26/03/2026
ANG SK UPPER BICUTAN AY ππππππ ππππππππππ, ππππππππππππ, ππ πππππππ π
ππππβΌοΈ
Bilang bahagi ng aming transparency at accountability, ipinababatid ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Upper Bicutan sa pamumuno ni SK Chairman Ivan Guzman at buong konseho, na sa aming panunungkulan, wala pong naitalang suspension, disallowance, o anumang kaso o reklamo laban sa aming tanggapan o sa alinmang miyembro ng konseho.
Ipinagmamalaki po namin na ang lahat ng aming mga programa, proyekto, at aktibidad ay naisagawa ayon sa itinakdang batas, alituntunin, at tamang proseso ng pamahalaan. Ang bawat pondo ay ginamit nang maayos, tapat, at may buong pagsunod sa prinsipyo ng transparency, efficiency, at integrity.
Patuloy po naming isusulong ang mga proyektong may saysay at direktang nakikinabang ang mga kabataan ng Barangay Upper Bicutan, habang tinitiyak na ang bawat hakbang ay may pananagutan at malinaw sa mata ng publiko.