11/07/2026
๐ DATI, Senior Bookkeeper at Disbursing Officer lang ang gumagawa niyan...
Ngayon, may Administrative Officer II (AO II) na sa maraming Implementing Units. Ngunit isang tanong ang madalas marinig sa mga paaralan:
Kung dati dalawang tao lang ang gumagawa ng mga gawaing ito, bakit tila mas marami pa ring trabaho ngayon?
Ang layunin ng post na ito ay hindi upang maliitin o sisihin ang sinumang posisyon. Sa halip, nais nitong buksan ang isang makabuluhang diskusyon tungkol sa workload distribution, role delineation, at organizational efficiency.
Noon, ang Senior Bookkeeper at Disbursing Officer ang humahawak hindi lamang ng financial management functions, kundi maging ng iba't ibang administrative tasks, HRMO functions, AAO functions, loan verification, at computation of employee benefits, bukod pa sa budgeting, accounting, financial reporting, at compliance sa COA at DBM.
Ngayon, habang may mga bagong plantilla na, mahalagang suriin kung:
โ๏ธ malinaw ba ang paghahati ng mga tungkulin;
โ๏ธ naaayon ba ang workload sa bawat posisyon; at
โ๏ธ tunay bang napapagaan ang trabaho sa Implementing Units.
Naniniwala ang National DepEd Senior Bookkeepers Association (NDSBA) na ang solusyon ay hindi lamang pagdaragdag ng tao, kundi ang pagkakaroon ng maayos na organizational structure, malinaw na role delineation, at tamang deployment ng mga plantilla positions upang maging mas episyente ang serbisyo sa ating mga paaralan.
Ang layunin ay hindi paghahambingin ang mga empleyadoโkundi pagbutihin ang sistema para sa kapakanan ng lahat.