Firdaus

Call Directions Website Contact the organization

Firdaus May Allah grant you the highest level of Paradise; "Jannatul Firdaus" Like and Share
(1)

Spread the true message of islam, or peace and prosperity and remind, for indeed, the reminder benefits the believers.

20/12/2024
11/11/2024

Sinabi ni Allah sa banal na Qur'an
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
O kayong mga naniwala, bakit kayo nagsasalita [ng mga bagay na hindi naman ninyo ginagawa [sa inyong mga sarili]?

كَبُرَ مَقۡتًا عِنۡدَ اللّٰهِ اَنۡ تَقُوۡلُوۡا مَا لَا تَفۡعَلُوۡنَ

Kasuklam-suklam sa [paningin ng] Allah na kayo ay nagsasalita [ng mga gayong bagay na hindi naman ninyo ginagawa.

゚viralシfypシ゚viralシalシ

11/10/2024
23/09/2024

Sinabi ng Propeta Muhammad [Sumakanya Ang Kapayapaan At Pagpapala Ng Allah], "Kapag namatay ang isang tao, ang lahat ng kanyang mga gawain ay natatapos, maliban sa tatlo: ang patuloy na kawanggawa, ang kapaki-pakinabang na kaalaman, at ang matuwid na anak na nananalangin para sa kanyang mga magulang."

Alhamdulillah ngayong araw sa kapahintulutan ng Allah at gabay may dalawa tayong kababayan na nag shahada sa masjid al-i...
09/09/2024

Alhamdulillah ngayong araw sa kapahintulutan ng Allah at gabay may dalawa tayong kababayan na nag shahada sa masjid al-ikhwa, katunayan na kung sino mang gabayan ng Allah patungu sa tamang landas walang sino mang makakapag ligaw sa kanya at kung sino man hinde gabayan ng Allah walang sino mang makakapag gabay sa kanya.

"𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐬𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐦"Ang pag-aasawa ay kabilang sa pinakamatatag na ugnayan na pinahahalagahan ng Islam at ipinanghi...
09/09/2024

"𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐬𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐦"

Ang pag-aasawa ay kabilang sa pinakamatatag na ugnayan na pinahahalagahan ng Islam at ipinanghihikayat ito, at ito ay itinuturing bilang Kaparaanan ng mga Sugo (Tunghayan ang pahina 218).

At katotohanan, binigyan ng pagpapahalaga ng Islam ang mga alituntunin, ang mga kagandahang asal nito, at ang mga karapatan ng mag-asawa sa paraang mapangalagaan nito ang katatagan ng ugnayang pag-aasawa at mapanatili nito ang isang matibay at matagumpay na pamilya na kung saan ang mga anak ay pinagyayaman sa kabutihang asal at katatagan ng isip at pagkamatuwid sa pananampalataya at pagkamit ng kahusayan sa lahat ng mga aspeto ng buhay.

At ang ilan sa mga alituntuning binanggit ay ang mga sumusunod:
Nagtakda ang Islam ng mga patakaran na kinakailangan ng mag-asawa [lalaki’t babae] upang maging maayos ang kanilang pag-aasawa at ugnayan, at ito ay ang mga sumusunod:

•Ang Mga Patakaran ng Islam sa Babaeng Pakakasalan:
1. Ang babae ay dapat isang Muslim o Angkan ng Kasulatan (Ibig sabihin ay Hudyo o Kristiyano) naniniwala sa kanyang relihiyon, nguni’t ang Islam ay hinihimok tayo sa pagpili ng babaeng Muslim na may paniniwala [Eeman], sapagka’t siya ay magiging isang ina na mag-aalaga ng kanyang mga anak, makatutulong sa iyo sa kabutihan at sa pagpapakatuwid. Batay sa sinabi ng Propeta ﷺ : “Datapuwa’t piliin ang babaing may paniniwala [Eeman], at ikaw ay mapapaunlad”. (Al-Bukhari: 4802 – Muslim: 1466).

2. Ang siya ay dapat na malinis na babae sapagka’t, ipinagbabawal ang pag-aasawa sa nakilalang mahalay at walang dangal. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At gayundin (na pinahihintulutan sa inyo sa pag-aasawa) ang mga malilinis na babae mula sa mga naniniwala [Muslim] at mga malilinis na babae mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatan [mga Hudyo at kristiyano]}.” (Surah Al-Maa’idah, 5:5)

3. Ang siya ay hindi dapat kabilang sa kanyang mga Mahram na ipinagbabawal sa kanya na asawahin sa habang buhay. Batay sa naunang naipaliwanag (Pahina 223), at huwag pag-isahin sa kanyang pag-aasawa ang isang babae at ang kapatid nito, o ang kanyang tiyahin maging sa panig ng kanyang ama o ina.

•Ang mga Patakaran ng Islam sa Lalaking Mag-aasawa:
Ipinag-uutos [bilang tungkulin] sa lalaking mag-aasawa na siya ay isang Muslim at ipinagbabawal sa Islam na ang isang babaeng Muslim na mag-asawa ng hindi Muslim, maging anupaman ang relihiyon nito, maging Angkan man ng Kasulatan (Hudyo o Kristiyano) o hindi Angkan ng Kasulatan, at binigyang-diin ng Islam ang pagtanggap sa lalaking magaasawa kung nasa kanya ang dalawang patakaran:

• Ang matuwid na pagsunod sa pananampalataya.
• Maganda ang pag-uugali.

Siya ﷺ ay nagsabi: “Kapag hiningi sa inyo ang kamay ng inyong anak na babae [upang pakasalan] ng isang lalaking [Muslim] na inyong kinalulugdan ang kanyang Eeman [pananampalataya] at mabuting pag-uugali, magkagayon inyong tanggapin ang kanyang kahilingan, sapagkat kung hindi ninyo ito magawa, magkakaroon ng katiwalian sa ibabaw ng lupa”. (At-Tirmidi: 1084 – Sunan Ibn Majah: 1967)



Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Firdaus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Firdaus:

Shortcuts

Share