07/08/2026
WALANG PASOK | 8 AUGUST 2026
Bagama’t weekend, batid natin na may ilang paaralan sa ating lungsod na nakatakda pa ring magkaroon ng klase ngayong Sabado.
Dahil sa patuloy nating pagbabantay sa lagay ng panahon at batay sa pinakahuling Weather Advisory No. 25 ng DOST-PAGASA, mariin nating inirerekomenda sa mga paaralang may nakatakdang pasok na pansamantalang ihinto ang face-to-face classes at mag-shift muna sa alternative learning modality ngayong Agosto 8, 2026.
Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at school personnel—lalo na ng mga kinakailangang bumiyahe sa gitna ng patuloy na pag-ulan.
Patuloy nating imo-monitor ang sitwasyon. Mag-ingat po tayong lahat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo.