13/07/2025
LSK PROJECT LIBRENG UNIPORME, tungo sa bagong PAG-ASA!💁♀️
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng samahang Legislators Spouses and Kin, matagumpay na naisagawa ng bawat miyembro ang kanilang makabuluhang PROYEKTONG LIBRENG UNIPORME, para sa dalawang daan at tatlumpo’t tatlong (233) mga batang mag-aaral ng Grade 1 na mula sa anim (6) na paaralan!
📚Hidalgo Elementary School
📚Darasa Elementary School
📚Maria Paz Elementary School
📚Ambulong Elementary School
📚Tanauan South Central School
📚Tanauan North Central School
Layunin ng samahan at ng kanilang proyekto na sa bawat araw-araw na paglalakbay ng mga batang Tanaueños ay ramdam nilang sila’y may kaagapay tungo sa kanilang magandang kinabukasan.🫰🏻