02/08/2026
📢 Special Meeting Successfully Conducted
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga Kagalang-galang na Kagawad, SK Chairman at SK Kagawad ng New Lower Bicutan Barangay sa kanilang pagdalo at pakikiisa sa isinagawang Special Meeting ng D.O.T.C. Village Neighborhood Association Inc. Ang inyong presensya, suporta, at pakikipagtulungan ay malaking inspirasyon sa aming samahan upang higit pang mapaglingkuran ang ating komunidad.
Maraming salamat din sa lahat ng mga dumalo at nakiisa. Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.
Maraming salamat po at mabuhay ang ating komunidad!!