EVSU - Kapisanan ng mga Estudyanteng Maka-Wika

EVSU - Kapisanan ng mga Estudyanteng Maka-Wika Ang page na ito ay nauukol sa mga aktibidades na isinagawa at isasagawa ng KEMW Organization.

๐Œ๐š๐š๐ฅ๐š๐› ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ž๐ ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ! ๐ŸŽ“โœจAng inyong tagumpay sa...
17/05/2026

๐Œ๐š๐š๐ฅ๐š๐› ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ž๐ ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ! ๐ŸŽ“โœจ

Ang inyong tagumpay sa March 2026 Board Exam ay bunga ng sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa edukasyon at karunungan. Mula sa mga silid-aralan ng pamantasan, dala ninyo ngayon ang mahalagang misyong humubog ng isipan, kakayahan, at kinabukasan ng kabataang Pilipino.

Patuloy ninyong pagningasin ang diwa ng kahusayan, kabutihan, at makabuluhang paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagtuturo.

๐‘ท๐’‚๐’…๐’‚๐’š๐’๐’, ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’–๐’“๐’ ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

โœ๏ธ: John Carlo Librando
๐Ÿ’ป: Gabriel Estopin

๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—งBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansa...
04/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก: ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan, buong husay na ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento at pagkamalikhain sa ginanap na "Poetry Writing" noong Abril 27, 2026 sa SAS Building ng Eastern Visayas State University. Sa bawat tulang kanilang nilikha, naipadama ang lalim ng damdamin, talas ng kaisipan, at ang taos-pusong pagpapahalaga sa sariling wika bilang sandigan ng identidad.

Sa naturang patimpalak, kinilala ang mga natatanging kalahok: Unang Gantimpala: Grace Jan Tablatin, Pangalawang Gantimpala: Leah Andrea R. Regis, Pangatlong Gantimpala: Ana May Badeo

Sinundan ito ng "Open Mic" noong Abril 28, 2026, kung saan tampok ang pagbabasa ng mga teksto mula sa panitikan o sariling likha, at muling nasilayan ang husay ng mga mag-aaral sa pagpapahayag at interpretasyon ng mga akda.

Narito ang mga kinilalang nagwagi: Unang Gantimpala: Geance Fernandez, Pangalawang Gantimpala: John Carlo Librando, Pangatlong Gantimpala: Arianne Grace Matas

Lubos ding pinasasalamatan ang hurado ng patimpalak na si Prop. Ramona Dizor kabilang si Bb. Riza Batucan sa kanilang mahalagang ambag, patas na paghusga, at suporta sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng panitikan.

Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang mga gawaing ito sa pagpapaigting ng pagpapahalaga sa panitikan at wikang Filipino bilang daluyan ng damdamin, kaisipan, at pagkakakilanlan ng kabataang Pilipino.

โœ๏ธ: John Carlo Librando
๐Ÿ’ป: Gabriel Estopin

๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐‹๐ˆ๐ ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒIsinagawa noong ika-24 ng Abril ang isang matagumpay at makabuluhang Extension ...
04/05/2026

๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐‹๐ˆ๐ ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ

Isinagawa noong ika-24 ng Abril ang isang matagumpay at makabuluhang Extension Activity na may temang โ€œPagsasanay sa Pagsasalin ng Teksto sa Modyul.โ€ Layunin ng programang ito na maipaliwanag at maibahagi sa mga kalahok ang mga modyul mula sa DSWD na isinalin sa mas angkop at nauunawaang wika.

Pinangunahan ang pagsasalin ng mga teksto nina Project Leader Raven C. Encina at Assistant Leader Jeremiah Sumilang, katuwang ang mga dalubg**o na sina Asso. Prof. Ma. Kim C. Morallos, Asso. Prof. Ligaya S. Ponce, Asso. Prof. Ramona A. Dizor, Asso. Prof. Raquel N. Romero, Bb. Riza B. Batucan, at Bb. Rose Ann Claire D. Reyes, kasama ang masisipag na mag-aaral ng BSF 3A.

Sa bahagi ng talakayan, malinaw at masusing ipinaliwanag ni Prop. Cristina C. Polancos ang nilalaman at kahalagahan ng mga naisaling modyul, na nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng epektibong pagsasalin sa komunidad.

Naging ganap na matagumpay ang programa sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga opisyales ng KEMW, habang mahusay na ginampanan ni G. Jofken Apoya, Jr. ang papel bilang tagapagdaloy ng programa.

Ang gawaing ito ay nagpapatunay na ang wika ay patuloy na nagsusulong ng kaalaman, kasanayan, at serbisyong may malasakit sa komunidad.

