasa.

πŸ“ Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo sa alinman sa mga sumusunod:
β€’ Barangay Health Center (malapit sa Darasa Covered Court)
β€’ Ramonita Health Center

πŸ“ž Maaari ring tumawag sa 0917-308-8456 o makipag-ugnayan sa Barangay Health Worker (BHW) na naka-assign sa inyong cluster.

Ang inyong pakikiisa at pagbibigay ng tamang impormasyon ay mahalaga upang mas maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo para sa bawat pamilyang DaraseΓ±o.

Maraming salamat sa inyong suporta at kooperasyon!

Apply your PSA documents
19/05/2026

Apply your PSA documents

**MAGANDANG ARAW MGA KABARANGAY**


Magkakaroon ng **One Day Event** para sa mas madaling pagkuha ng mga dokumento mula sa **Philippine Statistics Authority (PSA)**.

πŸ“„ **Serbisyong Maaaring I-request:**
β€’ Birth Certificate – β‚±205
β€’ Marriage Certificate – β‚±205
β€’ Death Certificate – β‚±205
β€’ CENOMAR (Certificate of No Marriage)– β‚±260

πŸ“…Petsa:** May 22, 2026
πŸ“Lugar:** Barangay Darasa Covered Court
⏰Oras:** 9:30 AM – 3:30 PM

πŸ“Œ **Mga Kailangang Dalhin:**
β€’ 1 Valid ID
β€’ Kung representative ang kukuha:
– Authorization Letter
– Valid ID ng may-ari ng dokumento at ng representative

⏳ **Processing Time:** 7 Working Days
Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang serbisyong ito upang **mas mapadali ang pagkuha ng mahahalagang dokumento**.

Address

Brgy. Road Darasa
Tanauan
4232

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Darasa Barangay Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share