PUP-Taguig Central Student Council

PUP-Taguig Central Student Council The Official page of PUP Taguig Central Student Council.

๐Ÿ“ฉSend us an email for partnership: [email protected] EXECUTIVES FOR 2025-2026

Hon.
(1)

The official union of students of the Polytechnic University of the Philippines - Taguig Branch. The PUPT Central Student Council is a nationalist, democratic, and autonomous student union. Kamilah Joie Cabra, President
Hon. Kianpaul Belina, VPI
Hon. Micaela Santiago, VPEX
Hon. Adeline Corong, Secretary-General
Hon. Alex Bernas, Treasurer

Hon. Cyrell Anne Atacador, Assistant Secretary
Hon. Gene

Reniedo, Assistant Treasurer
Hon. RJ Canishan Pedong , Auditor
Hon. Gerald Mamasalanang, PRO
Hon. Benedict Brabante, Business Manager 1
Hon. Austin Jay Macauyam, Business Manager 2

Organization Representatives

Hon. Sandra Laynne Biador, AECES Representative
Hon. Jhay Dominique Velasco, CS Representative
Hon. Kimberly Jane Plaira, JMA Representative
Hon. Rhemedy Lorraine Bongola, MS Representative
Hon. John Andrei Soriano, PAPSU Representative
Hon. John Vincent Roblo, PASOA Representative

๐˜พ๐™–๐™ก๐™ก ๐™›๐™ค๐™ง ๐˜ฟ๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ | Earlier this morning, between 9:00 AM and 10:00 AM, a severe fire broke out and completely destroye...
13/06/2026

๐˜พ๐™–๐™ก๐™ก ๐™›๐™ค๐™ง ๐˜ฟ๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ | Earlier this morning, between 9:00 AM and 10:00 AM, a severe fire broke out and completely destroyed the home of our classmate and friend, Kenth Joshua Mesias. Due to the swiftness of the incident, their family was unable to save any of their belongings, leaving them with no spare clothes or basic necessities.

As their classmates and friends, we are initiating this donation drive to help Kenth and his family get through this difficult time and start over. We are humbly requesting any assistance you can extend.

We are currently accepting the following donations:
* Monetary Donations (Any amount will be deeply appreciated to help them secure immediate needs and temporary shelter).
* Hygiene Kits (Soap, shampoo, toothbrushes, toothpaste, towels, etc.)
* Clothes (The family consists of 7 members in total. For those who wish to donate clothes, here is the breakdown for your reference):
- Female Adults: 3 (His Mother and Older Sisters)
- Male Adults: 3 (His Father, Kenth, and his Younger Brother)
- Male Child: 1 (His Youngest Brother)

๐Ÿ“Œ HOW YOU CAN HELP:
For Cash Donations:
GCash: Harold Lansangan - 0926 448 1674
(Please send a screenshot of your transaction to Harold Lansangan or Arizza Jane Orgaya through Facebook account, so we can properly acknowledge and track all funds.)

For Physical In-Kind Donations:
Drop-off Location: PUP - Taguig, Gen. Santos Ave., Lower Bicutan, Taguig City, Philippines.
Contact Person: โ Arizza Jane Y. Orgaya
Contact Number: 09670131019

Attached below are the photos of the aftermath from this morning.

Any form of help, whether through donations or by simply sharing this post to reach more people, will be of great value to Kenthโ€™s family right now.

Thank you very much for your kindness and support. Please keep Kenth and his family in your thoughts and prayers. ๐Ÿฅน๐Ÿ™๐Ÿป

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€? ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong Hunyo 12, ipinagdiriwang natin ang ika-128 na Araw ng Kalayaan. Ngunit ...
12/06/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€? ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Hunyo 12, ipinagdiriwang natin ang ika-128 na Araw ng Kalayaan. Ngunit hindi natin maiwasang magtanong: tunay nga ba tayong malaya kung ang direksyon ng ating bansa ay patuloy na naaapektuhan ng dayuhang kapangyarihan at pansariling interes ng iilan?

Sa gitna ng mga problema sa Senado, korapsyon sa pampublikong pondo, at mga patakarang madalas inuuna ang interes ng dayuhan kaysa sa kapakanan ng mamamayan, malinaw na ang laban para sa tunay na kalayaan ay hindi nagtapos noong 1898. Hanggang ngayon, nananatili tayong nakagapos sa impluwensya ng imperyalismong US โ€” sa ekonomiya, pulitika, militar, at maging sa paraan ng paghubog ng ating mga polisiya.

