23/04/2026
Naalala niyo pa ba ito?
Throwback Thirstday: BACKMASKING
Noong Dekada NoBenta ay may mga grupong gumagawa ng propagandang kumakalaban sa mga awiting likha ng mga bandang nabibilang sa Alternatibong Pinoy. May religious (daw) group na nagpakalat sa media na kampon daw ng kadiliman ang mga bandang iniidolo ng mga kabataan. Kasama sa listahan ang Rivermaya, Eraserheads, at ang Yano. Heto ang mga interpretasyon ng mga pilosopo tsayong nagpakalat ng walang kuwentang balita:
"Banal na A*o, Santong Kabayo", normal: "...natatawa ako hihihihi... sayo!"
"Banal na A*o, Santong Kabayo", backmasked: "oyas... ihihihih awatatan" na ang interpretasyon nila ay "oh yesss... hehehe our satan...".
"Awit ng Kabataan", normal: "Ang awit ng kabataan, ang awit ng panahon...Hanggang sa kinabukasan, awitin natin ngayon..."
"Awit ng Kabataan", backmasked:"noo'y kami'y naniniwala, natatawa kaming dalawa...o, ama, walang tiwala, lahat na ay walang tiwala..."
"Overdrive", normal: "Gusto kong matutong mag-drive (kahit na walang kotse)...Gusto kong matutong mag-drive (kahit na wlang lisensya)..."
"Overdrive", backmasked: "p**a mo, hesus...p**a mo hesus..."
Nandito ang buong kuwento: https://no-benta.blogspot.com/2009/11/back-rider-mask-kampon-ng-kadiliman.html?m=1