Hagdang Bato Homeowners' Association

Hagdang Bato Homeowners' Association The official and only page of Hagdang Bato Homeowners' Association.

📍Hagdang Bato, Bagumbayan, Taguig City

HAGDANG BATO HOA UPDATES | HAGDANG BATO MEDICAL CARAVAN | SEPTEMBER 6, 2026 🩺Isang matagumpay at makabuluhang araw para ...
13/09/2026

HAGDANG BATO HOA UPDATES | HAGDANG BATO MEDICAL CARAVAN | SEPTEMBER 6, 2026 🩺

Isang matagumpay at makabuluhang araw para sa ating mga kabarangay! 💙

Noong Setyembee 6, 2026, isinagawa ang Hagdang Bato Medical Caravan na naghandog ng LIBRENG BP, Blood Glucose, at Uric Acid Testing para sa ating komunidad.

Ang programang ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng bawat residente ng Hagdang Bato. Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nakiisa sa programang ito.

Patuloy tayong magtulungan para sa isang malusog, ligtas, at maalagang komunidad! 💙🩺

Hagdang Bato HOA — Natatanging HOA na may Serbisyong Medikal para sa LAHAT!

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, MS. ERLINDA M. POQUIZ! 🎂💙❤️Buong pamunuan at mga miyembro ng Hagdang Bato Homeowners’ Association...
12/09/2026

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, MS. ERLINDA M. POQUIZ! 🎂💙❤️

Buong pamunuan at mga miyembro ng Hagdang Bato Homeowners’ Association ay taos-pusong bumabati sa ating masipag na Treasurer, Ms. Erlinda M. Poquiz, ng isang maligaya at makabuluhang kaarawan! 🥳

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at mas marami pang biyaya sa inyong buhay. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, serbisyo, at mahalagang ambag sa ating komunidad. ❤️

🎈 Happy Birthday, Tita Inday!

Mula sa inyong pamilya sa Hagdang Bato HOA — maraming taon pa ng makabuluhang paglilingkod at masasayang alaala! 🎂✨

‼️BUKAS NA‼️ 🙏 MISANG PASASALAMAT | BUKLURAN NG HAGDANG BATOInaanyayahan ang lahat ng ating mga kapitbahay na makiisa sa...
09/09/2026

‼️BUKAS NA‼️

🙏 MISANG PASASALAMAT | BUKLURAN NG HAGDANG BATO

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kapitbahay na makiisa sa Misang Pasasalamat ng Bukluran ng Hagdang Bato, bilang pagpapahayag ng ating pasasalamat at pananampalataya.

Itinatama po namin ang oras ng Misang Pasasalamat ng Bukluran ng Hagdang Bato.

🗓️ Huwebes, ika-10 ng Setyembre 2026
🕓 4:00 N.H.
📍 Poquiz Residences

Ang tamang oras po ay 4:00 ng hapon, HINDI 6:00 ng gabi.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang kalituhan at maraming salamat sa inyong pang-unawa. ❤️🙏

Ang Hagdang Bato Homeowners’ Association ay buong-pusong inaanyayahan ang bawat pamilya at residente na makiisa sa banal na pagdiriwang na ito.

Halina’t magsama-sama sa panalangin at pasasalamat.

💙❤️ Mabuhay ang nagkakaisang Hagdang Bato!

FYI - mga kapitbahay!
09/09/2026

FYI - mga kapitbahay!

🌧️ HEAVY RAINFALL WARNING | TAGUIG 🚨⚠️ Nakataas ang ORANGE WARNING LEVEL sa Metro Manila ngayong Lunes, Setyembre 7, 202...
07/09/2026

🌧️ HEAVY RAINFALL WARNING | TAGUIG 🚨

⚠️ Nakataas ang ORANGE WARNING LEVEL sa Metro Manila ngayong Lunes, Setyembre 7, 2026, alas-5:00 ng hapon, dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

🌊 Inaasahan ang malubhang pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar at mga lugar na karaniwang binabaha.

