Waterlily Brgy. Ususan Taguig Neighborhood Association Inc.

Waterlily Brgy. Ususan Taguig  Neighborhood Association Inc. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Waterlily Brgy. Ususan Taguig Neighborhood Association Inc., Community Organization, Sitio Pusawan Brgy. Ususan, Taguig.

Maligayang Kaarawan po, Mahal naming Pangulo!Maraming salamat po sa inyong matibay na pamumuno, malasakit, at walang saw...
15/07/2026

Maligayang Kaarawan po, Mahal naming Pangulo!
Maraming salamat po sa inyong matibay na pamumuno, malasakit, at walang sawang paggabay sa aming lahat dito sa Waterlily. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, masaganang biyaya, at mas marami pang taon na puno ng ligaya. Isang mapagpalang kaarawan po sa inyo !

admin - Jhen 🦋

04/07/2026

PAALALA SA BUWANANG KONTRIBUSYON

Sa lahat ng miyembro ng Waterlily Barangay Ususan Taguig Neighborhood Association Inc.,

Magandang araw po!

Nais naming ipaalala na mayroon pa pong mga hindi pa nakababayad ng kanilang Monthly Dues para sa mga buwan ng:
✅ Mayo 2026
✅ Hunyo 2026
✅ Hulyo 2026

Ang mga pondong ito ay ginagamit para sa pagpapanatili ng kaayusan,at paglalakad ng mga dokumento ng ating asosasyon at mga proyekto sa ating lugar.

Maaaring magbayad sa ating mga opisyal o itinalagang kolektor. Kung may katanungan o nais ng ibang paraan ng pagbabayad, huwag mag-atubiling magtanong.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta!

Lubos na Gumagalang,
Pamunuan ng

Waterlily Barangay Ususan Taguig Neighborhood Association Inc.

-admin Jhen 🦋

24/05/2026

PAUNAWA: MAGING ALERTO SA PALIGID – LALO NA SA PANGANIB NG SUNOG

Sa lahat ng mamamayan at meyembro ng asosasyon :

Hinihikayat po ang bawat isa na manatiling mapagmasid, maingat, at alerto sa inyong paligid sa lahat ng oras. Bigyan po natin ng espesyal na pansin ang pag-iingat laban sa sunog, dahil ito ay isa sa mga pangunahing sanhi ng panganib

Mangyaring bantayan at gawin ang mga sumusunod:
✅ Bantayan ang mga posibleng sanhi ng sunog:

- Mga luma, sira, o maluwag na kable ng kuryente at saksakan

- Sobrang init ng mga gamit o kagamitang de-kuryente

- Amoy ng gas o pagtagas ng gasul

- Mga bagay na madaling masunog (papel, tela, gasolina, kerosene) na inilalapit sa kalan, ilaw, o pinagmumulan ng init

- Mga upos ng sigarilyo na hindi pinatay nang maayos
✅ Mga Dapat Tandaan:

- Huwag iwanang walang bantay ang niluluto o nakasinding apoy/kandila

- Tanggalin sa saksakan ang mga gamit kapag hindi ginagamit

- Huwag siksikan ang mga kagamitan sa iisang saksakan

- Panatilihing malinis at walang harang ang mga daanan at labasan
✅ Kapag may nakita kayo:

- Agad na iulat sa mga tanod, kinauukulan, o pinakamalapit na istasyon ng bumbero kapag nakakita ng usok, amoy na kakaiba, o senyales ng pagkakaroon ng apoy

- Huwag mag-panic at alamin ang mga daanan palabas ng lugar

Ang pagiging alerto at maagap ay malaking tulong upang maiwasan ang sakuna at mapanatili ang kaligtasan ng ating lahat.

Maraming salamat po at manatiling ligtas!

WATERLILY BARANGAY USUSAN TAGUIG NEIGHBORHOOD ASSOCIATION INCORPORATION

-admin Jhen 🦋

15/05/2026

⚠️ PAALALA SA LAHAT 🌧️

Mag-ingat po tayong lahat ngayon dahil malakas ang ulan. Lalo na po sa mga nakasilong o nakatira gamit ang trapal sa Block 1, siguraduhing matibay at maayos ang pagkakakabit nito upang hindi mapunit, matangay ng hangin, o makapasok ang tubig-ulan.

Suriin din po agad kung may mga butas o tagas ang inyong silungan para hindi mabasa ang inyong mga gamit at kagamitan. Kung sa tingin niyo ay hindi na sapat o ligtas ang inyong kinalalagyan, huwag po mag-atubiling lumipat muna sa mas ligtas na lugar.

Ingat po tayong lahat at manatiling alerto! 🙏

Address

Sitio Pusawan Brgy. Ususan
Taguig
1630

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Waterlily Brgy. Ususan Taguig Neighborhood Association Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share