15/04/2023
Dec 17 at Bokod, Benguet Province.
Salamat po Fr.Lino Juta, CRS at Fr. Serefin sa mainit na pagtanggap sa amin at sa How to become Successful & Significant seminar. Nakakatuwa po na may follow up program agad kayo sa mga youth. Salamat sa pagpapatira, pagpapakain at napakaraming pasalubong. Marami pong salamat.
Ang lugar na pinagmimisyunan ni fr.Lino at fr. Serafin ay lugar na walang mall, NO grocery store, walang bank, no water supply, malayong malayo sa siudad. nasa tuktok ng mga bundok. Ang karaniwang bigay ng mga tao sa misa ay mga gulay. Nung madaling araw ay isang oras kaming nagbiyahe at 30mins naglakad sa napakatarik at delikadong lugar para makapagmisa si Fr.Serafin.. Ang misa ay normal na dinadaluhan ng 5-10 tao lamang. Normal kay fr. Lino at fr. Serafin na maglakbay sa mga bundok upang makapag misa. Kahanga hangang mga lingkod ng Diyos. Isama po natin sila sa ating mga panalangin.