TagSci Sikhay Club - Tagaytay City Science NHS - ISHS

Directions

TagSci Sikhay Club - Tagaytay City Science NHS - ISHS The Official page of SIKHAY - Samahan ng mga Isipang Kumikilos para sa Historya, Araling Panlipunan, at Yamang-bayan (TCSNHS - ISHS)

Teachers donโ€™t just teach historyโ€”they help shape the minds that will carry it forward and someday become part of it. ๐Ÿ“œT...
15/09/2026

Teachers donโ€™t just teach historyโ€”they help shape the minds that will carry it forward and someday become part of it. ๐Ÿ“œ

This Teachersโ€™ Month, we honor not only the teachers who became part of our history, but every teacher who continues to guide, inspire, and shape the next generation. ๐Ÿ•ฏ๏ธ

From Jose Rizal, Teresa Magbanua, Nieves Fernandez, Teodoro Asedillo, and Josefa Llanes Escoda, we are reminded that a teacherโ€™s influence can reach far beyond the classroom. Through their courage, service, and devotion to the nation, they left lessons that history will never forget. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Today, we celebrate every teacher who gives their time, patience, and heart to help their students grow. Your lessons may begin in the classroom, but the wisdom you leave behind can continue to shape the lives of those you teach. ๐ŸŒฑ

Happy Teachersโ€™ Month to all our teachers! May the lessons you leave behind live on in the minds you have shaped, the lives you have touched, and the history they will one day help write. โœ๏ธโœจ






โœ๐Ÿป : Joan Mae Ramirez | Grade 9 Representative
๐Ÿ’ป : Jessie Kaline Chavez | Undersecretary of Public Information

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—˜ ๐Ÿ”ฅAs National History Month comes to an end, the results for SIKHAY'...
03/09/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—˜ ๐Ÿ”ฅ

As National History Month comes to an end, the results for SIKHAY's Debate-Panlipunan Eliminations (G9) last August 14 are now here.

And as the boat of history enters a new month, so too does it cross a new chapter, as the Buwan ng Kasaysayan Finals is set for tomorrow, September 4, 2026!

In order to be guided accordingly, the following event primers below this post will serve as a reference for our upcoming events in the finale.







โœ๐Ÿป : Jan Ardee Magboo | President
๐Ÿ’ป : Tea Kylle Danielle Diokno | Secretary of Public Information

๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ | ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong Agosto 31, ginugunita natin ang Pambansang Araw ng mga Bayani, isang...
31/08/2026

๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ | ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Agosto 31, ginugunita natin ang Pambansang Araw ng mga Bayani, isang regular na pambansang holiday na ipinagdiriwang tuwing huling Lunes ng Agosto sa bisa ng Republic Act No. 9492. Nagsimula ang hiwalay na pambansang paggunita sa mga bayani sa bisa ng Act No. 3827 noong 1931, na itinakda ang huling Linggo ng Agosto bilang araw ng paggunita sa mga bayaning Pilipino.

Ang petsang ito ay malapit sa mahahalagang pangyayari ng Himagsikang 1896, mula sa Sigaw ng Pugad Lawin noong Agosto 23 hanggang sa Labanan sa Pinaglabanan noong Agosto 30. Ngunit ang Pambansang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang para kina Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Jose Rizal, Apolinario Mabini, o iba pang tanyag na pangalan. Saklaw nito ang mga kilalang bayani at mga Pilipinong hindi man nabanggit sa mga aklat, ay nag-ambag sa kalayaan, pagkakakilanlan, at pag-unlad ng bayan.

Ang kabayanihan ay hindi nagtatapos sa larangan ng digmaan. Makikita ito sa katapatan sa tungkulin, paglilingkod sa kapwa, pagtatanggol sa bayan, at paninindigan para sa kabutihang panlahat. Sa pag-alala sa mga bayani ng nakaraan, kinikilala rin natin ang mga bayani ng kasalukuyan, at ang pananagutang ipagpatuloy ang kanilang iniwang diwa.

"Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan"







๐Ÿ’ป : Collaboration of โ€”
โ€ข Tea Kylle Danielle Diokno (Background) | Secretary of Public Information
โ€ข Jan Ardee Magboo (Front Elements) | President
โœ๐Ÿป : Jan Ardee Magboo | President
๐Ÿ“ท : Gathered through the web; all copyrights reserved to their respective owners, with no copyright infringement intended.

