12/03/2024
Dito sa Pilipinas, kultura’t tradisyon ay likas!
Kilala ang bansang Pilipinas sa mga natatanging yaman nito. Mula sa 7,640 na mga isla, iba’t ibang uri ng hayop tulad ng Philippine Eagle, Tarsier, Tamaraw, at marami pang iba, at mga halaman tulad ng Waling-waling na makikita sa likod ng isang pisong barya at Tayabak sa likod ng limang piso, mga pagkaing nakakatakam tulad ng adobo, lechon, kaldereta, at marami pang iba, mga magagandang istruktura kagaya na lamang ng Quiapo Church sa lungsod ng Maynila, iba’t ibang isports kagaya ng basketbol, boxing, volleyball, at marami pang iba.
Isa sa mga kayamanan ng bansang Pilipinas ay syempre, ang mga mamamayan nito—ang mga Pilipino! Tanyag ang mga Pilipino sa kanilang pagiging magalang at mabait. Sa mga tradisyon at kultura naman, kilala ang mga Pilipino sa kanilang pagmamano (honouring gesture) bilang pagpapakita ng paggalang at respeto.
Kilala rin ang mga Pilipino sa kanilang pagiging matatag pagdating sa mga sakuna at mga kalamidad, at sa pamamagitan ng bayanihan bilang pagpapakita ng pagkakaisa’t pagtutulungan.
Kung gusto mong madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa bansang Pilipinas, halina’t ating tunghayan at alamin, ang mga natatanging yaman ng bansa natin!
Ito ang INFORMERCIAL handog ng Ikatlong Pangkat sa EsP.
Caption | Syruz Federigan
Editors | Clarisse Ala, Mary Bernados, Alecia Briones
Actors:
Camille De Erio
Cedrick Jan Vistal
Icyl Gumapit
Jonah Lopezcillo
Lloyd Bantigue
Thea Marie Salarda
Writers:
Mikee Caluban
Jaireh Medina
Kiarah Solis