05/08/2026
๐๐ต๐ญ Agosto ng Pagkilala at Pagpapahalaga
Nakikiisa ang The BooK NooK HNU, Tagbilaran sa paggunita at pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Buwan ng Kasaysayan, at Araw ng mga Bayani.
Sa bawat pahina ng aklat ay mababanaag ang mayamang kultura, makulay na kasaysayan, at kabayanihang humubog sa ating bansa. Halina't tuklasin ang aming koleksiyon at sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pagbabasa.
Magbasa. Matuto. Pahalagahan ang ating wika, kasaysayan, at mga bayani.