Philippines Redmond Missionary Services Inc.

Philippines Redmond Missionary Services Inc. Established in 2016, PRMS is a non-denominational Christian missionary organization, registered and licensed under DSWD as an Auxiliary SWDA.

A  ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ  to all our PRMS families, staff, and friends! ๐ŸŽ‡We thank our Lord Jesus Christ for the end of a blesse...
31/12/2025

A ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ to all our PRMS families, staff, and friends! ๐ŸŽ‡

We thank our Lord Jesus Christ for the end of a blessed 2025. May His love and grace reign in our hearts as we welcome a new year ahead! โœจ๐Ÿ’–

24/12/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ฉ๐จ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ! ๐Ÿ˜Š

Kahapon ay naibahagi namin ang video ng Christmas performance ng mga benepisyaryo, kung saan ipinaliwanag ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Ngayon, ating balikan: Ano po ba ang kahulugan ng ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ (๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€)? Ano po ba ang kuwento ng Pasko? Narito po ang isang buod sa wikang Filipino, para mas malinaw at madaling maunawaan ng lahat, lalo naโ€™t ang video ay nasa English:

Ang kuwento ng Pasko ay nagsasalaysay tungkol sa pag-ibig ni Hesu Kristo. Si Hesus ay Diyos Mismo, ngunit Siya ay bumaba mula sa langit patungo sa mundong ito bilang Tao. Siya ay dumating bilang isang sanggol, isinilang sa Bethlehem, sa sinapupunan ni Maria. Ang Kanyang pangalan, ayon sa hula ng propetang si Isaias, ay Emmanuel โ€” na ang ibig sabihin ay โ€œKasama natin ang Diyos.โ€

Dumating si Hesus sa mundong ito upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Siya ay namatay sa krus bilang pagsunod sa kalooban ng Kanyang Amang nasa langit, at pinasan Niya ang hatol at mga bunga ng ating mga kasalanan. Sa krus, ipinakita Niya ang Kanyang matuwid na pag-ibig, pati na rin ang Kanyang ganap na pagsunod at lubos na pagtitiwala sa Ama.

Ngunit sa halip na basta na lamang magpakita bilang isang tao sa lupa, ang ating Panginoong Hesu Kristo ay nagpakumbaba at pinili ang pinaka-mahina at pinaka-dependent na kalagayan โ€” bilang isang munting sanggol sa sinapupunan ni Maria. Naranasan Niya ang buong buhay ng isang tao mula kapanganakan hanggang kamatayan, kabilang ang sakit, gutom, at kalungkutan.

Si Hesus ay Diyos Mismo, Hari ng mga hari, ngunit hindi Siya isinilang sa isang palasyo o sinalubong ng buong mundo. Ang Kanyang higaan ay isang malamig at matigas na sabsaban na ginagamit ng mga hayop sa pagkain. Sina Jose at Maria ay napakahirap; wala man lamang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan. Ilang mahihirap na pastol lamang ang dumalaw sa ating Panginoong Hesus noong gabi ng Kanyang kapanganakan. Dalawang matatanda lamang โ€” sina Simeon at Ana โ€” ang naghihintay sa Kanya sa templo.

Ang ating Panginoon ay hinamak at itinakwil sa buong panahon ng Kanyang pamumuhay sa lupa. Iilan lamang ang sumunod sa Kanya, at iniwan Siya ng lahat nang Siya ay dalhin sa krus na parang isang Kordero na dadalhin sa patayan. Siya ay inapi at pinahirapan, ngunit hindi Siya nagbuka ng Kanyang bibig โ€” ayon ito sa aklat ni Isaias.

Ginawa ng ating Panginoong Hesus ang lahat ng ito para sa atin. Pinasan Niya ang ating mga kasalanan at kahihiyan, at Siya ay pinabayaan pa maging ng Kanyang Amang nasa langit sa sandaling iyon sa krus. Ginawa Niya ito upang wala ni isa man sa atin ang makapagsabi na tayo ay pinabayaan ng Diyos. Dinirinig ni Hesus ang ating mga panalangin, at ibinigay Niya sa bawat isa sa atin ang Kanyang ganap na Buhay bilang biyaya. Sa biyaya tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Wala tayong kailangang gawin kundi tanggapin ang Kanyang buhay at ang Kanyang pag-ibig.

Sa ngayon, hindi man natin nakikita si Hesus nang harapan, Siya ay naririto. Ipinangako Niya na Siya ay laging sasaatin. Ipinangako Niya ang Kanyang pag-ibig, kapayapaan, at kagalakan.