Habang patuloy ang pakikialam at pagdepende sa dayuhang kapangyarihan, milyon-milyong Pilipino ang naghihirap, kulang sa oportunidad, at nawawalan ng boses sa mga desisyong dapat para sa bayan. Ang kalayaan ay hindi lamang pagkakaroon ng watawat at pambansang awit, ito ay ang kakayahan ng sambayanang Pilipino na magpasya para sa sarili nitong kinabukasan nang walang dikta ng dayuhan.

Ang tunay na diwa ng nasyonalismo ay ang pagtayo para sa hustisya, katotohanan, at ganap na kasarinlan. Dahil dito, gamitin natin ang ating boses at kakayahan upang ipaglaban ang Pilipinas na malaya hindi lang sa pangalan, kundi sa gawa at kapangyarihan โœŠ


๐Ÿ“ข ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐Œ๐€๐“๐€๐Š๐Ž๐“: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐‘๐ž๐-๐“๐š๐ ๐ ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐„๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐žSa gitna ng mga n...
12/06/2026

๐Ÿ“ข ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐Œ๐€๐“๐€๐Š๐Ž๐“: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐‘๐ž๐-๐“๐š๐ ๐ ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐„๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž

Sa gitna ng mga nagdaang pangyayari, muling napatunayan ng mga PUPTian na hindi kayang patahimikin ng paninira, pananakot, at disinformation ang isang komunidad na handang tumindig para sa katotohanan.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na makilahok sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa red-tagging, fake news at disinformation, at ang mga karapatan ng mga estudyante bilang mga iskolar ng bayan. Sama-sama nating susuriin ang mga isyung nakaapekto sa ating komunidad, lilinawin ang mga maling impormasyon na kumalat, at pag-uusapan kung bakit mahalagang ipagtanggol ang kalayaan sa pagpapahayag at pakikilahok ng mga estudyante.

Hindi ito usapin ng iisang organisasyon o iilang indibidwal lamang. Usapin ito ng katotohanan, karapatan, at ng uri ng komunidad na nais nating itaguyod sa loob at labas ng pamantasan.

๐Ÿ—“๏ธ June 13, 2026
โฐ 1PM to 5PM
๐Ÿ“ PUPT Social Hall

Makinig. Magtanong. Maging mapanuri.

Sa panahon ng disinformation, ang katotohanan ay isang paninindigan โœŠ



-----
Pubmat by: Danica Nicole Encarnacion

10/06/2026
SAMPUNG (10) NOMINASYON NA ANG NATATANGGAP PARA SA  !Ngayong araw, ganap na ika-2:00 nang hapon, sampung (10) nominasyon...
09/06/2026

SAMPUNG (10) NOMINASYON NA ANG NATATANGGAP PARA SA !

Ngayong araw, ganap na ika-2:00 nang hapon, sampung (10) nominasyon na ang natatanggap para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Tangan natin ang responsibilidad na makialam at makisangkot sa pagpili ng ating bagong Rehente!

Hinihikayat ang lahat na magsumite ng mga karapat-dapat na nominado mula sa hanay ng mga pangulo ng konseho ng mag-aaral sa buong PUP.

Ang nominasyon ay bukas hanggang ika-14 ng Hunyo, 11:59 ng gabi.


๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—ง ๐—–๐—ฆ๐—– ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐——-๐—ง๐—”๐—š๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐—œ๐—š ๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—™๐—”๐—–๐—˜๐—•๐—ข๐—ข๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—š๐—˜Kaugnay ng isang post na inilathala ng Faceboo...
08/06/2026

๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—ง ๐—–๐—ฆ๐—– ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐——-๐—ง๐—”๐—š๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐—œ๐—š ๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—œ๐—ง๐—˜๐—— ๐—™๐—”๐—–๐—˜๐—•๐—ข๐—ข๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—š๐—˜

Kaugnay ng isang post na inilathala ng page na "Taguig Unlimited" at ng mga komentaryong sumunod dito na nagtatanong kung bakit pinahihintulutan ang pagkakaroon ng mga aktibistang organisasyon sa loob ng Polytechnic University of the Philippines, gayundin ang mga komentong nag-uugnay sa mga estudyante at organisasyon sa armadong kilusan, nais naming magbigay ng paglilinaw at paninindigan bilang kinatawan ng mga mag-aaral.

