12/07/2026
๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐-๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐ฅ
Noong Hulyo 12, 2026, matagumpay na isinagawa ng ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐ฆ๐๐๐) ng Gabon Elementary School ang kanilang aktibidad na ๐๐๐๐ฝ๐ผ: ๐๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐-๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ผ๐ง๐๐ก sa Ite Ad Joseph Memorial Chapel, Vinzons, Camarines Norte.
Ang ating mga SELG Officers, kasama ang kanilang SELG Adviser sir John Marabe Bernas, ay sama-samang dumalo sa Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Joseph G. Marabe. Ang gawaing ito ay naging isang makabuluhang pagkakataon upang mapalalim ang pananampalataya, mapagtibay ang mabuting asal, at maipakita ang tunay na diwa ng pagiging ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ-๐๐ถ๐๐ผ๐, isa sa mga core values ng DepEd.
Taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat kay Rev. Fr. Joseph sa kanyang mainit na pagtanggap, makabuluhang homiliya, at espirituwal na paggabay sa ating mga batang lider.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa aming mga SELG Officers, sa pamumuno ng kanilang presidente Miguel, sa kanilang aktibong pakikilahok at sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga na nagbigay ng oras, suporta, at pagtitiwala upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong pakikiisa ay nagpapatunay na ang paghubog ng mga kabataang may pananampalataya ay nagsisimula sa pagtutulungan ng paaralan, pamilya, at simbahan.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang SIMBA upang patuloy nating isabuhay ang ating pananampalataya at maging mga lider na may integridad, malasakit, at pusong handang maglingkod sa Diyos at sa kapwa.
โ๐ผ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ง ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ช๐จ๐๐ฎ ๐ข๐๐ข๐ช๐ฃ๐ค, ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ง๐ช๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ, ๐ข๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ค๐, ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐๐๐ฌ๐ ๐จ๐ ๐๐๐."