Kamangha-mangha, at iyan ang tunay na kahulugan ng Pasko. Ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa pamimigay ng regalo, mga handaan, o dekorasyonโ€”at lalong hindi tungkol sa Christmas tree, reindeer, o Santa Claus. Ngunit nakalulungkot, madalas nating nakakalimutan ito, at ang naaalala na lamang natin ay ang mga regalo, pagkain, at awitan.

Ang pag-alala at pagdiriwang ng Pasko ay hindi lamang dapat gawin minsan sa isang taon tuwing Disyembre 24 o 25. Ito ay dapat ipagdiwang araw-araw sa ating mga puso habang inaalala natin ang tunay nitong kahulugan.

Ngayong Pasko, alalahanin natin na ang Pasko ay tungkol sa kung sino si Hesus, kung bakit Siya dumating sa mundong ito, at kung paano Siya dumating. Ito ay tungkol sa Kanyang pag-ibig โ€” isang pag-ibig na nais Niyang makilala natin. Nilalang Niya tayo upang makilala ang Kanyang pag-ibig at upang makilala kung sino Siya.

Maraming salamat po sa panonood ng video kahapon โ€“ ๐—ฃ๐—ฅ๐— ๐—ฆ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ. Nawaโ€™y magkaroon tayong lahat ng isang mapagpalang Pasko. Pagpalain nawa tayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ang inyong pamilya.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ’โœจ๐ŸŒŸ

23/12/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ฉ๐จ ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ! ๐Ÿซถ

Ito po ang ๐—ฃ๐—ฅ๐— ๐—ฆ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, isang special performance mula sa mga benepisyaryo ng PRMS. Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng 62 benepisyaryo na nag-participate sa pag-record ng video na ito, pati na rin sa aming mga teachers at staff na nagtrabaho nang mabuti para maisakatuparan ito.

Higit sa lahat, nagpapasalamat po kami sa ating Panginoong Hesu Kristo sa Kanyang pagibig, biyaya, at mga pagpapala. Tunay pong naging isang kahanga-hanga at pinagpalang taon sa ilalim ng Kanyang patnubay at pagkakaloob. Napakarami po naming dahilan para magpasalamat.

Nawaโ€™y maging blessing po sa ating lahat ang Christmas video na ito, lalo na habang mas naiintindihan natin ang true meaning ng Pasko at kung bakit natin ito ipinagdiriwang.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ฑ! โœจโค๏ธ

๐“๐‡๐„ ๐–๐€๐ˆ๐“ ๐ˆ๐’ ๐€๐‹๐Œ๐Ž๐’๐“ ๐Ž๐•๐„๐‘!One more day to go, and the PRMS Christmas Performance 2025 will be posted on this page! ๐Ÿ’
22/12/2025

๐“๐‡๐„ ๐–๐€๐ˆ๐“ ๐ˆ๐’ ๐€๐‹๐Œ๐Ž๐’๐“ ๐Ž๐•๐„๐‘!

One more day to go, and the PRMS Christmas Performance 2025 will be posted on this page! ๐Ÿ’

PRMS Christmas Video 2022 ๐Ÿ˜ŠStay tuned po for this year's video (next week)! โค๏ธ
20/12/2025

PRMS Christmas Video 2022 ๐Ÿ˜Š

Stay tuned po for this year's video (next week)! โค๏ธ

PRMS Christmas Program 2022Many thanks to all the parents, families, and children of PRMS, to the staff and members of PRMS, and most especially to our Lord ...

14/12/2025
Photoshoot? ๐Ÿ˜„
06/12/2025

Photoshoot? ๐Ÿ˜„

Maraming salamat po sa ating Panginoon Hesukristo โ€” sa Kanyang biyaya at sa lahat ng blessings Niya. Nagpapasalamat kami...
21/11/2025

Maraming salamat po sa ating Panginoon Hesukristo โ€” sa Kanyang biyaya at sa lahat ng blessings Niya. Nagpapasalamat kami na pinagpala Niya tayo sa nakalipas na walong taon. Walong taon na po talaga mula noong first day ng klase noong 2017. Ngayon po ang 8th year anniversary ng PRMS.

Nakakatuwa po talaga makita na masaya ang lahat at nag-enjoy sa Vikings Luxury Buffet, SM BF Paraรฑaque at sa Quantum Arcade. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Šโค๏ธ๏ธโค๏ธ๏ธ

Address

Bagumbayan
Taguig
1632

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm
Saturday 9am - 6pm
Sunday 9am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippines Redmond Missionary Services Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share