16/03/2022
Nuon at Nayon...
Atin pong isaPUSO ang mensahe...
Dati Skeptron pag nalaman mong brod and sis di ka magdadalawang isip na tulungan or ientertain, yung tipong akala mo matagal n kayo nagkakasama o magkakilala khit kakakilala nyo lang, kasi nga magka brod and sis kayo.
Dati Skeptron masaya mag visiting or pag may visiting kasi damang dama mo tlga yung brotherhood and Sisterhood.
Dati Skeptron simpleng kwentuhan lang tambay, maglalabas ng alak khit ano walang pinipili msayang nagsasalo salo khit gin o kornik o mdalas walang pulutan , kwentuhan at payabangan sa mga kalokohan.
Dati Skeptron pag ngkataon n brod angj natanungan mo ng lugar or kung may hinahanap kang tao sa lugar na yun sasamahan at ihahatid kapa pra lang matulungan ka nya.
Dati Akrho kahit anong estado mo sa buhay pg mgkakasama kayo brod is brod.
Ngaun Akrho konting kibot sisilipin yung pagka Skeptron mo.
Ngaun Akrho may kanya kanyang personal na interes, nagreresulta na kahit ka brod and sis sisirain mo.
Ngaun Akrho mas matapang pa awayin brod and sis nya kesa kalaban.
Ngaun Akrho pag kaaway yung legit nagiging colorum, yung colorum kinakanlong ipinipilit na legit.
Ngaun Akrho madami nang masyadong magagaling sa sobrang gagaling walang gusto magpaubya nkakalimutan n nila yung tunay n esensya ng kapatiran.
Ngaun Akrho mahilig makipagmataasan sa kapwa nya Akrho
Ikaw brod and sis alin ka dyan dati o ngaun? Pagnilayan mo mabuti.
Ano na nga ba ang nangyare sa mahal nating kapatiran. Ang pagkakamali ba ay nasa kapatiran? O nasa mga miyembro nito?.
Ang pagiging mabuting Skeptron ay choice ng bawat isa hinde sapat n well oriented or nagulpi mo lang during neophyte days. Madami dyan oriented pero mukhang hinde naman oriented umaksyon. Meron nmn di well oriented pero damang dama mo pag ka Skeptron nya.
Kung tutuusin 49 years bata paring maituturing ang ating kapatiran. Supremo nga ba tayong maituturing kung ganito ang kinahihinatnan?
Madami n nga tayo kaso quality ba?
Ano nga ba ang esensya ng kapatiran para sa atin?
Makakabuti ba talagang pasukin natin ang mundo ng pulitika?
May mga bagay na madaling ayusin kung pinaiiral lamang natin yung pagiging maka kapatiran or maka brod and sis natin. Tila nawawala n kasi ung esensya ng tunay na kapatiran.
Iangat yung dangal ng kapatiran wag mo yurakan. Kapag ang brod and sis mo ang siniraan mo di siya yung sinisiraan mo kundi yung kapatiran mismo.
Ano yung magagawa mo sa kapatiran, hindi ano ang magagawa ng kapatiran para sayo.
Ang pagiging Skeptron ay responsibilidad at obligasyon. Ang prebilehiyong matawag na isang Skeptron ay may kaakibat na bigat na responsibilidad na pangalagaan ang ngalan nito. Sa bawat aksyong ginagawa mo nakasalamin sayo yung dangal ng kapatiran. Kaya kapatid magisip isip ka wag maging anay sa sarili mong tahanan.