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก | ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—˜, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿต๐Ÿฒ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโš”๏ธSa eksaktong araw na ito, Agosto 30, taong 1896, sumiklab ang Lab...
30/08/2026

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก | ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—˜, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿต๐Ÿฒ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโš”๏ธ

Sa eksaktong araw na ito, Agosto 30, taong 1896, sumiklab ang Labanan sa San Juan del Monte, isa sa mga unang malalaking labanan ng Himagsikang Pilipino ng 1896. Sa pangunguna nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, tinangka ng mga Katipunero na makuha ang Polvorรญn at El Depรณsito sa San Juan del Monte, mga estratehikong pasilidad na mahalaga sa suplay ng armas at tubig ng mga Espanyol sa Maynila.

Bagamaโ€™t hindi nakuha ng mga Katipunero ang kanilang mga pangunahing layunin at humigit-kumulang 153 Pilipino ang nasawi, ipinakita ng labanan ang paglipat ng Katipunan mula sa lihim na kilusan tungo sa lantad na armadong himagsikan. Ang sagupaan ay bahagi ng mabilis na paglawak ng Himagsikang 1896 matapos mabunyag ang Katipunan at magsimula ang mga pag-aalsa laban sa pamahalaang kolonyal.

Ang Pinaglabanan ay hindi lamang alaala ng isang pagkatalo. Isa itong mahalagang yugto sa paghubog ng kamalayang makabansa at armadong paglaban para sa kasarinlan, patunay na ang himagsikan ay hindi binuo ng iisang labanan, kundi ng magkakasunod na pasya, sakripisyo, at paninindigan ng mga Pilipino.







โœ๐Ÿป & ๐Ÿ’ป : Jan Ardee Magboo | President
๐Ÿ“ท : Zean Q. Coniega / NEU-COC | Photos contributed to Eagle News Service

๐Ÿ›๏ธ ๐——๐—˜๐—•๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก | ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐Ÿ—ฃ๏ธMga tinig, paninindigan, at matitibay na argumento ang nanaig sa Eliminations ng D...
28/08/2026

๐Ÿ›๏ธ ๐——๐—˜๐—•๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก | ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐Ÿ—ฃ๏ธ

Mga tinig, paninindigan, at matitibay na argumento ang nanaig sa Eliminations ng Debate Panlipunan para sa Buwan ng Kasaysayan noong nakaraang ika-14 ng Agosto, kung saan nagsama-sama ang mga mag-aaral ng Grade 9 upang subukin hindi lamang ang kanilang kaalaman, kundi pati ang kanilang kakayahang magsuri, mangatwiran, at makipagpalitan ng pananaw sa mahahalagang usaping panlipunan.

Sa pamamagitan ng Modified Oxford-Oregon Debate Format, hinarap ng bawat koponan ang mga paksang nangangailangan ng mabilis na pag-iisip, malinaw na ebidensiya, at matatag na paninindigan. Higit sa kompetisyon, nagsilbing pagsasanay ang debate sa pagiging mapanuri, makatuwiran, at responsableng mamamayan
Sa bawat argumento, may kaalamang nabubuo. Sa bawat pagtutol, may pananaw na nahahasa. At sa bawat tinig na naririnig, patuloy na nabubuhay ang diwa ng Buwan ng Kasaysayan.

See you at the Semifinals and Finals on September 4! ๐Ÿ†







โœ๐Ÿป : Jan Ardee Magboo | President
๐Ÿ’ป : Tea Kylle Danielle Diokno | Secretary of Public Information

โ˜€๏ธ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ ๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข | "The Filipino is worth dying for." โ€” ๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญTuwing ika-21 ng Agosto, ginugunita ng buong bansa an...
21/08/2026

โ˜€๏ธ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ ๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข | "The Filipino is worth dying for." โ€” ๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Tuwing ika-21 ng Agosto, ginugunita ng buong bansa ang Araw ni Ninoy Aquino upang bigyang-dangal ang buhay, sakripisyo, at pamana ng isa sa mga pinakamatatapang na simbolo ng demokrasya sa Pilipinas. Ang pambansang pangingilin na ito ay hindi lamang paggunita sa isang makasaysayang petsa, kundi isang pambansang paalala sa halaga ng kalayaan at sa walang katumbas na lakas ng mamamayan sa pagtatanggol sa katarungan at katotohanan.

