14/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฅฃ
Noong Agosto 8, 2026, nagdaos ang SK Hagonoy ng Sandok Kabataan Program sa Guiho St., Lupang Tagalog bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, kasama ang aming Little SK Council na isa sa mga flagship program ng SK Hagonoy.
Sa kabila ng maulang umaga, mahigit 150 cups ng mainit na sopas ang naipamahagi sa ating mga kabarangay, habang 50 kabataan edad 6โ10 ang nakatanggap ng kanilang Baon Packs.
Nais din naming ipaliwanag na ang Sangguniang Kabataan ay may mandato para sa kabataang edad 15 hanggang 30 years old. Dahil dito, ang mga Programa, Proyekto, at Aktibidad ng SK ay pangunahing nakatuon sa nasabing age bracket. Ang mga programang inilaan para sa mga kabataang 14 years old pababa ay kusang-loob na inihahandog ng SK Hagonoy upang maisama rin sila sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan. Hindi man sila sakop ng mandato ng SK, mahalaga sila sa amin at nais naming maramdaman nilang bahagi sila ng ating selebrasyon.
Kaugnay nito, nais din naming pabulaanan at linawin ang anumang maling impormasyon na ipinapakalat kaugnay ng pamamahagi ng Baon Packs. Ang bilang ng Baon Packs ay itinakda sa 50 beneficiaries lamang, at malinaw na naka post sa page ng SK Hagonoy, kaya hindi po lahat ng dumalo ay maaaring mabigyan. Nauunawaan namin ang pagkadismaya ng mga magulang na hindi naabutan, ngunit umaasa kami sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.
Walang ibang layunin ang SK Hagonoy kundi ang makapaghatid ng simpleng tulong at saya sa ating mga kabataan. Ang bawat programa ay may itinakdang bilang, mekanismo, at limitasyon na kailangang sundin upang maging maayos at patas ang pamamahagi.
Sa SK Hagonoy, hindi lamang namin ipinagdiriwang ang Linggo ng Kabataanโsinisikap din naming maging patas, malinaw, at responsable sa bawat programang ipinagkakatiwala sa amin.
Lagiโt lagi Para sa Kabataang Hagonoy! โจ