โœ๏ธ: John Carlo Librando
๐Ÿ“ท: Gabriel Estopin

26/04/2026
"๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ค๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ'๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐š"โ€Žโ€ŽNgayong Abril, sama-sama nating ipagdiwang ang ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„...
25/04/2026

"๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ค๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ'๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐š"
โ€Ž
โ€ŽNgayong Abril, sama-sama nating ipagdiwang ang ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป na may temang โ€œ๐๐ž๐ครซ๐ญ ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง: ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฐ๐ข๐ซ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐งโ€. Sa pangunguna ng ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ (๐—ž๐—˜๐— ๐—ช), katuwang ang ๐—˜๐—ป๐—ด๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜๐˜† (๐—˜๐—Ÿ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ), inihahandog ang isang makabuluhan at makulay na hanay ng mga gawain na magbibigay-buhay sa ating wika, kultura, at kamalayan.
โ€Ž
โ€ŽSimula sa ๐—”๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿณ hanggang ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿฑ, inaanyayahan namin ang buong komunidad ng unibersidad na makiisa sa ibaโ€™t ibang patimpalak at programaโ€”mula sa ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜, ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†, ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ฐ, ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐˜‡ ๐—•๐—ผ๐˜„๐—น, hanggang sa pinakahihintay na ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป na may kasamang ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ผ๐˜€๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†. Bawat gawain ay magsisilbing entablado ng talino, husay, at malasakitโ€”hindi lamang sa panitikan, kundi pati sa katuwiran at kalikasan.
โ€Ž
โ€ŽHindi lamang selebrasyon ng mga salita, kaugalian, at sining ang pagdiriwang na ito kundi isang panawaganโ€”upang gamitin ang panitikan bilang kasangkapan sa pag-unawa, pakikibahagi, at pagbabago.
โ€Ž
โ€ŽTingnan ang iskedyul ng mga aktibidad sa kalakip na paskil at manatiling nakaantabay para sa iba pang pabatid. โ€ŽHalinaโ€™t makibahagi, makilahok, at makibekรซt na!

Isalaysay ang saysay ng ating bayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng panitikan!
โ€Ž
โ€Ž๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

๐Ÿ’ป: Gabriel Estopin | Grapikong Disenyador

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ | ๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐€๐‹๐”๐Œ๐๐ˆโ€Žโ€ŽMagandang araw po sa inyong lahat!โ€Žโ€ŽSa lahat ng mga gradweyt ng ๐—•๐—ฎ๐˜๐˜€๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฒ๐—ฟ ...
08/04/2026

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ | ๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐€๐‹๐”๐Œ๐๐ˆ
โ€Ž
โ€ŽMagandang araw po sa inyong lahat!
โ€Ž
โ€ŽSa lahat ng mga gradweyt ng ๐—•๐—ฎ๐˜๐˜€๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ (๐—•๐—ฆ๐—™) mula sa Eastern Visayas State University (EVSU) Main Campus (Batch 2019โ€“2025), kami po ay magalang na nananawagan ng inyong pakikiisa sa pagsagot ng aming ๐—”๐—น๐˜‚๐—บ๐—ป๐—ถ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†.
โ€Ž
โ€ŽBahagi ang gawaing ito ng ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ng ating programa na isasagawa ngayong buwan. Layunin nitong masubaybayan ang inyong mga karera, tagumpay, at karanasan matapos ang pagtataposโ€”mga impormasyong napakahalaga upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at serbisyong aming iniaalok.
โ€Ž
โ€Ž๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ป!
โ€Ž
โ€ŽKailangan po naming makamit ang hindi bababa sa ๐Ÿด๐Ÿฌ% ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต. Sa kasalukuyan, ang Batch 2025 pa lamang ang nakaaabot sa target, kaya naman lubos po naming hinihikayat ang iba pang batch na makiisa.
โ€Ž
โ€Ž๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ:
โ€Žhttps://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfQ2ZNxZENdDVM0qGVGvsxJ2StEJduZWonlSIC0ygHEjibUtA/viewform?usp=header
โ€Ž
โ€ŽTinitiyak po namin na ang lahat ng inyong ibabahaging datos ay mananatiling kumpidensyal at alinsunod sa umiiral na Data Privacy Policy.
โ€Ž
โ€ŽBukod sa pagsagot, hinihiling din po namin ang inyong tulong sa pagpapasa ng link na ito sa iba pa nating kapwa alumni upang mas marami ang makalahok.
โ€Ž
โ€ŽIsang mahalagang ambag sa patuloy na pag-unlad ng ating programa ang inyong pakikilahok at sa mga susunod pang pangkat ng mga mag-aaral.
โ€Ž
โ€ŽMaraming salamat po sa inyong panahon, suporta, at patuloy na pakikibahagi.
โ€Ž
โ€Ž๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ฆ๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐จ๐ฌ!

