18/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐จ๐
Isang makulay at masayang pagdiriwang ang naging Pakighimamat 2026, na tunay na nagpakita ng talento, kultura, at pagkakaisa ng bawat TDCian. Sinimulan ang araw sa masiglang Laro ng Lahi, na naghatid ng saya, tawanan, at samahan. ๐ค
Pagsapit ng hapon, ipinamalas naman ang pagkamalikhain sa Sining sa Bilao, sinundan ng mga natatanging tinig sa Himig Harana at masisiglang galaw sa Hataw Pinoy Pop. Bilang pagtatapos, naging tampok ang Lakan at Lakambini, kung saan nasilayan ang kumpiyansa, galing, at karisma ng mga kalahok mula sa iba't ibang departamento. ๐
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakilahok, nakiisa, at nagbigay-buhay sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Nawaโy manatili sa atin ang mga ngiti at alaalang nabuo, at magsilbi itong paalala na ang kultura, talento, at pagkakaisa ang siyang patuloy na magbibigay-buhay sa diwa ng pagiging TDCian. ๐โจ
๐:Carla Ken Obnimaga - SMM Content Writer
๐ธ: Jezreal Sualibios, Francheska Gipulla, Harjit Singh - SMM Photographers
๐ป: Kent- Art Jann Tutor - SMM Layout Artist