Ito ang pahina ng La Liga Filipina, Third Reestablishment na inilaan sa Pilipinong komunikasyon ng higit magmahal sa Inang Wika, o nakalaan lang sa Taglish na paraan, o kahit Ingles pa rin. Inaasahan ng pamunuan ng La Liga Filipina, Third Reestablishment na magiging ganap ang importansiya at pangangailangan sa pahinang ito, na ikino-kondukto sa salitang Pilipino, sa madaling pagkakataon na lumawak
na ang sakop sa kasapian at mga pagkilos ng La Liga Filipina (Third Reestablishment) at kukulangin na ang espasyo sa kabilang pahina ng La Liga. Ang ganitong hayag na pakikipagtalastasan ng mapayapang rebolusnaryong grupo ng La Liga Filipina, sa internet na tanaw ng buong mundo, ay kahit papaano ay mangangailangan ng seguridad sa sensitibong komunikasyon na maaaring maipagkaloob nitong La Liga Fipina sa Pilipino. Ano't-anoman, walang makakapigil at patuloy ang pagkilos sa makapaghuhusgang yugto na ito ng mapayapang pag-ugit sa malalimang pagbabago (rebolusyon)--mula sa bigong madugong himagsikan noong 1896. Idagdag mo ang nakahihiyang "graft at korupsiyon' hanggang sa pinakamataas na sangay ng pamahalaan; isama mo ang hindi madalumat na kahiraman, ng inhustisya, ng superstisyon, at ignoransiya. Matalisik ang mga ganid na kalaban ng bayan, at hindi uubra ang bayolenteng pagkilos ng walang alam--at sila nga ang isa sa dalahin ng bayan. Panahon ngayon ng mapayang intelektuwal na paglaban! Ang lahat ng ating isasakatuparang pagkilos ay pinag-aralan! Higit sa lahat, kailangan ang subok na organisasyon bilang behikulo ng daynamikong pagkilos! La Liga Filipina ang pinili ng tatlong dakilang bayani ng bayan: Dr. Jose Rizal, G*t Andres Bonifacio, at Atty. Apolinario Mabini! La Liga Filipina, Third Reestablishment sa ating panahon ang nararapat na itaguyod! Sulong sa intelektuwal at mapayapang pagkilos!