29/09/2026
Para sa aming mga minamahal ng mga taga SENAI
Taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin sa aming pagiging abala at sa hindi namin pagiging gaanong aktibo sa mga nakaraang buwan. May mga pagkakataong kinailangan naming unahin ang iba't ibang responsibilidad at personal na bagay, kaya hindi namin naibigay ang oras at presensya na nakasanayan ninyo mula sa amin.
Nauunawaan namin na may mga taong naghihintay at umaasa sa aming mga aktibidad at events. Maraming salamat sa inyong pasensya, pang-unawa, at patuloy na paghihintay.
Nais naming ipabatid sa lahat na hindi natatapos dito ang aming mga plano at gawain. Ang mga events at aktibidad na inyong hinihintay ay itutuloy pa rin ng SYC.
Maaaring naging tahimik kami sa ilang buwan, ngunit hindi ibig sabihin nito na nakalimutan na namin ang aming komunidad at ang mga taong nais naming paglingkuran.
Wala kaming hinihinging kapalit. Ang aming hangad lamang ay makapagbigay ng saya, tulong, pagkakaisa, at magandang alaala sa mga taga-SENAI sa abot ng aming makakaya.
Humihingi kami ng paumanhin sa aming mga pagkukulang at sa mga pagkakataong hindi kami naging present. Hindi man kami naging aktibo sa lahat ng oras, hindi kailanman nawala ang aming malasakit at hangaring maglingkod at makapagpasaya.
Maraming salamat sa mga taong patuloy na umunawa, naghintay, at naniwala sa amin. Ang inyong suporta ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy kaming nagpapatuloy.
Ang mga pinakahihintay ninyong events ay muling ating pagsasaluhan. At sa bawat programang aming gagawin, sisikapin naming ibigay ang aming makakaya—buong puso, buong sipag.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.
-SENAI Youth Club