Nababahala ang Student Council sa mga pahayag at komentaryong naglalaman ng red-tagging, paninira, at walang basehang pag-uugnay sa mga estudyante, organisasyon, at mga aktibong mamamayan sa armadong tunggalian. Mariin naming kinokondena ang ganitong mga pahayag sapagkat nagdudulot ang mga ito ng panganib sa kaligtasan, dignidad, at karapatan ng mga estudyante.

Ang pagiging mulat sa mga isyung panlipunan, pakikilahok sa mga organisasyon, at pagpapahayag ng opinyon ay hindi krimen. Ang mga ito ay mga karapatang kinikilala at pinangangalagaan ng ating Saligang Batas. Ang pagtatanong, pagpuna, at paninindigan para sa mga usaping nakaaapekto sa sektor ng kabataan at mamamayan ay hindi dapat agad na ikinakabit sa terorismo, armadong pakikibaka, o anumang ilegal na gawain.

Lubos naming tinututulan ang mga bansag na "NPA," "susunod na corned beef," at iba pang mapanirang katawagan na ginagamit upang takutin, maliitin, o patahimikin ang mga estudyanteng ginagamit lamang ang kanilang demokratikong karapatan upang magpahayag at manindigan.

Bilang mga iskolar ng bayan, may karapatan at responsibilidad ang mga estudyante na maging mapanuri, mapagmatyag, at aktibong kalahok sa mga usaping panlipunan. Ang isang pamantasan ay dapat manatiling espasyo para sa malayang pag-iisip, demokratikong talakayan, at responsableng pakikilahokโ€”hindi para sa pananakot, panlilibak, at walang basehang pag-akusa.

Naninindigan ang Student Council para sa karapatan ng bawat estudyante na magpahayag, mag-organisa, at makilahok nang malaya at ligtas. Kasama namin ang mga estudyante sa pagtatanggol sa kanilang mga demokratikong karapatan at laban sa anumang pagtatangkang patahimikin ang kanilang mga boses.

Ang kritikal na pag-iisip ay hindi krimen. Ang pakikilahok ay hindi terorismo. At ang paninindigan para sa bayan ay hindi dapat kailanman maging dahilan upang ang isang estudyante ay takutin, siraan, o i-red-tag.

Avisala! Ipinag-uutos ng Lireo na maging masaya ka ngayon. Happy Birthday sa ating AECES Representative, Sandra! ๐Ÿ‘‘
08/06/2026

Avisala! Ipinag-uutos ng Lireo na maging masaya ka ngayon. Happy Birthday sa ating AECES Representative, Sandra! ๐Ÿ‘‘

DINGGIN ANG HAMON NG PANAHON PARA SA  !Ngayong araw, pormal nang binubuksan ang nominasyon para sa susunod na Rehente ng...
08/06/2026

DINGGIN ANG HAMON NG PANAHON PARA SA !

Ngayong araw, pormal nang binubuksan ang nominasyon para sa susunod na Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Sa gitna ng patuloy na krisis sa edukasyon at lipunan, higit kailanman ay kinakailangan ang isang lider-estudyanteng may malinaw na paninindigan, handang tumindig para sa demokratikong karapatan ng mga Iskolar ng Bayan, at may tapang na dalhin ang kanilang tinig sa loob at labas ng Lupon ng mga Rehente ng Sintang Paaralan.

Hinihikayat ang lahat ng Iskolar na magmungkahi ng mga karapat-dapat na nominado mula sa hanay ng mga Pangulo ng Konseho ng Mag-aaral sa buong PUP para sa paghahanap ng ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP.

Ang nominasyon ay bukas hanggang ika-14 ng Hunyo, 11:59 nang gabi.

Maaring matunton ang Nomination Form at Nomination Template sa pamamagitan ng QR code o ng mga link na makikita sa comment section.


Address

Polytechnic University Of The Philippines, Gen. Santos Avenue , Lower Bicutan
Taguig

Opening Hours

Monday 9am - 9pm
Tuesday 9am - 9pm
Wednesday 9am - 9pm
Thursday 9am - 9pm
Friday 9am - 9pm
Saturday 9am - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PUP-Taguig Central Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PUP-Taguig Central Student Council:

Share