19/07/2026
PAUNAWA SA LAHAT NG PET OWNERS
JOSEPH SITT HOMEOWNERS ASSOCIATION INC. / 044 Rd 8 Barangay Bagumbayan, Taguig City
Magandang araw po,
Kaugnay ng mga natanggap naming concern tungkol sa dumi ng alagang a*o sa mga pampublikong lugar, mahigpit po naming ipinapaalala ang mga sumusunod na alituntunin para sa kalinisan at kaayusan ng ating komunidad:
MGA ALITUNTUNIN:
1. RESPONSABLENG PAGPAPALABAS NG ALAGA
Ang mga a*o ay dapat laging naka-leash at may kasamang may-ari kapag nasa labas ng bakuran.
2. WASTONG PAGTATAPON NG DUMI
Ang may-ari ay kailangang magdala ng pang-dakot at plastic/bag. Ang dumi ay dapat agad dakutin at itapon sa tamang basurahan.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iwan ng dumi sa sidewalk, kalye, kanal, at sa harapan ng bahay ng ibang residente.
3. IREREKOMENDA
Hinihikayat po ang lahat na sa sariling bakuran na lang magpatae at magpakain ng alaga upang maiwasan ang gulo sa kapitbahay.
BATAS AT KAUKULANG PARUSA:
Ang paglabag sa mga ito ay alinsunod sa PD 856 - Code on Sanitation at RA 9003 - Solid Waste Management Act, at sa mga ipinapatupad na patakaran ng Lungsod ng Taguig.
Multa:
- Unang Paglabag: Babala at β±500.00
- Ikalawang Paglabag: β±1,000.00
- Ikatlo at mga susunod na paglabag: β±1,500.00 at maaaring ipatawag sa Barangay at Taguig City Veterinary Office
Ang mga tanod at kinatawan ng Barangay ay awtorisadong mag-issue ng citation at mag-impound ng hayop kung kinakailangan.
Nakikiusap po kami sa kooperasyon ng bawat isa. Ang malinis na kapaligiran ay responsibilidad nating lahat.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
JOSHAI Board of Directors at
Barangay Bagumbayan Animal Welfare Ofc/Taguig City Vet. Hulyo 20, 2026_