29/04/2026
PANAWAGAN SA MGA KINAUUKULAN:
Sa lahat po ng mga nakatira sa Tenement lalo't hight sa side ng Tenement na nakasaad sa mga pictures na ipinadala sa atin mula sa concerned citizen ng Upper BLC. Alam niyo naman po sa mga sarili ninyo kung sino-sino ang involved sa parte ng Tenement na ’yan. Huwag n'yo naman pong idamay ang ibang matitinong naninirahan sa Tenement sa mga kababuyan ninyo. Hindi po tapunan ng mga basura ninyo ang likod ng Tenement at nakaka-perwisyo kayo sa mga taga-Upper BLC. Kung akala n'yo ay nasolusyunan ninyo ang katamaran n'yo sa pagtapon ng basura, nagkakamali po kayo dahil pinerwisyo ninyo ang mga taga-Upper BLC. Alam n'yo po sa mga sarili ninyo kung saang side ng Tenement ito ang maling pamamaraan ng pagtapon ng mga basura ninyo.
At ang isa pa po, sa mga naglagay ng mga tubo na makikita sa mga larawan na ipinadala sa atin, kung barado po ang mga CR or Lababo ninyo, hindi po yan ang tamang paraan para masolusyunan ang mga problema ninyo sa baradong CR at Lababo. Labag po sa batas ang mga pamamaraan na iyan na nakasaad sa Presidential Decree No. 856, or the Code on Sanitation of the Philippines. Kayo po ay maaaring ipatawag sa Barangay dahil sa environmental and health hazzards na idinudulot ng mga improper waste disposal na ginawa ninyo na walang pahintulot o koordinasyon sa mga kinauukulan. Ang mga larawan na naitala dito ay magsisilbing patunay o pruweba ng inyong pagsawalang-bahala sa inyong kapaligiran.
Ito po ay magsisilbing "babala" o "warning" sa mga susunod pang tutulad o gagaya sa mga maling paraan na iyan. Nakita naman ninyo ang idinulot na perwisyo sa ating mga kapitbahay sa Upper BLC. Huwag ninyo naman pong idamay ang ibang matitinong naninirahan sa tenement sa mga kababuyan ninyo. Hindi po tapunan ng mga basura ninyo ang likod ng Tenement at nakaka-perwisyo kayo sa mga taga-Upper BLC. Kung akala ninyo ay nasolusyunan ninyo ang katamaran ninyo sa pagtapon ng basura, nagkakamali po kayo dahil pinerwisyo ninyo ang mga taga-Upper BLC. Alam ninyo po sa mga sarili ninyo kung saang side ng tenement ang maling pamamaraan ng pagtapon ng mga basura ninyo. ninyo. yo. .
Ito po ay magsisilbing "babala" o "warning" sa mga susunod pa na tutulad o gagaya sa mga maling paraan na iyan. Nakita naman ninyo ang idinulot na perwisyo sa ating mga kapit-bahay sa Upper BLC.
Hindi po kayo mga hayop para di makapag-isip ng tama at gumawa ng tama. Kita ninyo ang basurang perwisyo na naipon sahi ng inyong mga kababuyan at kawalang respesto sa inyong kapaligiran.
Magkakaroon tayo ng Clean Up Drive at nais namin kayong imbitihan lahat upang linisin at ayusin ang perwisyong inyong idinulot sa ating komunidad. Huwag naman ninyong hayaan na pati ang mga walang kinalaman sa kababuyang 'yan ay nadadamay at nababansagang mga "BALAHURA", "BABOY", at "ISKWATER".
Huwag n'yo namang bigyan ng kongkretong dahilan ang LGU na tayo ay tuluyang palayasin dahil sa mga kababuyan at kasalaulaang iyan. Baka imbes na i-redevelop pa ang TENEMENT eh, magbago ang isip ng LGU natin na gawin ang napipintong proyektong iyan. Alalahanin ninyo na ang lugar natin ay may nakaabang na proyektong redevelopment na inihahanda ng ating LGU. Pero kung ganyan, may mga kalugar tayo na walang pakialam at walang pagpapahalaga sa lugar na kanilang kinabibilangan, marahil baka magkaroon tayo ng malaking problema sa mga future redevelopment projects ng LGU.
Ang kailangan po natin sa mga panahong ito ay pagkakaisa, malasakit sa kapwa at sa kapaligiran upang mapagtagumpayan natin ang redevelopment na inihahanda sa atin ng LGU ng Taguig. Magsilbi sana itong babala upang gumawa ng TAMA at MAKATAONG mga gawain at desisyon sa pang-araw-araw na buhay bilang isang taga-Tenement maging ikaw ay isang ORIHINAL NA BATANG TENEMENT, BUYER, o RENTER.
Ito'y hindi isang "simpleng panawagan" lamang, ito'y isang paraan ng "pagmumulat ng mata" sa lahat upang magkaroon ng awareness sa ating sitwasyon sa paninirahan sa Tenement sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Noel "Ruffa" Gayo
President
TAHANAN, Inc.