โ€ŽBuwan ng Panitikan ang Abril!โ€Žโ€ŽAlinsunod sa Proklamasyon Blg. 968 s. 2015, nakikiisa ang Kapisanan ng mga Estudyanteng ...
01/04/2026

โ€ŽBuwan ng Panitikan ang Abril!
โ€Ž
โ€ŽAlinsunod sa Proklamasyon Blg. 968 s. 2015, nakikiisa ang Kapisanan ng mga Estudyanteng Maka-Wika (KEMW), kasama ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat, sa selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Panitikan ngayong Abril na may temang Bekรซt Panitikan: Panitikan ng Katwiran at Kalikasan. Nagmula ang salitang โ€œbekรซtโ€ sa mga Agutaynรซฬn ng Palawan at nangangahulugan ito ng pagkakaisa at pagbibigkis.
โ€Ž
โ€ŽIpakita ang suporta sa panitikang Filipino ngayong Buwan ng Panitikan. Magbasa. Magsulat. Magkuwento. Makinig. Manood. Maki-bekรซt na!
โ€Ž
โ€ŽSamahan kami sa buong buwang pagdiriwang! Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang, bisitahin lamang ang https://ncca.gov.ph/nlm-2026/


PULSO HAN BALITA NG EVSU, NAMAYAGPAG SA RMN BROADKADA 2026โ€Žโ€ŽNasaksihan sa isang makabuluhang tagpo ng galing at talino a...
29/03/2026

PULSO HAN BALITA NG EVSU, NAMAYAGPAG SA RMN BROADKADA 2026
โ€Ž
โ€ŽNasaksihan sa isang makabuluhang tagpo ng galing at talino ang mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Filipino ng Eastern Visayas State University matapos silang magwagi ng Ikalawang Puwesto sa kanilang programang Pulso han Balita ng DYRS 1130 sa katatapos lang na RMN BroadKada 2026 na ginanap nitong Biyernes, Marso 27 sa RMN Tacloban Station.
โ€Ž
โ€ŽSa gitna ng matinding tagisan ng mga kabataang brodkaster mula sa ibaโ€™t ibang pamantasan at paaralan, ipinakita ng mga kabataang journo ng EVSU ang kanilang kahandaan sa larangan ng radio broadcastingโ€”mula sa malinaw na pag-uulat hanggang sa organisadong paglalahad ng balita. Dahil dito, kinilala ang kanilang tagumpay sa pamamagitan ng โ‚ฑ3,000 cash prize at gift pack mula sa ACS Manufacturing Corporation.
โ€Ž
โ€ŽBagamat nanguna ang ZENITH NEWS ng Leyte National High School at pumangatlo si G. Ricardo Todio, Jr. ng Leyte Normal University, nanatiling tampok ang kahusayan ng Pulso han Balita bilang isa sa mga pinakamaaasahang grupo ng mga estudyanteng mamamahayag sa naturang patimpalak.
โ€Ž
โ€ŽPatunay ang kanilang panalo na may kakayahan at tinig ng kredibilidad ang ating mga Ka-Wika upang maghatid ng mga napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon sa publiko.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

๐Ÿ’ป: Gabriel Estopin
โœ๏ธ: John Carlo Librando

PINNING CEREMONY: PAGKILALA SA PAGSISIKAP NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER NG SINING SA FILIPINOโ€Žโ€ŽIdinaos nitong Biyernes, ...
14/02/2026

PINNING CEREMONY: PAGKILALA SA PAGSISIKAP NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER NG SINING SA FILIPINO
โ€Ž
โ€ŽIdinaos nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, sa Miguel Romualdez Memorial Auditorium ng Eastern Visayas State University-Main Campus sa Lungsod ng Tacloban ang isang makulay at makahulugang Pinning Ceremony. Tampok dito ang mga mag-aaral ng Ikaapat na Taon sa kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino. Bahagi ito ng kanilang akademikong yugto bilang propesyonal na estudyanteng nagsasanay.

โ€ŽNaging simbolo ng dedikasyon, pagpupunyagi, at pagsulong sa disiplina ng wika at panitikan ang nasabing okasyon. Hindi lang ito basta paglalagay ng pin, kundi isang pagkilala sa mga estudyanteng nagpakita ng kahandaan sa pagtanggap ng mas malaking responsibilidad bilang mga g**o, mananaliksik, at tagapagtanggol ng pambansang pamanang pangkalinangan sa hinaharap.
โ€Ž
โ€ŽPatunay din ang pagkakaloob nito bilang pagpapahalaga sa mga hamon at tagumpay ng mga mag-aaral na nagpalakas, nagpatibay, at nagpatatag sa kanilang determinasyong isulong ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino anuman ang maging larangan na kanilang pipiliin at tatahakin.
โ€Ž
โ€ŽNawaโ€™y magsilbing ng gabay at inspirasyon ang seremonyang ito upang lalo pang palalimin, payabungin, palawakin ang kanilang pangmalas sa wika habang patuloy na itinataguyod ang pagkakaisa at makabayang kamalayan tungo sa mas makatarungan at maunlad na bansa.

Address

Tacloban City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EVSU - Kapisanan ng mga Estudyanteng Maka-Wika posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share