Si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ay nanggaling mula sa pinakamatinding kritiko at pangunahing katunggali ng rehimeng Ferdinand E. Marcos Sr. Sa kabila ng mga taon ng imprisonment, pag-uusig, at pagkakatapon sa Estados Unidos, nanatili siyang matatag at walang takot na tinig na naglantad sa mga pang-aabuso ng Batas Militar, dahilan upang maging tanglaw siya ng pag-asa ng oposisyon at ng sambayanang naghahangad ng pagbabago.

Ang kanyang brutal na pagpaslang noong Agosto 21, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport ay nagbunga ng malawakang galit na nagbuklod sa mga Pilipino, na makikita sa kanyang libing kung saan tinatayang dalawang milyong katao ang nagmartsa sa kalsada, kasama ang kanilang mga dilaw na suot, mga dalang rosas, "yellow ribbon" (๐ŸŽ—๏ธ), at pagsenyas ng "L" (Laban) sa kanilang mga kamay. Ang sakripisyong ito ang naging mitsa ng kolektibong kilusan na kalaunan ay pumutok sa 1986 People Power Revolution at nagpanumbalik sa demokrasya ng ating bansa.







โœ๐Ÿป : Jan Ardee Magboo | President
๐Ÿ’ป : Jessie Kaline Chavez | Undersecretary of Public Information

๐Ÿ† ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป. ๐—œ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿ†Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2026, inihahandog ...
06/08/2026

๐Ÿ† ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป. ๐—œ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿ†

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2026, inihahandog ng SIKHAY Club ang tatlong pangunahing paligsahan na susubok sa pagkamalikhain, kaalaman, at mapanuring pag-iisip ng bawat Sayanista.

Basahin ang mga event primer upang malaman ang mga panuntunan, iskedyul, at iba pang mahahalagang detalye ng bawat paligsahan.

Tara na, makiisa at ipamalas ang husay sa sining, kaalaman, at pangangatwiran. Ang kasaysayan ay hindi lamang inaaral, kundi sinusuri, ina-alam, at isinasabuhay ang mga aral.







โœ๐Ÿป : Kim Xyriel Aniban | Executive Secretary
๐Ÿ’ป : Jan Ardee Magboo | President

  | ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ (๐—”๐—ฐ๐˜๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—จ๐—ป๐—ผ) ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“œNgayong Lunes, sa ating lingguhang Memorya ng Historya, g...
03/08/2026

| ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ (๐—”๐—ฐ๐˜๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—จ๐—ป๐—ผ) ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“œ

Ngayong Lunes, sa ating lingguhang Memorya ng Historya, ginugunita natin ang ika-128 anibersaryo ng Acta de Bacoor, na kilala rin bilang Acta Agosto Uno. Noong Agosto 1, 1898, sa Bacoor, Cavite, nagtipon ang mahigit 200 halal na pangulo ng bayan mula sa 16 na napalayang lalawigan upang lagdaan ang dokumentong inihanda ni Apolinario Mabini, bilang sama-samang pagpapahayag at pagpapatibay ng kasarinlan ng Pilipinas at ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Gen. Emilio Aguinaldo. Ang kaganapang ito ang kinikilala ngayon bilang Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng Republic Act No. 12073.

Mahalagang maunawaan ang kaibahan nito sa Acta de la Proclamaciรณn de Independencia del Pueblo Filipino, ang dokumentong isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista at binasa noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Bagama't iyon ang opisyal na pagpapahayag ng ating kalayaan, nilalaman nito ang pahayag na inilalagay ang Pilipinas sa ilalim ng "proteksiyon" ng Estados Unidosโ€”isang probisyong tinutulan nila Aguinaldo at Mabini, dahil maaari itong makasagabal sa ganap na soberanya ng bansa. Bilang tugon, inihanda ang Acta Agosto Uno, na naglatag ng mas malinaw na paninindigan para sa isang tunay na malaya at nagsasariling Republika ng Pilipinas.