📌 PAALALA SA LAHAT:
• Iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.
• Mag-ingat sa mga kalsadang may baha at malakas na agos ng tubig.
• Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA at mga lokal na awtoridad.
• Kung nasa lugar na mabilis bahain, maging handa at lumikas agad kung kinakailangan.
• Panatilihing ligtas ang mga bata, senior citizen, at iba pang nangangailangan ng karagdagang pag-iingat.
🙏 Manatiling alerto at ligtas, Metro Manila! Unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya at komunidad.
Source: PAGASA – NCR PRSD

🕑 Susunod na rainfall warning: 8:00 PM, Setyembre 7, 2026

📢 MISANG PASASALAMAT | BUKLURAN NG HAGDANG BATOInaanyayahan ang lahat ng ating mga kapitbahay na makiisa sa Misang Pasas...
07/09/2026

📢 MISANG PASASALAMAT | BUKLURAN NG HAGDANG BATO

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kapitbahay na makiisa sa Misang Pasasalamat ng Bukluran ng Hagdang Bato, bilang pagpapahayag ng ating pasasalamat at pananampalataya.

Itinatama po namin ang oras ng Misang Pasasalamat ng Bukluran ng Hagdang Bato.

🗓️ Huwebes, ika-10 ng Setyembre 2026
🕓 4:00 N.G.
📍 Poquiz Residences

Ang tamang oras po ay 4:00 ng hapon, HINDI 6:00 ng gabi.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang kalituhan at maraming salamat sa inyong pang-unawa. ❤️🙏

Ang Hagdang Bato Homeowners’ Association ay buong-pusong inaanyayahan ang bawat pamilya at residente na makiisa sa banal na pagdiriwang na ito.

Halina’t magsama-sama sa panalangin at pasasalamat.
💙❤️ Mabuhay ang nagkakaisang Hagdang Bato!

05/09/2026

‼️MAHALAGANG PAALALA SA MGA KAPITBAHAY, MAGING ALERTO AT MAINGAT PO DAHIL MAY MGA PAIKOT-IKOT PONG KAHINA-HINALA SA ATING LUGAR. ‼️

05/09/2026

MARAMING SALAMAT PO, MAYOR LANI CAYETANO! 🩷

📢 ANNOUNCEMENT | HAGDANG BATO MEDICAL CARAVANMagandang balita mga kapitbahay sa Hagdang Bato!Matapos ang pag-reschedule ...
02/09/2026

📢 ANNOUNCEMENT | HAGDANG BATO MEDICAL CARAVAN

Magandang balita mga kapitbahay sa Hagdang Bato!

Matapos ang pag-reschedule dulot ng masamang panahon at epekto ng Habagat, ang ating Hagdang Bato HOA Medical Caravan ay tuloy na sa bagong petsa:

📅 Linggo, September 6, 2026
🕖 7:00 AM

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa habang inuuna natin ang kaligtasan ng bawat isa. Ngayong mas maayos na ang lagay ng panahon, inaasahan namin ang inyong pagdalo sa ating Medical Caravan.

Kalusugan ay kayamanan. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating komunidad!

KITA-KITS PO TAYONG LAHAT! 🩺💚🏥

🌿 Sama-samang Pagkilos para sa Malinis na Hagdang Bato! 🌿Bilang tugon sa mga naiwang basura, kalat, at iba pang debris d...
02/09/2026

🌿 Sama-samang Pagkilos para sa Malinis na Hagdang Bato! 🌿

Bilang tugon sa mga naiwang basura, kalat, at iba pang debris dulot ng nagdaang pag-ulan at Habagat, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating Hagdang Bato Clean-Up Drive. Sama-sama nating linisin at ayusin ang ating komunidad upang maging ligtas at maayos muli para sa lahat.

📅 Sabado, September 5, 2026
🕖 7:00 AM

Hinihiling po namin na magdala ng sariling cleaning materials gaya ng:
✅ Walis
✅ Dustpan
✅ Sako
✅ Gloves
✅ At iba pang makakatulong sa paglilinis

Maraming salamat sa lahat ng handang maglaan ng oras, lakas, at malasakit para sa ating barangay. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan, maipapakita nating kayang-kaya nating bumangon at magtulungan matapos ang mga pinsalang dulot ng nagdaang habagat.

Magkita-kita po tayo sa September 5 at sama-sama nating ibalik ang kalinisan ng Hagdang Bato! 💚🙏

Address

Bagumbayan
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hagdang Bato Homeowners' Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share