The House and Senate Insider

The House and Senate Insider Ganap sa senate at house, pag-usapan natin yan

Ikalawang Pakiusap ni Revilla na Mag-inhibit ang Hukom, IbinasuraHindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang ikalawang hiling...
30/09/2026

Ikalawang Pakiusap ni Revilla na Mag-inhibit ang Hukom, Ibinasura

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang ikalawang hiling ni Ramon “B**g” Revilla Jr. na mag-inhibit si Associate Justice Karl Miranda sa kanyang malversation case.

Ayon sa korte, hindi sapat ang hinala o alegasyon ng pagkiling para alisin ang isang hukom sa kaso. Walang nakita ring malinaw na ebidensiya na may personal na interes si Miranda sa kaso.

Mga alegasyon ni Gracioso, posibleng isama sa impeachment case ni VP Sara.Ayon sa House prosecution, maaaring pag-aralan...
30/09/2026

Mga alegasyon ni Gracioso, posibleng isama sa impeachment case ni VP Sara.

Ayon sa House prosecution, maaaring pag-aralan ang mga pahayag ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. tungkol sa umano’y paghahatid ng pera sa ilang miyembro ng pamilyang Duterte kung mapatutunayang totoo.

Titingnan din kung may kaugnayan ang mga alegasyon sa usapin ng umano’y hindi naideklarang yaman ni Vice President Sara Duterte sa kanyang SALN.

CAYETANO AT GO, SUMUPORTA KAY BASTE SA IMPEACHMENT TRIALIpinagtanggol nina Senator-Judge Alan Peter Cayetano at Sen. B**...
30/09/2026

CAYETANO AT GO, SUMUPORTA KAY BASTE SA IMPEACHMENT TRIAL

Ipinagtanggol nina Senator-Judge Alan Peter Cayetano at Sen. B**g Go si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos kuwestiyunin ng prosecution ang hindi niya personal na pagsusuri sa mga dokumento ng mga kontrata ng lungsod.

Ayon kay Cayetano, hindi kailangang personal na suriin ng isang mayor ang bawat dokumento dahil maaari siyang umasa sa mga awtorisadong opisyal at sa kanilang mga pirma.

Giit naman ni Go, “Imposible” para sa isang mayor na isa-isahin ang lahat ng dokumento dahil sa dami ng transaksyon ng isang malaking lungsod.

MAYOR BASTE DUTERTE, HUMARAP SA IMPEACHMENT COURTHumarap si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang testigo sa...
29/09/2026

MAYOR BASTE DUTERTE, HUMARAP SA IMPEACHMENT COURT

Humarap si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang testigo sa ika-31 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga business interests ni VP Sara at ang mga transaksyon ng GenCorp Industries sa Davao City. Itinalaga rin ng impeachment court si Baste bilang hostile witness ng prosecution.

TRILLANES AT BASTE, MAGKASAMA SA ISANG SILIDNasa Senado si dating Sen. Antonio Trillanes IV habang humaharap bilang test...
29/09/2026

TRILLANES AT BASTE, MAGKASAMA SA ISANG SILID

Nasa Senado si dating Sen. Antonio Trillanes IV habang humaharap bilang testigo si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa ika-31 araw ng impeachment trial ni VP Sara Duterte.

Samantala, pinayuhan ng impeachment court ang prosecution na unahin muna ang mga testigo at rekord mula sa AMLC at mga bangko bago iharap si Trillanes sa witness stand.

“Kailan pa napunta sa Leyte ang Taguig?”Hinamon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si DPWH Secretary Vince Dizon na ipaliwana...
28/09/2026

“Kailan pa napunta sa Leyte ang Taguig?”

Hinamon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si DPWH Secretary Vince Dizon na ipaliwanag ang isang proyekto sa Taguig kung saan ang mga geotagged na litrato sa billing documents ay may coordinates na tumutukoy umano sa Leyte.

Ayon kay Lacson, lumabas mismo sa DPWH inspection report na hindi tumutugma ang coordinates sa aktuwal na lokasyon ng proyekto. Iginiit niya na kailangan itong ipaliwanag kasunod ng pahayag ni Dizon na walang ghost projects sa Taguig.

Velasco, mariing itinanggi ang alegasyong ₱2 bilyon ang ipinadalang cash kay VP Sara.Itinanggi ng kampo ni dating House ...
28/09/2026

Velasco, mariing itinanggi ang alegasyong ₱2 bilyon ang ipinadalang cash kay VP Sara.

Itinanggi ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang alegasyon na sangkot siya sa umano’y paghahatid ng mga maleta ng pera kay Vice President Sara Duterte noong 2018.

Ayon sa kanyang kampo, may mga hindi tugmang detalye sa affidavit ni Cpl. Rodulfo Gracioso Jr. Samantala, sinabi ni Robert Ace Barbers na posibleng ipaubaya sa Ombudsman ang imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan sa alegasyon.

Robin Padilla, dumating sa DOJ para sa preliminary investigation.Humarap si Senator Robin Padilla sa Department of Justi...
25/09/2026

Robin Padilla, dumating sa DOJ para sa preliminary investigation.

Humarap si Senator Robin Padilla sa Department of Justice sa Maynila ngayong Setyembre 25 kaugnay ng reklamong obstruction of justice laban sa kanya.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y pagtulong niya kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaalis sa Senado.

Leandro Leviste, kasama si Loren Legarda habang nagpapagamot sa France.Ayon sa tagapagsalita ni Sen. Loren Legarda na si...
25/09/2026

Leandro Leviste, kasama si Loren Legarda habang nagpapagamot sa France.

Ayon sa tagapagsalita ni Sen. Loren Legarda na si Tony La Viña, kasalukuyang kasama ng senador sa France si Rep. Leandro Leviste upang tumulong sa kanyang mga pangangailangang medikal.

Naka-medical leave si Legarda mula Agosto 3. Sinabi ni La Viña na matagal na umanong nararanasan ng senador ang kanyang kondisyon at maaaring lumala kapag may stress o tensyon.

Padilla, nakatakdang humarap sa DOJ kaugnay ng kaso sa pag-alis ni Bato dela Rosa.Inaasahang haharap si Sen. Robinhood P...
24/09/2026

Padilla, nakatakdang humarap sa DOJ kaugnay ng kaso sa pag-alis ni Bato dela Rosa.

Inaasahang haharap si Sen. Robinhood Padilla sa DOJ hearing ngayong Setyembre 25 kaugnay ng reklamo ng obstruction of justice laban sa kanya at kay Lt. Col. Jean Alla Yasin Robles.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa umano’y pagtulong kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaalis sa Senado noong Mayo 14.

Sa impeachment trial ni VP Sara Duterte, sinabi ni Padilla: “I don’t know what will happen next. I might miss all of you.”

Address

Taguig City
1634

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The House and Senate Insider posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share