23/04/2026
Sa pagdating ng ika-207 na Kapistahan ng ating mahal na Poong Sta. Cruz ngayong Mayo 2โ3, 2026, muling nagniningning ang ating mahabang tradisyon sa Palingon. Sa gitna ng kinakaharap nating mga pagsubok sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pinili nating maging sensitibo at tumugon sa pangangailangan ng ating kapwa. Bilang pagpapakita ng tunay na diwa ng Kristiyanismo, ang ating pagdiriwang ngayong taon ay nakatuon sa temang "Caridad" (Kawanggawa)โisang misyon ng paglilingkod na layuning maging katuwang ng ating mga kapatid na higit na nangangailangan sa gitna ng hirap ng buhay.
Dahil dito, nais naming ipabatid sa lahat na pansamantala nating papalitan ang Karakol ng mga gawain ng Caridad para sa taong ito lamang. Sa halip na maringal na sayaw sa kalsada, ang ating atensyon ay itutuon natin sa pagpapakain sa komunidad (Palugaw), pamamahagi ng tulong sa ating mga pampublikong tsuper na taga Palingon, at gamit-eskwela para sa mga kabataan. Ito ay isang banal na pagpupugay din sa alaala ng Nayon ng Immaculada Concepcionโisang paalala na ang tunay na alab ng pananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa ningning ng prusisyon, kundi sa init ng pagtulong at pagkakaisa ng bawat isa sa ilalim ng Sta. Cruz.