25/12/2025
🎄✨ Pamaskong Handog: Through the Years ✨🎄
Taon-taon, iisa ang layunin ng Pamaskong Handog: maghatid ng bigas, grocery packs, at pag-asa sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa iba’t ibang komunidad. Sa bawat barangay na napuntahan, mula lungsod hanggang probinsya, dala-dala ang parehong mensahe ng malasakit, bayanihan, at pagmamahal.
Hindi man laging nakikita sa social media ang bawat preparasyon at pagod sa likod ng programa, patuloy ang tradisyong ito dahil sa suporta ng mga pamilya, volunteers, partners, at donors na naniniwalang dapat may Pasko para sa lahat.
Mula sa Pamaskong Handog family, isang taos-pusong Merry Christmas sa inyong lahat. Habang may nangangailangan, mananatiling bukas ang puso para magbahagi. 💙