Ang Acta de Bacoor ay nagpapaalala na ang kalayaan ay hindi lamang idinedeklara: ito ay pinagtitibay, ipinahahayag, at sama-samang ipinaglalaban ng sambayanan. Sa pag-aaral ng mga dokumentong ito, higit nating nauunawaan na ang kasaysayan ay hindi lamang tala ng nakaraan, kundi gabay sa pagpapanatili ng ating kalayaan at pambansang pagkakakilanlan.





โœ๐Ÿป & ๐Ÿ’ป - Jan Ardee Magboo | President

ยฉ Artwork imagery sourced from Project Vinta.

Love is in the air na talaga...Bring them flowers at mag-confess na! ๐Ÿซฃ๐”๐Š๐ˆ๐“'๐’ ๐•๐€๐‹๐„๐๐“๐ˆ๐๐„โ€™๐’ ๐†๐€๐“๐‡๐„๐‘๐ˆ๐๐† ๐€๐‹๐„๐‘๐“! ๐–๐žโ€™๐ซ๐ž ๐ฌ๐š๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐š...
12/02/2026

Love is in the air na talaga...
Bring them flowers at mag-confess na! ๐Ÿซฃ
๐”๐Š๐ˆ๐“'๐’ ๐•๐€๐‹๐„๐๐“๐ˆ๐๐„โ€™๐’ ๐†๐€๐“๐‡๐„๐‘๐ˆ๐๐† ๐€๐‹๐„๐‘๐“! ๐–๐žโ€™๐ซ๐ž ๐ฌ๐š๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐š ๐ฌ๐ฉ๐จ๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐˜๐Ž๐”! ๐Ÿฅฐ

๐Ÿ—“๏ธ ๐ŸŽ๐Ÿ/๐Ÿ๐Ÿ‘/๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ÿ“ ๐”๐Š๐ˆ๐“ | ๐๐š๐ญ๐ก๐ฐ๐š๐ฒ ๐ง๐ž๐š๐ซ ๐ฅ๐จ๐›๐›๐ฒ

๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช-๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ด??
๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข?? ๐Ÿ˜š
๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด??!
๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข "๐˜'๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ" ๐˜ฏ๐˜ข! ๐Ÿ™
Visit our booth to unlock new feelings! ๐ŸŽ‰ Share your message and find what you needed to hear ( pero wag mag-assume haa ) UKIT serves the right words, right gifts for you! ๐Ÿ˜‰

Tag your valentine (or your peers!) youโ€™re bringing along ๐Ÿ‘‡
See you there, Sayanistas! ๐Ÿ’–



๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ ๐ƒ๐€๐˜ | ๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ‘๐ŸŽSa paggunita ng Araw ni Rizal, inaalala natin ang buhay, mga isinulat, at dakilang sakripisyo ni ...
30/12/2025

๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ ๐ƒ๐€๐˜ | ๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ‘๐ŸŽ

Sa paggunita ng Araw ni Rizal, inaalala natin ang buhay, mga isinulat, at dakilang sakripisyo ni ๐˜ฟ๐™ง. ๐™…๐™ค๐™จ๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™–๐™˜๐™ž๐™ค ๐™๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ก, isang huwarang Pilipino na gumamit ng talino, edukasyon, at panulat bilang sandata laban sa pang-aapi at kawalan ng katarungan. Ang kanyang mga akda, gaya ng ๐˜•๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช ๐˜”๐˜ฆ ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ต ๐˜Œ๐˜ญ ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ฐ, ay nagsilbing mitsa ng kamalayang makabayan na nagbigay-liwanag sa landas tungo sa kalayaan ng ating bayan.

Higit pa sa pagiging isang pambansang bayani, si Rizal ay isang simbolo ng kahalagahan ng edukasyon, kritikal na pag-iisip, at mapayapang pakikibaka. Ipinapaalala ng kanyang buhay sa bawat mag-aaral na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa kaalaman, disiplina, at malasakit sa kapwa at sa bayan.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang diwa ni Rizal sa ating paaralan upang patuloy na hubugin ang mga kabataang may paninindigan, integridad, at pagmamahal sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng edukasyon, sama-sama nating itaguyod ang mga adhikaing kanyang ipinaglaban.



Address

Sungay West
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TagSci Sikhay Club - Tagaytay City Science NHS - ISHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share