27/07/2026
Isang malaking oportunidad ang hatid ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟲 para sa mga kabataang mag-aaral ng 𝗣𝗼𝗯𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗨𝗻𝗼, 𝗧𝗮𝗹𝗶𝘀𝗮𝘆, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀.
Sa pamamagitan ng programang ito, 𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 (5) 𝘬𝘸𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘬𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 ang mabibigyan ng ₱20,000.00 𝘌𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘈𝘴𝘴𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘤𝘦 upang makatulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral at patuloy na maabot ang kanilang mga pangarap.
Hinihikayat namin ang lahat ng mga kwalipikadong kabataan na ihanda ang kanilang mga kinakailangang dokumento at isumite ang kanilang aplikasyon sa itinakdang panahon.
Basahing maigi ang bawat larawan upang malaman ang kumpletong detalye tungkol sa kwalipikasyon, requirements, at proseso ng aplikasyon.
Sa 𝗦𝗕&𝗦𝗞𝗣𝗕𝟭𝟰𝟮𝟮𝟬, bida ang edukasyon, inklusibong benepisyo, at patas na pamantayan para sa kabataan!